Thursday, August 16, 2007

ang dunggot

Aaminin ko na, masama ang loob ko sa mga taga-Dunggot. Oo, tama ang nababasa mo. I soooo don’t like them, as if.

Parte ng poblacion ng Jalajala ang Dunggot subalit masasabi nating may sariling mundo ang Dunggot. Malapit lang ito sa pinakangbayan pero dalawa lang ang talagang daanan para marating mo ang lugar, ang isa ay sa may kanto ng dating Kadiwa/DAR sa may National Highway, ang isa ay sa H. Belleza St. sa may tabing dagat. Dahil dito, maraming pagkakaiba ang Dunggot sa bayan.

Una sa napansin ko ay ang pagkakaisa ng mga taga Dunggot. Halos magkakakilala silang lahat at kapag may bagong mukha sa lugar ay alam na alam nila. Magkakakilala dahil halos magkakamag-anak silang lahat dun. Lubos mong makikita ang pagkakaisang ito lalo na sa pagsuporta nila sa mga koponang pampalakasan na galing sa kanilang lugar, mapa-basketball man o volleyball team. Ang pinagtataka ko ay kung bakit mahuhusay sa isports ang mga taga Dunggot. Panigurado ng running for championship ang kahit na anong basketball at volleyball team na galing duon. Hindi man sila palaging nagkakampeon, maaasahan mo namang mapapalaban ka talaga kapag Dunggot team ang iyong katunggali. Ito ba ang dahilan kaya masama ang loob ko sa mga taga Dunggot? Hindi.

Ang isa pang pinagkaiba ng lugar na iyon at sa bayan ay ang pagiging matatapang ng halos lahat ng mga lalaking taga Dunggot. Para sa iba, matatawag itong mga palaaway, basagulero o mga siga. Para sa iba naman, pwedeng sabihing pinaglalaban lamang nila ang kanilang sariling paniniwala, humantong man ito sa mabote at mabuting usapan, o basagan ng mukha. Hindi tulad ng mga lalaking tagabayan na ang iba ay hanggang salita lamang at pagpapa-cute. Hindi nakapagtatakang makakita ng mga taga-Dunggot na naglalakad sa bayan pero bibihira pa sa gagambang siyam ang paa ang makikita mong mga lalaking tagabayan na naglalakad sa Dunggot. Bakit? Kasi takot ang mga tagabayan. Ayaw kasi ng mga taga-Dunggot sa mayayabang na tao. Eh karamihan pa naman sa mga tagabayan eh… wag na nating sabihin hehe… Ito ba ang dahilan kaya masama ang loob ko sa mga taga Dunggot? Hindi rin.

Maraming chikababes na magaganda sa Dunggot. Ang mga crush ng bayan daw nun ay sila Rosanna San Juan at Nida na Siojo ang dating surname nung dalaga pa. Ang dalawa sa mga natatandaan ko nuon ay ang magkapatid na Shiella at si Grace Mejia, na crush ko na nuon pa man. Di rin pahuhuli nuon si Cherrilyn San Juan na anak nung Rosanna, Jeanne Bonagua, Belinda at Rowena Belleza. Makalipas ng ilang taon, ang kapatid naman ni Cherry na si Lala, pati na sina Grace Bonagua at Sharlyn Belleza. Kapag nagagawi lang sila sa bayan tsaka lang nabibiyayaan ang mga tagabayan na mabigyan ng pagkakataong makasilay sa kanilang kariktan. Yun nga lang, kahit isang beses ata ay di ko matandaan na naka-eye contact ko man lang si Sharlyn. Malas. Nitong huling Flores, si Jessa Mae San Juan naman ang nakita kong maraming tagabayang lalaki ang papaiyakin. Ito ba ang dahilan kaya masama ang loob ko sa mga taga Dunggot? Lalong hindi.

