Tuesday, October 6, 2009

d'dalaylay festival (jalajala, rizal)

Jalajala, Rizal celebrated the feast day of its patron saint, St. Michael the Archangel, last September 29. The day’s highlight, the D’Dalaylay Festival featured street dances participated by the people of Jalajala from its different barangay and schools in colorful, artistic and ingenious costumes.

With the onslaught of typhoon “Ondoy” in Luzon, particularly in the province of Rizal as the hardest hit area, still fresh in the minds of the people of Jalajala, we still celebrated the feast day of St. Michael as a way of thanking the Lord, through our patron saint, for sparing our town from the ravages of the destructive typhoon. Compared to the other Rizal towns, Jalajala doesn’t suffered the same fate the towns of Cainta and most especially, our neighbor towns of Pililla and Tanay, experienced. It didn’t even rain last September 29th.

In case you were wondering why we celebrate the feast day on September 29 and no longer in May 8, I’ve already told you about it HERE. Click the link in case you missed it.

All of Jalajala’s barangay and schools like the JaNa High (Jalajala National High School), SMPS and Greenfield Montessori School showcased their dances and costumes. Check out some of the pictures here, then click the Flickr link HERE.

Image Hosted by ImageShack.usImage Hosted by ImageShack.usImage Hosted by ImageShack.us

Image Hosted by ImageShack.us
Image Hosted by ImageShack.us
Image Hosted by ImageShack.us
Image Hosted by ImageShack.us


...and by special request:

Image Hosted by ImageShack.us

Monday, September 28, 2009

"ondoy" sa rizal.


Malamang naman ay alam nyo na ang mga pangyayari sa Luzon hatid ng bagyong "Ondoy".

Dito sa Jalajala, di naman gaanong nasalanta. May mga bahay na nasira, pero hindi kagaya sa ibang parte ng Rizal. Tumaas lang ang tubig ng Laguna de Bay kaya yung mga bahayan sa baybaying dagat ay inabot ng tubig. Nasira ang tulay sa Quisao, Pililla Rizal kaya ang mga sasakyan ay umiikot pa sa bundok para makaraan. Ang mga tao naman ay maaaring tumatawid sa ginawang tawiran sa tulay at lumilipat na lang ng sasakyan. Passable naman sa mga sasakyan yung daan sa bundok subalit mapanganib sa mga di sanay mag drive. Ang daan naman papuntang Laguna na dadaan sa baryo ay hindi na nadadaanan dahil may landslide sa area ng Mabitac Laguna. May maputik na daanan subalit hindi adviceable na daanan ng mga sasakyan. Pwede lang mga tricycle at motorcycle. Lakad din kung trip nyo.

50 pesos per kilo ang mga bangus. Bumabaha ng bangus. Pwede kang manghingi kung swerte-swerte ka. Pero nakakasawa din ang araw-araw na bangus.
Wala pa namang napabalitang namatay dito sa Jalajala.

Walang signal ang mga cellphone during the storm. Ngayon lang naging stable ang signal pero ang internet connection naman ay walang problema. Hindi rin nagba-brownout. Nawalan lang ng tubig kagabi pero meron na ngayon.

Tuloy ang Fiesta bukas. May D'Dalaylay Festival featuring street dancers bukas na pinaghandaan ng bawat baranggay. Sana lang ay hindi umulan. Piktyur-piktyurs soon.


Kanina nga pala ang last day ng SMPS Foundation day. Will post pictures too. Pero baka bukas na, kakain muna ako ng inihaw na bangus. Yummmm...

Monday, September 14, 2009

gma7's "born to be wild" sa brgy. paalaman



"Sa mga liblib na barrio, ang mga tao at hayop ay magkatuwang sa trabaho. Kaya hindi maiwasang magkasakit o masugatan ang mga hayop. Sa Jalajala Rizal, lubhang apektado ang ilang hayop dahil sa nagdaang mga bagyo. Pero wala silang kakayanang dalhin ang mga ito sa isang beterinaryo. Kaya naman doctor to the barrio si Doc Ferds ngayong Miyerkules. Sa tindi ng pangangailangan, pila-pila ang mga tao dala ang kanilang mga kabayo para matingnan ng ating resident vet." - video courtesy of BORONGDALAG

With interview kay Brgy. Paalaman kapitan Rolando Kasilag at Miller de Castro.

