Wednesday, August 1, 2007

tuli or not tuli

Ayon kay direk Auraeus Solito, may bago na pala siyang pelikula na naimbitahan ulit sa prestihiyosong Sundance Film Fest sa Utah, Isteyts ngayong 2007. Ang una niyang pelikula na nakasali din sa Sundance nung nakaraang taon, “Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros” ay nagwagi ng 14 na international awards. Ang title ng second film niya ay “Tuli” na pinagbibidahan nila Desiree Del Valle, Carlo Aquino, yummy Vanna Garcia at ni idol Bembol Roco. Nag-shooting sila, saan pa, kundi sa Jalajala.

Naalala ko tuloy nung tinulian ako. Hindi sa doktor kundi sa pukpok. Hindi sa pokpok (belyas, prosti, callgirl o kalapating mababa ang lipad) kundi kay Ka Boning, gamit ang isang matalas na labaha, tuka-tuka at pamukpok na gawa sa puno ng bayabas.

Nagaganap ang madugong tagpo tuwing Mahal Na Araw sa may Dalig, Brgy. Third District. Malaki ang utang na loob ng maraming lalaking taga Jalajala (at babaeng naging BF o asawa ng mga lalaking iyon) kay Ka Boning. Hindi siya nagpapabayad ng pera maliban na lamang sa ibang gustong magbigay ng kaha ng sigarilyo. Naging parang panata na kasi niya iyon tuwing Mahal Na Araw. Maraming “pasyente” si Ka Boning sa nakatakdang araw, na ang edad ay naglalaro sa 10 hanggang 12 taon. May isang nagpatuli ng disinuebe na siya pero hindi ako yun, pramis… (tinititigan sa mata)… (lingon sa kaliwa)… (lingon sa kanan)… (tinitigan ulit sa mata, hinihimas ang baba)… Hindi nga ako yun, aba bangkulit!

Nagtanung-tanong ako kung ano talaga ang tunay na pangalan ni Ka Boning subalit sa bawat pagtatanong ko, tinatanong din ako ng “bakit, magpapatuli ka ba? / di ka pa ba tuli?” sabay tawa, kaya di ko na tinuloy ang pagtatanong (pakers). Bago kami sumalang sa “operating table”, kailangan muna naming magbabad sa tubig upang lumambot ang sobrang balat sa aming mga etits at syempre, for hygienic purposes, upang malinis at mawala ang natitirang dumi sa loob ng balat sa ari. Bagama’t lahat kami ay halos umurong ang uten sa sobrang takot at kaba, alam naming kailangan naming lampasan ang ritwal na iyon.

Paano ang operating procedure?

Nakahanay kaming mga magpapatuli, nakahubo at may nguya-nguyang dahon ng bayabas na malalaman nyo mamaya ang purpose. Uupo ang tutulian sa damuhan at titingnan ni Ka Boning kung pwede na bang “operahan”. Malalaman niya iyon kung di na nakakapit pa ang balat sa mismong ulo ng titi o ang tinatawag na “tagpos na”. Kung nakakapit pa, hindi ka pa pwedeng tulian, goodluck next year ka na lang. Isang taon pa ang pagdurusahan mong matuksong supot. Okay lang namang umiyak kasi di ka pa tuli, di ka pa tunay na lalaki sabi nga nila.

Kapag handa na ang lahat, ishu-shoot ni Ka Boning ang etits mo sa tuka-tuka, isang korteng baligtad na “L” na yari sa puno ng bayabas, na nakabaon ang isang dulo sa lupa. Sa kabilang dulo ay ang etits. Nasa loob ng etits ang dulong iyon ng tuka-tuka, ang balat ay nasa labas pero hindi sa butas ng ulo ng etits ha (mahabaging labaha, sana po ay nai-describe ko iyon ng mabuti). Ipapatong ni Ka Boning ang kanyang labaha sa bandang dulo ng balat ng etits, along its length, at itataas ang kanyang pamukpok…

Isa…

Dalawa…

POK!
”NYAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!”