Eh ano nga ba ang kinasasama ko ng loob sa mga taga-Dunggot? Masama ang loob ko sa mga magulang ng mga chikababes na aking nabanggit. Bakit kasi sa Dunggot pa sila nanirahan? Sana ay sa bayan sila nakatira para mas marami pang pagkakataon na makasilay sa kanilang mga anak o umakyat man ng ligaw. Mahirap manligaw sa mga taga-Dunggot lalo na kung sa gabi ka tatao-po. Madilim kasi papuntang Dunggot lalo na nuon. Magdadalawang isip ka talaga lalo na kung takot ka sa multo, tikbalang o kapre. Ako, takot sa mga lalaking taga Dunggot. Gusto kasi nila ay kanila lamang ang magaganda. Sabagay, di ko rin sila masisisi. Pero kahit pa, hmmmmmmmppp!!!! Di ko kayo bati.

Ang maipapayo ko lang kay Lala sa mga taga Dunggot na chikababes, kapag may nanligaw sa inyong tagabayan, yung malakas ang loob na umakyat ng ligaw sa gabi kagaya ni Elat, makakasiguro kayong mahal talaga kayo ng lalaking iyon dahil handa niyang harapin ang kahit na sino at anong balakid maipahayag lamang niya ang kanyang wagas at walang ek-ek etcetera etceterang kapantay na pag-ibig.

Mas mabuti pa ata ay lumipat na lang ako sa Dunggot.

43 comments:

Anonymous said...

sa tingin ko ng aeh tinamaan si elat kasi sa jalajala eh pagaakyat ka ng ligaw eh ok lang naman na naka tsinelas ka yun bang islander o alpombra baga, pero ering si elat eh nako shoes pa , d ko alam kung napasagot nya si lala ba? alam ko magaling gumawang sulat si elat eh. romantic baga, hehe

Jalajala Rizal said...

hahahaha oo nga, nakikita ko si elat nun. pusturang pustura pero without pumada. di ko rin alam kung anong nangyari sa kanila. pwedeng sagutin nielat ang tanong mo pero mas maniniwala ako kung si Lala ang sasagot nyahahaha

Jalajala Rizal said...

teka, bakit mo nman nabanggit si Lala at ELat? binura ko naman yung about sa dalawa ah? :P

(Hmmmmmmm... "eLAt", "LAla" --- sounds the same. sayang nga lang pareho na silang taken)

Sharlyn said...

ayos mr. writer ah, me bf naman ata ksi si lala nun niligawan mo ELAT? yun nga palang DAR J.Delos Santos ang street na yun.. iba tlga sa dunngot, nun dlaga pako pag wala okasyon sa bayan nasa labas kami kwentuhan kantahan, naggigitara pa nga nun si kuya ronald anak ng ate angge.. iilan sa tga dunggot ang naging asawa ay tga dunggot din.. kasi halos kami ay magpipinsan dun.. dami rin namin bad experience dyan noh dahil sa kagandahan nmin.. hahahhaha... kapal...!!!

Anonymous said...

ewan ko lang para sa opinyon ko lang to na ata ang pinaka walang sense na nabasa kong sinulat sana manlang sana di na sinale yung mga pansariling ambisyon na wala naman wenta......

JBHAD said...

eh atleast naglakas ng loob si elat na gawin un at para dumayo sa dunggot tuwing gabi na bihis na bihis pa at minsan nanghihiram ng mga damit sa mga pinsan nia para maging pogi bago humarap kay Lala, alam din naman ni Elat na my BF si Lala noon pero inde na nia pinakawalan ang pagkakataon to express his feelings to Lala kahit alanganin, ang kay Elat lang eh masabi lang nia na mahal nia si Lala un lang naman ang kanyang pakay at wala ng iba pa "unrequited" love ba, summer nangyari un maaga ang classes ni elat kasi taga AMA cia(trimestral)kaya inde n din nia napanood si Lala nung Flores de Mayo at bago pumasok si Elat everyweek eh dumadaan muna cia sa dunggot para makita at makausap si Lala kahit konting sandali lang(Ang Suyuan sa Azotea)

nung naging regular na din ang klase ni Lala almost sabay silang lumuluwas ng Monday morning, mahirap magplano ng set noon kasi wala ng tlepeno or mobile pone ngunit sa dala ng pagkakataon eh nagkakasabay pa din sila, lumipas ang araw, linggo at buwan.... ang mga puso ay napapagod din, maybe its time to let go for the sake of both happiness.

si Lala taken na ngunit si Elat ay hinde pa marahil siguro hanggang ngayon nasasaktan pa din cia, but he is not bitter instead he is "EMO"

Jalajala Rizal said...