Friday, September 11, 2009

buhawing malaki

Kupo, di kayo maniniwala aba. Banglake ng ipoipo sa Jalajala nuong isang linggo, August 30. Mantagal na nung huling nakakita ako ng ipoipo/buhawi/twister sa atin, elementary pa ata ako nuon. Tingnan nyo ang kuha ni Hercie.

Image Hosted by ImageShack.us
Oooooohhh, scary...

Image Hosted by ImageShack.us Image Hosted by ImageShack.us
Balita ko, binaril daw yung ipoipo para masira. WAT DA?!!! Binaril?




video courtesy of Ricastarla

Sunday, September 6, 2009

jalajala fiesta... soon!

Wooohoooooooo!!! September na. Excited ako sa darating na fiesta ng bayan sa September 29, mukhang maraming happenings. May mga street dancing, mga presentations, exhibitions, at televised pa sa TV. Nice! Chance ko ng madiscover.

Thursday, August 27, 2009

"five questions" with lynette anne villarojas

Life (or fate, if you believe in it) is really unpredictable. It's ironic sometimes; it can throw a cruel joke on you or simply, when you least expect it, your life is not the life you envision to live. Just like Anne here, wala siyang idea whatsoever na magiging teacher sya someday. Sabi nga nya sa blog nya, "i never expected that i became a teacher.. but still i can say im very much inlove in my profession…" Biro nga na, isa na siyang noble teacher kahit hindi siya noble hehe But that is Anne, palabiro, gusto niyang patawanin lagi ang mga taong nasa paligid niya. Independent din siya, kaya niyang i-handle ang ano mang bagay.

Want to know more about this girl from Jalajala? Tingnan nyo na lang ang friendster nya or better yet, hanapin nyo ang facebook nya dahil sabi nya, di na uso ang FS hehe oo nga naman. Heto ang 5 questions na tinanong natin sa kanya nung in-interview namin siya.
Five Questions :
1) Anong gusto mo at ayaw sa Jalajala?-
ayaw ko, madaming tsismosa. ang gusto ko, well masipag ang mga tao dito.
2) ano ang most memorable experience mo na nangyari sa jalajala?
madami masyado. basta yung may liga ng volleyball sa court at fiesta. madaming tao kse.
3) papano mo ide-describe ang sarili mo?
complicated......
4) anong ugali mo ang sa palagay mo ay hindi alam ng karamihan sa nakakakilala sa iyo?
meron pa bang di nakakakilala sa akin? wala me maisip..
5) Kung papapiliin ka, anong gusto mo yumaman o sumikat?
ang gusto ko YUMAMAN, sino ba ang ayaw yumaman at mabili ang gusto mo.

Saturday, July 18, 2009

Sino ito?

Blind item muna tayo. May nasagap lang akong mga kwento habang nasa isang maboteng usapan hehe...

Sino itong alumni ng Saint Michael Parochial School na pwede daw i-consider sa Top 5 All-Time students pagdating sa kalokohan? Ang initial nya ay... ay wag na pala yung initial.

Isa sa mga exploits nya ay nung isang araw na nag flag ceremony ang school. Imbis na bumaba sa quadrangle, nagtago siya, kasama ang isang barkada, sa loob ng classroom nila. Mukhang di pa siguro nag-aagahan, binuksan ang mga bag ng mga kaklase at hinanap ang mga baong maluto, lalo na nung mga kaklaseng nakatira sa malalayong lugar. Masarap daw kasi ang mga baon nila, mga manok at karne. Kinain nilang dalawa ang supposed to be ay tanghalian ng iba. Pagdating ng tanghali, umiiyak ang mga kaklaseng walang kakainin, nagsumbong sa teacher subalit hindi nalaman kung sino ang salarin.