Pupukpukin ang labaha upang mahiwa ang balat at lumabas ang ulo. Yep, diretso na, wala ng anaesthesia pa. Kung hindi ka pa hinihimatay nun o hindi mo pa nalulunok ang nginunguyang dahon ng bayabas dahil sa nerbyos, ibubuga mo iyon sa nagdudugo mong puso este— ari pala. Pagkatapos nun ay babalutin na ang etits mo ng katsa o tela na dala mo na kung tawagin ay “baru-baruan”. Baru-baruan dahil parang maliit na baro o damit ng maliit ding uten. Ang tawag sa dala ko nuon ay “baro” na dahil hindi na iyon para sa maliit na… err--- wag na pala nating alamin kung bakit. Kailangan mong langgasin ang iyong etits araw-araw ng pinakuluang dahon ng bayabas, yung maligamgam lang, syempre ka naman. Ilang araw ka ding nakasuot ng maluwag na shorts at yung iba ay daster para wag masaling ang etits. Hindi rin dapat makita ng babae ang bagong tuli mong titi kung ayaw mo itong mangamatis. “Mangamatis” na ang ibig sabihin ay mamamaga at magmumukhang kamatis. Nangamatis ang akin.

Pagkatapos nun, nakalampas ka na sa isang rite of passage para sa mga batang lalaki. Ang kasunod na lamang ay kung paano ka makakatikim ng luto ng Diyos sa unang pagkakataon.

Pagkatapos din nun, hindi na rin ako pwedeng tuksuhing supot dahil marami akong testigo na natulian na ako. Kung di ka pa rin naniniwala, pakita ko pa sa ‘yo.


*****

pahabol : nakakalungkot isipin na sa aking pagtatanung-tanong, wala ng nagtutuli ngayon ng pukpok. Wala ng sumunod sa kanya nung magretiro sa pagtutuli si Ka Boning dahil sa kanyang katandaan. Sa doktor na nagpapatuli ang mga batang taga-Jalajala na kahit pa mas mabuti iyon at mas safe, nakakahinayang lamang na isang tradisyon ang nawala sa ating bayan na hindi man lang nabigyan ng nararapat na pagkilala. Sa pamamagitan nito, kasama ang mga kapwa ko lalaki na dumaan sa inyong labaha, nagpapasalamat kami sa inyo Ka Boning.

11 comments:

JBHAD said...

hahahaahaha ^_^ dumaan din ako sa mga labaha ni ka boning, after graduating elementary dapat tuli ka na ayon sa tradisyon eh kundi tutuksuhin ka ng mga kakilala mo >_< inde pa ako tagpos noon pero w/ the help of my elder cousin si kuya "A" joepards cia, cia ang walaghiyang nagturo sa amin magpipinsan kung pano matagpos at para makapag patuli at inde cia nabigo, natagpos at natulian ako, salamat sau kuya "A" hehehehe at salamat din sau ka Boning

ysah said...

waaaaaaahhhhhh!!!! nakakatawa...haha!!! :D

Jalajala Rizal said...

jbhad, papano ba matagpos?

ysah, wag kang titingin ha...

Anonymous said...

may na-extra kayang taga JJ sa pelikula ni aureus? papanoorin ko yun kapag pinalabas.

nag-shooting kaya sila sa hospital? lagi kasing may shooting ng katatakutan dun haha

Jalajala Rizal said...

i dunno if may na-extra but i dont think nag-shooting sila sa hospital. pang horror shows lang naman yun hospital natin hehehe

but i hear it's much better now. mukha na siya hospital.

JBHAD said...

@jalajala Rizal, pano matagpos? mag tikol ka lang everyday ewan ko n lang hahahaahaha ^^ sakal itik for life hahaahah ^^

Jalajala Rizal said...

sige, gagawin ko yan ehek!

Anonymous said...

why did you put that picture in your blog,very graphic naman... and whoever in that picture na tinutulian, ay naku alam na ng lahat ang ari-arian nya...

aladybug said...

heeewwww! the story itself is slightly brutal why you have to insert picture pa? (teka sandali nga di ko matitigan :P)

Jalajala Rizal said...

nyaaaahhhhh!!! dont concentrate on the genital hehe look at his face in agony and appreciate the sacrifice we boys have to endure in order to go with the ritual :P

BAKAL BOYZ said...

awwwwwwww!! mis ko yan di kasi ako dumaan sa operating table nya kasi ba naman 9 plang ako bale grade 3 sumama na ako sa mga kabanda ko n mas matanda sa akin ng 3 and up yrs s doctor kaso ng ako n ang nakahiga di p daw pwede kasi di p tagpos, so wait ako till next summer 10 nko na denied n naman ako di pa rin ako tagpos nung mag 11 nko kahit kalahati plng ng ulo ang kita pinilit ko na sa nurse n gusto ko n talaga ako na lang ang supot sa amin waaaaaaaaaa... ayun natapos din kaso nangamatis heto naman ang kuya ko to the rescue siya pa ang taga langgas.... waaaaaaa