sharlyn, "me bf naman ata ksi si lala nun niligawan mo ELAT?" - hehehe hindi ako si elat. pero aaminin ko na source ko ng info si elat at kilala niya ako. kung may pagkakahawig man kami ng diwa, yun eh sa matagal-tagal na rin naming pagiging magka-ut-utang dila hahaha

anonymous, pasensya na kung walang sense ang naisulat ko para sa yo, medyo sang-ayon ako dyan hehe Pero elementary pa kasi ako ay may history na kami ng Dunggot. dito ako unang umibig at nasawi ahuhuhu ang hindi ko lang ma-gets ay sa sinabi mong "mga pansariling ambisyon na wala naman wenta".. Ang ambisyon ko lang naman pansarili dito eh mapraktis ang aking pagsusulat. hindi ko maisip kung ano yung inaakala mong pansarili kong ambisyon na walang kwenta. pero ikagagalak ko kung sasabihin mo sa akin kung ano ang iyong tinutukoy para kung mali ako eh maitama ko.

jbhad, parang kay odok ko ata narinig yan ah hahaha natutunan din pala ni elat kay odok yun.

JBHAD said...

hehehe cguro inde nakaka-relate si anonymous or may mapait din ciang nakaraan sa dunggot kagaya natin dalawa hehehehe ^^ and may i call the attention of all readers!!! inde po si elat si pao brew pero tama ang sabi nia magkaututang dila po sila^^

para sakin ito ang pinaka magandang topic dito, dahil dalawang beses lang talaga nagmahal si Elat ng tunay at pareho pang naunsaymi T_T

JBHAD said...

OT,

pakilagyan namn ng picture ng dunggot un pinakamagandang angle ha, hehehehe
dun k mag shot malapit sa bahay nila Lala ^^

reyna said...

teka...sikat din si elat like odok? kasi halos lahat yata kilala din sya...ask ko lang naman...peace elat!

Anonymous said...

ang dunggot bow!!! kina beverly bassig kme ngkukuta dati ng mga kaberkz ko...kaso ng-asawa na xa ngaun kya di q n masilayan ang duggot!!! :'(


-ada,babae sa batcave-

Anonymous said...

ang alam ko daming mga cute dyan sa dunggot tulad nila kanuto,c parak ayyyy! cute sya wala na ata...

someone you dont like.. said...

writer really? me too! im not particularly peachy about dunggot, especially sipsipin, then again punta is like another planet to me, and dont get me started in special district, i mean are they sooo special that they have to call it special? why not 4th dist. it seem kinda racist to the other dist. wha'cha think??..

jbhad- if you’re a dude like i think you are, it sound kinda gayish to me that you know so much about elat.. hhmm? been following him around? just wondering..

oh by the way to the readers of this website, if this is a nonsense blog then why read it in the first place.. commonsense is dead right now.. well thats my "opinion" so writer keep it up, we here appreciate in what you write about JJ.. Semper Fi..

Sharlyn said...

pansariling ambisyon duh!!!!???? ang nakita kong isa mga dahilan kung bakit po yan sinulat ni writer hindi dahil me pasikatin syang tao. , pinapakita rin po ng kanyang artikulo na sinulat ay pagkakaisa ng mga taga dunggot na maaring gawin natin mga taga jalajala in a good way ha.. ang masasabi ko lang masarap manirahan sa dunggot, meron man kapulaan ang bawat isa masaya po kaming lahat doon.. kasi naman mr. writer cnabi mopa yun mga magaganda sa dunggot, me pangalan kopa? hahahahaha..

Anonymous said...

magaganda talaga mga chika babes sa dungot.. first g.f ko taga dungot din kaya no doubt about na maganda sya, cool nmn mga kabataan noon that time wala nmn problema kahit 1am na ako umuuwi.nadadaan nmn lahat sa pakisama, kahit nag iisa lang ako wala nmn ako na experience na trouble.. isa lang kinatatakutan ko that time yung punong kamatsile...kse sabi nila may mumu daw dun.. almost forget my beautiful classm8 that time sila michelle, rowena at carmela.. hello po sa inyo!