Hindi lang sya patagong kalokohan, pasimple din. Isang araw naman na vacant ang class nila, nagtuturo sa kabilang room si Mrs. Medina (RIP). Nagsusulat ito sa blackboard at lagi siyang may tatlong tuldok sa hulihan ng kanyang sinusulat. Since manipis na plywood divider lang ang pagitan ng bawat classrooms sa SMPS, ginagaya ni istudyente ang tatlong tuldok na ito. Pagtuldok ni Mrs. Medina, tatlong katok ang isasagot ni istudyante mula sa kabila. Nakapansin na si Mrs. Medina at sumigaw kung sino daw ba yung kumakatok sa kabila. Ang ginawa ni istudyante, inuga ng malakas ang divider. Pumunta sa kabilang kwarto si Mrs. Medina at galit na galit na tinanong ang klase kung sino yung kumakatok. Walang sumagot.

"Ahhh, walang aamin ha, sige lahat kayo..." banta ni Mrs. Medina, balak parusahan ang buong klase pero bago pa nya matapos ang sasabihin, halos sabay sabay itinuro ng buong klase ang magaling nilang kaklase. Ayun, hila hila ni Mrs. Medina sa patilya papuntang Principal's office.

Kung may pasimpleng banat ang magaling nating istudyanteng ito, may harap-harapan din siyang banat. Isang araw daw, sinabihan ang isang madre ng "Sister, naka supporter ka ba? Bakat kasi ang supporter mo."

"Punye*&%$#@#!!! bata ito, napakabastos mo talaga" ang tanging naisagot ni Sister, napamura pa tuloy.


Moral of the story? Ewan ko kung may moral haha Nakakatawa lang kasi alalahanin pero syempre, hindi magandang asal yan at nakatatak na sa iyo ang mga kalokohang ginagawa mo hanggang sa iyong pagtanda. Kung minamalas-malas ka pa, mababasa mo pa sa blog ang pangalan mo at ang mga ginawa mo.

Sino siya?

Saturday, June 6, 2009

JJ iraq basketball team

Ilan sa mga manlalarong taga Jalajala na nagtatrabaho sa Iraq. Championship na naman ito.

Line Up :
#04 - Nelo Molero
#19 - Rudy Martin
#3 - Lito Ignacio
#31 - Jhay Ar Marino
#5 - Rhyan Villa
#27 - Norman Bonagua
#9 - Aham Ibasan
#00 - Darryl Alvarez
#16 - Virgilio Isales

Player/Coach - #17 Anthony Ibasan



Current record as of today : 3 wins - 2 losses

Sunday, May 31, 2009

sino si i. pascual sa i. pascual st.?

MATAGAL NA akong curious kung sino yung mga taong nakapangalan sa streets natin sa bayan. Sino si Miguel dela Vega (M. dela Vega St.)? Sino si Simeon Perez (S. Perez St.) Sino si J. Borja?

Si Eulogio Rodriguez, J.P. Rizal at A. Bonifacio, kilala na natin sila.

Eto pa, sino si Isidro Pascual ng I. Pascual St.? Di mo alam?

Ayon kay Miss Gemma Cruz Araneta, si Isidro Pascual ay isang Katipunero nung panahon ng mga Kastila. Nung binubuo ang KKK, nagtatatag sila ng mga "balangay" o Katipunan branches sa bawat bayan at lugar. May isang tao na naka-assign na magtatatag at magre-recruit ng mga gustong sumali sa Katipunan.

Si Isidro Pascual ay isang agente especial (special agent, parang yung sa FBI hehe) na binigyan ng tungkuling magtatag ng Katipunan sa Jalajala.

Ahhhh... yun pala yun.

Friday, May 15, 2009

bangon kalikasan

by: Joey C. Papa
(bangonkalikasan@yahoo.com)

Noong Sabado ay nasa Jala-jala, Rizal kami. Ilang ulit ko nang nadaanan ang mga ba-yan ng Rizal mula Antipolo hanggang sa dulo nito patungong Quezon.

