Saturday, August 11, 2007

smile before you open

(sulat padala ng Simple Hearts, mga taga Jalajala)

July 13, 1991

Dear Pinky,

Alam mo ba na meron na naman akong isyu sa iyo. Pero bago ang lahat kumusta ka na riyan sana naman sumulat ka sa akin. Alam mo ba Pinky noon nagpatatak si Beth kay Konse ng T-shirt nagkita na naman kami ni Konsehal. At alam mo ba Pinky noon Sabado pumunta na si Konsehal sa tindahan at nagkwentuhan sila. Ako naman naggagawa ng assignment ko. Hindi ko alam na nandoon pala si Konsehal. Tinawag ako ni Beth. Sabi niya nadoon daw si Konsehal. Nang nasa loob na ako ng tindahan nagparinig si Beth “sabi niya” ano ba Carol Sabado pa lang naggagawa ka na ng assignment. Sabi ko naman iba na ang maaga. Sumabat si Konsehal sabi niya gusto yatang maging abogada ni Carol sabi ni Konsehal. Sa isip-isip ko parang iniinis nya ko. Kaya ang sabi ko wala kang pakialam sa kin. Tapos pumasok na ako. Biglang dumating si Hermie nanghihiram ng aklat, sabi ni Hermie wala daw syang assignment sa Math. Pumunta ako sa tindahan nakita ko na kausap si Konsehal at tinitingnan ni Konsehal ang notebook ni Hermie. Sabi ko ke Hermie bakit nya ako tinatawag sabi ni Hermie pasasagutan daw nya ang assignment nya sa akin sabi ko hayan sasagutan na ni Konsehal alam naman nya iyan dahil matalino yan sabi ko. Tapos sinagutan ni Konsehal ang assignment ni Hermie. Pagkatapos sagutan ni Konsehal ipinakita sa akin ni Hermie ay kaharap ko si Konsehal sabi ko mali sagot ni Konsehal. Sabi ni Konsehal pano daw magiging mali. Ipinaliwanag ko sa kanya, Iyon lang parang napahiya sa kin si Konsehal sabi nya sa akin alam mo pala bakit hindi ikaw ang nagsagot. Sabi ko naman paano ko sasagutan e sinasagutan mo na nga. Sabi ni Konsehal e ikaw pala ang magaling dapat ikaw ang nagsagot. Sabi ko naman ay tanga ka pala ang sabi mo sasagutan mo na alangan naman kunin ko sa iyo samantlang sinasagutan mo na sabi ko. Sumagot si Hermie sabi nya Aba ng dahil lang dyan mag aaway pa kayo. Sabi ko naman, ay paano ang hirap kausap ni Konsehal, marunong pa sa nakakaalam sa kanya sabi ko tapos pumasok na ako tapos na ako sa paggawa ng assignment . Kami ni Beth ang tumao sa tindahan. Tapos kinakausap ni Beth si Konsehal. Sabi ni Konsehal sa kin kung kasing tanda daw kita sabi ko naman oo, sabi ko ikaw ang pinakamatalik kong kaibigan tapos itinanung pa kung anung year na ni Grace sabi ko 1st year. Sabi nya kung sino daw ang pinakamatalino sa atin magkakaibigan sabi ko lahat matalino. Tapos natulog na ako.
Kinabukasan nagpunta kami kay konsehal para magpatatak ng T-shirt ni Beth. Nailaglag ko sa may laman na tubig na timba pero dinala pa rin naming ni Beth. Sabi ni Konsehal ano daw ang ilalagay don sumagot ako PEHM sabi nya ikaw ba ang kinakausap ko? Parang napahiya ako. Nainis ako ke Konse. Sabi nya bakit daw basa. Sabi ko ay di tatakan mo ng basa sabi ni Konsehal bakit hindi ikaw ang magtatak. Sabi ko nman kung marunong lang nga ba akong magtatak ay di sana ako na lang ang nagtatak. O e hindi ka pala marunong bat ka nakikialam. Sa inis ko lumabas na ako.

Nung Lunes na ng hapon kinuha na namin. Ang nakita ko ang tatak lang ay PEHM walang tuldok sa bawat letra sabi ko sa kanya sabi nya para daw bata. Sabi ko naman paano magiging bata ay kaya nga PEHM dahil Physical Educ. Health and Music. Sabi ko sa kanya tanga sya, tapos nang kinuha ulit namin kinabukasan ng hapon ang Tshirt ay dala ko slum note ko noong hapon iyon. Sabi ko kukunin ko na ang Tshirt dahil hindi ko kasama si Beth si Lorilyn kasama ko tapos sabi ko ke Konsehal kukunin ko ang Tshirt tapos nalibang ako kasi pinaghintay kami. Hindi ko alam na pinapabasa pala ni Lorilyn ang slum note ko. Nakita ko nainis ako kinuha ko ke Konsehal sabi niya binabasa ko ng kinuha ko sabi nya sa akin bastos daw ako sabi ko mas bastos ka wala kang pahintulot para basahin ang slum note ko. sabi niya masama bang makita ang iyong crush dahil puro 6-6 walang iba kundi ako. Sa inis ko namura ko tuloy siya sabi nya alam mo Carol, pinagbibigyan lang kita sa mga sinasabi mo sa akin. Bakit kontrang-kontra ka sa kin ha Carol? Alam mo na iyon sabi ko sa kanya. Tapos umalis na ako sa inis at galit ko.

Tapos ng Miyerkules ng Hapon nagpatatak ako sa kanya. Sabi nya ano daw ilalagay sabi ko logo ng S.M.P.S. sabi nya kailan ko daw kukunin sabi ko sa Huwebes dahil gagamitin namin. Sabi nya masyado raw ako maraming Tshirt na Hanes.