Sharlyn said...

sino first gf mo dun? bka isa sa kamag-anakan ko?hehehehehe...ang mga guy na dumadalaw hindi ginagalaw ng mga tambay dun, masaya sila at matapang yun lalaki na pupunta dun.. babarkadahin ka pa nila... wala naman ako mtndaan na ginalaw nila yun mga dumalaw skin eh... ngayon mas marami na pumupunta na kabataan sa dunggot.. pra nrin syang poblacion na pbalik balik yun mga kabataan dun.. Niloloko ko nga ang mga pamankin at apo ko kc sila nman ngayon nkikita kong gala ng gala.. heheheheh

Jalajala Rizal said...

jbhad, maghihintay na lang akong may mag-contribute ng pictures from dunggot, for now, yung satellite shot muna...

reyna, magka-ut-utang dila din sila ni odok.

ada, nagkakasabay nga ata tyo nun sa dunggot... hmmnnnnn...

anonymous, si kanuto at parak? hehehehe

someone, naisip ko din yan. siguro may eason kaya tinawag na special district. aalamin natin.

sharlyn, e ganun talaga. kailangang sabihin ang mga names para maniwalaang mga di nakakaalam kung sino sino chikababes sa dunggot hehe

anonymous, yung mga uno nga dun ang nakakatakot. parang may kaluluwa o kapre daw nyaaaaahhh!!! mababait naman talaga mga guys from dunggot, pakisamahan lang. yung sinabi ko naman eh patawa lang hehe

Anonymous said...

@sharlyn, due respect to her family now di ko na mention name nya.. she'll always be especial to me and always be part of my life.. remember ko pa noong JS prom nmin, hehehehehhe! minulat nya ako sa kamunduhan! joke! joke! joke!.. I'm taking this opportunity na mag sorry sa kanya, kahit na its been almost 15 yrs ago na, that time were too young kaya mejo happy go lucky pa ako but now na realize ko sana iningatn ko relationship nmin..bigyan kita clue kung cno xa, madami po puno mangga sa palibot nila and nasa looban cla... hehehehehe! gets mo na ba?!

Sharlyn said...

heheheeh di ko makilala, pkilala ka at makikilala ko sya.. hehehehhehe

Anonymous said...

@sharlyn, xnsya di ko pede i-reveal ang identity ko labag kse sa code of ethics nmin mga super hero but i'll give u another clue.. isang uri ng manok ang bansag sa clan nila and sounds alike sya ng name mo.... di mo pa rin ba gets? cguro that time u we're too young kse it almost happened 15 years ago, suki yata ako ng dunggot at night time rough road pa ang daan noon papunta jan and may bilyaran pa sa may tindahan ng sanang, doon kse way papasok sa kanila... di pa rin ba gets?! i just want to ask something.. are u related to michelle belleza? she was my classm8 since elem. to high sch.

Sharlyn said...

uu pinsan ko sya kapatid sya ni dambe.. kilala ko bansag sa knila LABUYO! eh cno sa knila dun? dami rin chicks sa knila dun eh... hehehehhehe

Anonymous said...

yeheyyyyyy! ang daling daling nmn.. u got it baby!! ok na po yun at least may hint ka na, di ba! nasa baol na kahapon ang lahat and happily married na yata xa...

JBHAD said...

@someone you dont like, im not gayish, it it just Elat is a member of JBHAD that is why i know him a lot... malay mo si Elat pala ako hehehe^^

@anonymous, si carmela? si rowena? si michelle? eh classmates ko din sila malamang kaklase din kita hahaha sinu ka walanhiya ka?!!! ^_^

@Sharlyn, mis ko na si ate sanang ^^

Jalajala Rizal said...

uy, mukhang may maintrigang usapan dito hehe dagdag pa ng clue, more! more! more! hehe

Anonymous said...

hehehehehe! ok na po yun tagal na nmn yun and kaya lang na open ko kse about sa mga magagandang chicks sa dunggot, no doubt na maganda xa kse taga dunggot.. sabi nga ni cesar sa akin pag nakikita nya ako sa gabi.. galing ka na nmn sa syota mo sa DUNDOT!!

@jbhad, kilala mo ako and kilala din kita.. hehehehehe! sorry bro. pro di talaga pede na reveal ko identity ko ganun kaming mga superhero, kung naging rounin sana ako pede pa...

someone you dont like.. said...

there are a lot of potential girls in dunggot.. the only problem is, every girl look the same cuz they are all most likely came from the same family ahaha

to all the Anonymous commentors!! create a name for god sake.. its getting kinda confusing with so much reaction in here..