Hindi ko pinagsawaang tingnan ang magandang tanawin ng kapatagan mula Morong hanggang Jalajala. Mapalad kami at kakatapos lang ng mahabang araw ng pag-ulan at kulay luntian pa ang mga kabukiran at kabundukan.

Malamig ang simoy ng hangin laluna na nang makipag-usap na kami sa ilang mga residente sa isang barangay. Maputik ang daan patungo sa kanilang lugar. Sementado na ang kalsada nang biglang sa kalagitnaan ay bumulaga ang hindi sementadong bahagi ng daan. Lubak-lubak at maputik.

Sabi ng kausap namin ay dahil ‘yan sa pulitika. “Nag-away ang mga pulitiko, naapektuhan ang kalsada namin. Ang mga paninda naming gulay at hayop ay may kahirapang dalhin sa bayan,” bigay- diin ng isang kausap namin.

Idinagdag pa niyang pati ang mga batang mag-aaral ay laging napuputikan ang mga damit at sapatos nitong nakaraang umuulan ng ilang araw. May nadulas pa anya sa bahaging hindi sementado dahil nagbabalon ang tubig ulan d’yan at mahirap daanan.”

Naglalaban ang alinsangan at malamig na simoy ng hangin. Marahil ay dahil sa hapon na nang tumigil kami sa harap ng kanyang kubo at mag-kwentuhan. Noong maaga-aga pa ay umikut-ikot muna kami sa kanilang komunidad.

Maraming alagang hayop ang kausap namin mula manok, kambing, bibe, pabo at baka. Paminsan-minsan ay nagtatanim siya ng gulay at hinimok ko siyang magsagawa ng organikong pagtatanim ng gulay.

Sa halos 10 minuto lang naming pag-uusap ay naliwanagan na siya sa kasamaan ng kemikal at kahusayan, kabutihan ng purong organikong pagtatanim.

Dahil dito ay malungkot niyang ikinwento ang una niyang pagtatangka sa pangingisda sa lawa ng Laguna. Noong una’y natuwa siya dahil mai-nam naman ang huli nila. Ngunit nang minsa’y siya at ang pamilya niya mismo ang kumain ng ilang huli nilang isda, nalasahan niya ang hindi lamang lasang gilik kundi lasang kemikal sa isdang bangus at kanduli.

* * *

Matagal na niyang naririnig ang polusyong hatid ng mga kumpanya, pabrika na nakapalibot sa lawa at ang masamang lasa ng mga huling isda. Binalewala niya noon. Ngunit nakumpirma ang bagay na ito nang ang pa-milya na niya mismo ang kumain ng isda.

Mula sa kanila ay tanaw na tanaw ang lawa. Sa taya ko ay may limampung hakbang lamang ang layo nito sa tinitirhan nila.

Sinabi ng kasama naming doktor na sayang at matagal nang pinag-uusapan ang pagliligtas sa lawa ngunit nanatili lamang ito sa salita. Kabuha-yan at kalikasan ang nasira ng walang habas na pagdudumi sa lawa.

Sinabi ng isang mangingisda na pini-pilit daw nilang linisin ang lawa sa pamamagitan ng paghimok sa kanilang mga kalugar na pamahalaan na ng wasto ang kanilang mga tira-tirang bagay na nagiging basura para hindi na ito itinatapon sa lawa. Kahanga-hanga ang pagsisikap nila sa lugar na ito. Dito na sila isinilang at tumanda.

Ngunit bahagi lamang ang Jalajala ng mahabang lawa ng Laguna at tiyak na masasapawan pa rin ang kanilang pagsisikap ng mga bayan na hindi tutulad sa kanila. At ang pinakamahalagang maipatupad ay ang mata-pat na pagsunod sa mga batas pangkalikasan na tila nabaon na sa limot.

Hindi dapat gawin ng mga tao at pabrika ang lawa ng Laguna bilang inidoro.


Friday, May 8, 2009

Virginia Fabella honored by the town of Jalajala as environment advocate

Virginia Fabella, a Maryknoll Sister from the Philippines, has been involved in environmental work since the early 2000’s when she was assigned to Jala-jala, Rizal, where her congregation is developing a mini-farm towards self-sustenance.