Ng sumapit ang araw ng Huwebes kinuha ko na paglabas namin ng tanghali kasama ko si Hermie. Tapos nakasalubong namin sya. Tinawag namin sya ang sabi nya Yes Carol? Sabi ko kukunin ko na ang Tshirt ko. Sabi nya pagpasok na daw namin ng tanghali. Nang pumasok kami ng tanghali, ako at si Hermie at si Lorilyn ang magkakasama papunta dun kina Konsehal. Nang pumunta kami doon sabi nya hindi pa raw tatak pero pinaghintay nya kami ng 20 minutes sa kanilang bahay. Nagkwentuhan si Hermie, Lorilyn at Konsehal . Samantalang ako nakaupo lang walang kibo ako kasi kagalit ko si Konsehal kaya hindi ko sya kinakausap. Sabi ni Hermie, Konsehal tingnan mo si Carol ayaw makipag usap sa atin sabi ni Hermie. Sabi ni Konsehal kasi galit sa akin si Carol. Ang ginawa ni Lorilyn at Hernie pinagbati kami ni Konsehal. Sabi ni Konsehal libre na lang daw. Sabi ko naman nakakahiya sayo kaya binayaran ko nang papaalis na kami ng isara na nya ang pinto naipit ako napasigaw ako. Sabi ni Konsehal sorry daw napaiyak ako sa sakit ang ginawa ni Konsehal nilagyan niya ng gamut na pula. Tawa ng tawa si Lorilyn at Hermie sabi ko okay Konsehal sinasadya yata niya ang pagkaipit sa kin. Sabi nya sorry daw lalo akong nagalit ke Konse.

Alam mo Pinky pagkatapos mong basahin ito marahil hindi ka maniniwala pero alalahanin mo magsasayang pa ba ako ng oras at tinta kung hindi ito totoo. Pinky kung naniniwala ka sagutin mo ito. Kung hindi ka naniniwala bahala ka. Sana sagutin mo ang sulat ko.

I repeat please answer my letter.

I love you very much.

Love,
Your Friend Carol
PS
Pinky babatiin ko na ba si Konsehal? Sana sagutin mo ha?

18 comments:

Anonymous said...

bwahahahahaha kilala ko si carol at kilala ko din si "konse" ang saya ng pagkakakwento ng istorya

Anonymous said...

sino si konsi? nasan na sila hermi lorilin at carol?

Anonymous said...

asan na nga si carol, ang darling of the crowd kapag may volleyball hehe

JBHAD said...

hehehe kung si carol nga ang darling of the crowd...... pero para sakin si miss pinky ang pinakamaganda sa lahat =)

Jalajala Rizal said...

hindi ko alam kung sino si "konsi" at itatanong ko sa simple kung ano na ang balita sa kanila. pero ang saya nga ng sulat ni carol, nai-imagine ko sya habang nagkukwento hahaha

Jalajala Rizal said...

jbhad, sa lahat ng nasa bench? hehehe

Anonymous said...

wala bang letter naman ni Carol ke konsi? for sure mas mahaba yun hehe

Anonymous said...

sino nga si konsi? sirit na. sinong nakakaalam?

Jalajala Rizal said...

attention SImple, kayo ata ang makakasagot ng mga tanong dito hehe

Anonymous said...

you've posted a personal letter, have you gotten carols permission??.. just asking..

someone you dont like.. said...

booo.. the writer deleted some of my comments, thats not right!.. i do know her so i still stand on what i said before..
and i still think pinky is like this little hobbit from the shire hahaha

Jalajala Rizal said...

i deleted it kasi nakakasakit yun ng damdamin lalo na for carol. yun lang yun. we have freedom of speech here but that freedom comes with responsibility. lets not abuse it.

someone you dont like.. said...

ugh.. abuse is such a strong word to use writer, you hurt my feelings.. not.. i merely said what i know of her cuz i "do" know her thats all..

Anonymous said...

I think that was too personal to post that letter here.. is it sensible?
what can we get from that letter?
di pa rin nawawala sa mga taga jalajala ang pagigging tsismoso't tsismosa, ang maki alam ng buahy ng may buhay..
poor town kailn pa kaya tayo magkakaron ng matured na community..

Jalajala Rizal said...

someone, owwwwww, did i hurt your feelings? come here, i'll give you a hug hehe

anonymous, kaw naman, you're taking things too seriously. di naman lahat kailangang may mapupulot na aral, pwede naman for entertainment purposes lang. besides, Simple Hearts emailed the letter, Carol is from SImple so i'm sure Simple knows what they're doing. 1991 pa naman yun and knowing Carol, baka ikwento pa sa iyo yun kung itatanong mo hehe

tsaka di naman exclusive sa JJ ang pagkakaroon ng tsismoso't tsismosa kaya don't bring down the town that much. pre-spanish era, may mga ganun na kaya nasa kultura na natin yun.

someone you dont like.. said...

Hug my butt writer hahaha but kidding aside I have to admit this is a very entertaining letter.. It was written with so much conviction, honesty, passion, and a little comedy on the side.. and i saw pinky the other day followed by a tall "ent" like guy, very creepy..

BAKAL BOYZ said...

meron din akong sulat kay pinky pero galing kay marvin G. roberto G pero di sila magpinsan ha pareho lng G. hihihihi

paolo said...

bakal boyz, baka pwede mo ding i-send sa akin yang sulat na yan at ng magkaalaman na hahaha

si marvin gonzales at robert gimalay ba? hehe