Sharlyn said...

yeah most of the dandababae in dunggot came from belleza family... hahahahhaaha

elat baka naman kasi ate sanang ko crush mo hehehhehehe....

@anonymous, maybe shirley?sharon?delly?carlota?or donna? cezar is one of the clue? kalimutan kona kung cno sya... huhuhuhhuhu...
OIST..OIST.. tama na... nananahimik na sila.. hehehehe

burnok said...

hindi ko kilala ang mga nabanggit na magagandang yan pero nai-intriga ako. wala bang pictures? friendsters?

Sharlyn said...

kung cno man yun masaya na siguro sya sa buhay nya...

Anonymous said...

@burnok, watch ka boy and kris madami latest chika dun... hehehehehe!

@sharlyn, yup! ur right masaya na yun sa life, just mention her bcoz shes one of those beautiful ladies in ur place..

@at someone u dont like,"every girl look the same cuz they are all most likely came from the same family... is it a complement?!...
quite intriguing huh!!! u made me think.. hhmmmmmmm!

Jalajala Rizal said...

i think compliment yung sinabi ni Someone, ibig lang sabihin eh ayos ang lahi ng belleza sa dunggot hehe wag sanang mahaluan ng di kanais nais na dugo nyaahhhh!

JBHAD said...

@sharlyn, hahahaah si ate sanang amp ^^ musta n kaya un batang maganda ngunit inde makapagsalita? pamangkin mo un diba or pinsan?

Jalajala Rizal said...

jbhad, may nagsend ng mga pictures from dunggot. may mga pictures dun, sigurado magugustuhan mo hehe tsaka ko na ipo-post pero kung gusto mo na agad makita eh kailanga ng pampadulas...

SandraLee said...

May itatama lang ako.. Kasi si Nida Siojo??? Walang ganung name..Nida Sia nung dalaga, and Nida Ladisla now that shes married.. shes my aunt..2 lang kming siojo na girl sa dunggot, ako at mama ko.. Lee Siojo.. Nice blog!!! At least somenone noticed our lil place...Dunggot...

JBHAD said...

@pao, oi i-post mo na yan agad ako n bahala sau pag uwi ko jan ^^

Jalajala Rizal said...

eh iintayin na lang muna kitang umuwi, mahirap na...

Anonymous said...

JJ,,..eh di mgkakilala pla tau kng nkksbay kta sa pgkukuta nmen sa dunggot..*wink* don't tell me nakainuman n ren kta.. hehe.. :P


-ada-

Sharlyn said...

ay oo nga pla si ate nida sia nun dalaga, ladisla na sya nagyon... ang ate sanang ko ok naman... yun kanyang anak na si lala ok naman, nananaba nrin tulad ko heheheehehe...

Jalajala Rizal said...

ada, siguro, baka... ewan ko hehe

sandralee, sorry di ko agad nakita yun comment mo. salamat for the correction, nilatigo ko na yung maling nagbigay ng info sa akin hehe

sharlyn, nananaba?ok lang yun, kesa namamayat errr----

BAKAL BOYZ said...

waaaaaaaaaaaaaa!!! si elat na nmn kaanu-ano mo b si elat? o si elat k nga. hihihihihihi.. sabagay ok nmn talaga si elat gellido nkasama ko yan sa manila grabe nga e simula sta. mesa sa may tapat ng census dati nilakad ba nmn hanggang crossing katanghalian... grabe

paolo said...

nabalitaan ko nga yan kay elat hehe cguro taga "pink elephant" ka din :P

Anonymous said...

awwww alam mo din yung pink elephat wala n yata un sa tabi ng philsin ah pero di ako nakapasok dun.. sa rotonda sa encounter ayun napasok ko yun 1 time lang kasama ko yung mga karamihan joepards, si darwin b. pulis n yun ngayun dati laging huli ng pulis.....kasama ni elat mag alay lakad si darwin b. at jay v.

paolo said...

nadadaanan ko lang naman yung pink elephant hehe wala na nga ngayon. wala na raw kasi yung mga taga JJ na laging andun haha