“At Maryknoll mini-farm, we use only ‘environment-friendly’ farming methods. Our place in Jala-jala has also been used for seminars on waste management and other environment-related concerns,” said Sr. Virginia.

When Jala-jala town celebrated its 100th anniversary in March 2007, Virginia Fabella received a certificate of appreciation from the town mayor for her invaluable support and active participation in conserving environmental resources and developing greater consciousness in caring for nature.

Sr. Virginia is a member of AWRC and the Editorial Advisory Committee of IGI. She also teaches feminist theology courses in the Institute of Formation and Religious Studies.



***

source WOMENET

Tuesday, May 5, 2009

ang buhay ng pamangking ko, parang life...

video

.

SI YAYAY ANG bida. Para sa akin, dapat isama si Yayay sa Jalajala Baskethall Hall Of Fame dahil sa pinamalas nyang kagalingan sa larong basketbol. Isa sa mga manlalaro ng Dunggot na maaaring ituring na "legend". Mapaliga man o lima-lima lang, mas nanaisin ko pang kakampi siya kesa kalaban at kabanggaan. Nakita mo na ba ang kanyang "bicycle shot"?

1:30 sa video: "eh, eh, ang pamangking ko, nakaka-jamming ko na"
3:28: ang pagdating ng Rookie Of The Year...
4:20: ang pang-"Guinnes" na pagtungga ng alak ni Rookie Of The Year, walang tubig, mamatay-matay... ayos lang.
5:05: pupulutaning natin, daing o saging? ang sagot....
6:20: hindi, tatlo lang. para may sampung piso pa pangsigarilyo...
8:00: nagpapahiyang pa ata. yan ang ayaw ko sa tropa namin, nagpapahiyang. hindi pwede sa tropa yan eh.
9:05: ayaw ng magpasa ng tagay ni Rookie Of The Year... Ano, napahiya na.


video provided by Trupa15

Thursday, April 2, 2009

semana santa sa panahon ng txt gener8n

HOLY WEEK na naman, Mahal Na Araw, Semana Santa.

Kung ano pa man ang gusto mong itawag dun, iisa lang naman ang kahulugan. Last year, napag-usapan natin ang sinasabing tunay na diwa ng Semana Santa. Habang lumalaon ata, nawawala na ang tunay na diwa nito. Kung ano mang diwa yun, wala na ata tayong pakialam. Malamang mas alam mo pa kung ano yung Kadiwa sa Jalajala.

Pero tuwing panahon na ito, di ko talaga makalimutan ang mga pamahiin na laging sinasabi ng mga oldies, lalo na tuwing Holy Week nga. Gaya nga ng nasabi ko last year, bakasyon pa naman kapag Mahal Na Araw, madaming pwedeng gawin subalit madami ding bawal daw ayon sa mga pamahiin; gaya ng bawal mag-ingay, magsaya at magpatugtog ng malakas na radyo dahil patay daw ang Diyos, bawal maligo sa Biyernes Santo, mag-ingat sa byahe o paggagala etcetera etcetera...

Sa panahon ngayon, dapat pa bang maniwala sa mga pamahiin? Sabi ng iba ay wala naman daw mawawala kung susunod tayo sa mga iyon, sabi naman ng iba na maging sa simbahan o sa Bibliya ay walang basehan ang mga pamahiin.

Ibig bang sabihin ay mali ang mga sinasabi ng mga lelang natin?

Kaya ang survey, may pinapaniwalaan ka pa bang pamahiin kahit isa?

Friday, March 27, 2009

jariz team, ppi tour champion 2008

BANGKAGAGALING ABA, kahit sa Iraq, champion pa din ang Jalajala sa basketball. Congrats mga tol, magse-celebrate kami dito sa JJ, bayaran nyo na lang ang mga nakuha naming beer.

Last year pa sana ang balitang ito pero ang tagal ng pagdating ng pasalubong ni Antutz kaya ipo-post ko na rin kahit wala pa ang pampadulas nya hehe... Tutz, sa Cubao lang ha.


Awarding ng medals and trophies...


..at ang score. Mapapansin nyo na "Halo-halo" ang pangalan ng kanilang katunggali dahil galing sa iba't-ibang lugar ang mga players nila, parang All-Star team from different provinces pero nanaig pa din ang Team Jalajala


Congrats din kay pareng Renel sa pagkapanalo nya ng Best Coach nang pangunahan nya ang Team Jalajala sa championship game.

...huh? ano raw! hind nanalo si Renel? Errrrrrr...




Thursday, March 26, 2009

"kamusta?"

Kumusta?

Taong 1990-1991, pansamantala akong nanirahan sa Jala-jala. Nabasa ko yung sinulat mo sa blogspot. Baka naman maaari mo akong matulungan na magkaroon muli ng komunikasyon sa aking mga kaibigan diyan sa inyong bayan.

Nelson at Luz Samodio, mga anak na sina Marlon, Rico at Leila.
Jennifer at Michelle Belleza.
Allan Borja. Dick Sarmiento.
Kahit na siguro kay Bernard Belleza, baka matandaan din niya ako.

Kahit e-mail o numero ng telepono, paki pasa.
Paki-hatid na rin sa kanila ng aking pangungumusta.

Salamat,
Edwin Cuenca

Monday, March 23, 2009

Meron ako ano...

MERON AKONG ano, meron akong kwento.

Binabalak ko kasi na ayain sana ang ilan sa mga kaibigan kong mahilig sa photography para magkuha ng mga tanawin sa Jalajala. Iniisip ko kasi na madaming magagandang lugar sa bayan natin na masarap kuhanan ng litrato, lalo na sa bandang baryo. Subalit bago ko pa yon masabi sa kanila, nagpunta muna kami sa Cagbalete, Quezon, isang isla na tunay na napakaganda. White sands at napakalinis na karagatan. Ngayon, parang ayaw ko na tuloy mag-aya sa Jalajala.

Bakit? Kasi, iniisip ko, ano nga ba talaga ang kakaiba at magandang tanawin sa Jalajala? Pangkaraniwang probinsyang pamumuhay, wala tayong kilalang lugar gaya ng simbahan ng Tanay, Morong at Antipolo. Walang Higante Festival gaya sa Angono. Oo, hindi polluted sa bayan natin kumpara sa ibang bayan sa Rizal pero gaya nga ng sabi ko, pangkarinawan din lang talaga.

Eh bakit para sa akin ay maganda ang Jalajala? Bakit hindi ko siya ipagpapalit sa ibang bayan sa Rizal? Bakit nga ba para sa atin, walang katulad ang bayang kinalakhan?

Ngayon ko naisip na malaking tulong sa magandang persepsyon ang mga magagandang karanasan natin na nangyari sa particular na lugar. Kahit siguro sa Boracay o Batanes, kung masaklap ang karanasan mo dun ay hindi iyon magandang lugar para sa iyo.

Gaya ng pantalan sa bayan, maganda iyon para sa akin dahil naaalala ko nung panahon na tumatambay kami dito ng mga kaibigan ko. Naaalala ko nung nililigawan ko ang kasintahan ko nuon at napapadpad kami sa pantalan sa hapon para mag-usap. Naaalala ko nung may makilala kami nuon na mga babaeng taga Lambak at dun sa pantalan naming sila huling nakita nang ihati naming sila sa bangka nung pauwi na sila sa Lambak. Tuwing hapon, baon ang mga barya, nagpapatugtog kami sa isang jukebox sa pantalan para alalahanin ang maiksi ngunit matamis naming mga sandali kasama sila. “Tears On My Pillow” ang kanta. Corny, oo na.

Maganda sa akin ang mga lugar sa baryo dahil nung nasa elementary pa ako, dun kami lagi tuwing bakasyon. Iba ang buhay sa bayan, iba ang buhay sa baryo.

Maganda sa akin ang kabundukan natin dahil malapit lang ito at kagaya mo, kagaya niya, kagaya nila, halos lahat tayo ay naakyat na ito lalo na tuwing Mahal Na Araw at aakyat ng Santong Lugar. Malapit na nga pala ulit mag Holy Week, akyatan na naman. Syempre, halos lahat sa atin, hindi umaakyat ng Santong Lugar dahil isa itong panata. Umaakyat tayo dahil may mga kasama tayong mga chikababes na kailangang alalayan. Tsansing? Hindi ah. Matulungin at maaalalahanin lang.

Maganda sa akin ang Dunggot dahil dun ako unang nagka-GF. Yiheeee… Maganda sa akin ang mga kalsada sa bayan dahil dun kami naglalakad habang sinusundan ang mga crush. Maganda sa akin ang plaza sa munisipyo dahil dun kami nanunuod ng mga amateur singing contest, dun ko napanuod si Palito, At dun ako naka-score ng 20-plus points sa isang laro sa liga ng basketball. May mga nakakahiya din akong karanasan sa plaza pero who cares, masaya naman.

Kahit ang highway palabas ng bayan, papuntang Malaya, maganda iyon sa akin. Maganda ang mga bundok at palayan at memorable sa akin dahil dun kami naaksidente ng mga kaibigan ko nung dumulas sa kalsada ang sinasakyan naming kotse at bumaliktad papunta sa bahayan. Near-death experience talaga. Medyo nakainom kasi kami nuon at umuulan pa. Buti na lang at mga galos lang ang dinanas namin kahit wasak talaga ang sasakyan. Simula nuon, pinangako na namin sa aming mga sarili na tunay na mag-ingat kapag basa ang daan at wag ng mag-drive kapag nakainom kahit konti lang.

Pinangako din namin sa aming mga sarili na hindi na kami mag-iinom…

(…sa loob ng isang buwan.)

Saturday, March 7, 2009

namatay na si francis magalona

BAKIT DAW kailangang magbigay ng tribute sa isang artista gayung mas madami pang ibang Filipinong namatay kamakailan na may nagawang mas makabuluhang bagay kesa sa kanya? Bakit nga ba? Tama nga ba?

Eto ang sabi sa Lapsapan (pindot).

Wednesday, March 4, 2009

"five questions" with alvin "blue" de guzman

"Who are you to judge the life i live? I know I am not perfect and I don't live to be but before you point your fingers at me, make sure that your fingers are clean."


SI BLUE. Kilala mo si Blue. Kilala nila si Blue.

O baka mas kilala mo siya sa pangalang
Alvin de Guzman. Kilala din si Blue bilang isang gay, bakla, bading, miyembro ng pedereyshen at third sex. Kung ano pa man ang tawag mo sa katulad nya, problema mo na yun dahil hindi naman niya ito kinakaila. Why should he/she? Dahil kagaya ng karamihan sa kanila, si Alvin ay isang napaka-responsableng tao, mapagmahal lalo na sa pamilya, masipag at marunong sa buhay. Eh ikaw? Tambay. Multong tambay. At wag kang aangas-angas kay Blue dahil kaya ka nyng bugbugin, gaya ng ginawa nya kay... kay... wag na pala nating pangalanan hehe Hayaan na lang nating sumagot si Alvin. Eto.

Five Questions:

1) anong gusto at ayaw mo sa jalajala?
boring na pag gabe lalo pag may pasok

2) ano ang most memorable experience mo na nangyari sa jalajala?

sumayaw ng pearly shells in my public high school days


3) papano mo ide-describe ang sarili mo?

responsible po at syempre mapagmahal sa pamilya


4) anong ugali mo ang sa palagay mo ay hindi alam ng karamihan sa nakakakilala sa iyo?

sobrang magmahal


5) kung papipiliin ka ng isa lang, ano gusto mo, yumaman o sumikat?
yumaman syempre



Si Alvin ay pinanganak sa Jalajala, Rizal nuong Feb 25, 1976 at nag-aral sya sa Philippine Maritime Institute Manila. Tama ang nabasa mo.

Monday, March 2, 2009

ang kulay ng buhay


DAHIL SINASABI nilang ang bagong munisipyo ang bagong mukha ng bayan natin, sa aking palagay ay dapat ding malaman ng mga kinauukulan kung ano ang masasabi natin tungkol duon (assuming na makararating itong blag sa mga kinauukulan, op kors).

Nag-uusap kasi kami ng isang kaibigan nung isang linggo kung maganda nga ba ang kulay ng munisipyo. Isa sa amin (hindi ko na sasabihin kung sino) ang hindi nagustuhan ang kulay. Mukha daw cheap, mukhang ginawa ng mga taga-Marikina (hello, Bayani Fernando) at hindi "classic". Isa sa amin ang nagsabi naman na "interesting" ang kulay, may "character" at hindi lang generic na puti o cream/peach na pintura.

Sa inyong palagay mga taga-Jalajala, maganda nga ba ang kulay ng bagong munisipyo?

*sumagot sa komento at sa march survey...


Wednesday, February 18, 2009

ang bagong mukha


ITO NA ang bagong mukha ng bayan natin. Kupo, bangganda aba, walanting.

Kung ikaw ay manggagaling sa Maynila, ito ang bubungad sa iyo bago pumasok ng bayan, ang bagong munisipyo ng Jalajala, Rizal (pero hindi pa naman lumilipat ang mga opisina dito, malapit na, kaya Kuya Francis, wag kang atat hehe). Ito ang simbolo ng sinasabi nilang pagbabago at simula ng pag-unlad. Malapit ito sa Ynares Provincial Hospital na patuloy na isinasaayos para sa mga nangangailangan ng pagkalinga. At kasalukuyan ng ginagawa ang public highschool ng Jalajala. May plano na rin sa gagawing isang "recreational park" na handog ng bansang France sa atin, "merci, monsieur".

Kung ano man ang paniniwala mo at "political affiliation", hindi mo maikakailang ang bagong munisipyong ito ay dapat nating ipagmalaki. Natatandaan ko kasi dati nung makita ng mga kaibigan kong taga-Pasig ang lumang munisipyo, natatawa lang sila dahil mas malaki pa daw ang barangay hall sa Pasig. "Bwiset, monsieur".

Ngunit, subalit, datapwat, anong gagawin dito sa lumang munisipyo?



Sana naman ay wag pabayaan ang lumang munisipyo, gaya ng nangyari sa lumang munisipyo ng Pililla. Marami na kasing istoryang naganap sa munisipyo gaya na nga nung naikwento sa atin nuon ni Criselda Catyaliss. Isa pa, marami na rin akong di malilimutang personal experiences sa lugar na iyon, gaya ng pagpapa-cute sa mga crush, panonood ng sayawan, amateur at liga.

Dapat lang na mabuhay tayo sa "ngayon", harapin ang "kinabukasan" subalit wag kalilimutan ang "nakaraan". Dahil sabi nga nila, "ang di lumingon sa pinanggalingan..."

...malalim kung matinik

...ay walang nilaga

...may stiffneck

...sa simbahan pa din ang tuloy

...ay kukuhanin sa santong paspasan

Tuesday, February 17, 2009

"five questions" with alexis perez gutierrez

"May isang ilog kang nakita, tipikal na ilog, mukhang masarap lumangoy sa kanyang mapang-anyayang tubig. Nilubog mo ang isa mong paa, napaibig ka na agad sa kanya. Subalit sa iyong paglusong, muntik ka ng malunod dahil ito pala ay malalim, malalim para sa isang tipikal na ilog."

SI ALEXIS ay katulad ng ilog na ito. Sa una mo siyang makikilala, isa siyang tipikal na teenager; mahilig sa music, mmadaming kaibigan, mahilig sa internet at sa DOTA online game. Madaling mapapaibig sa kanya ang isang nilalang, subalit hanggang nakikilala mo siya ng mabuti, habang lumulubog ang paa mo sa kanyang mundo, malalalaman mong isa siyang malalim na tao. Madaming nalalaman at iniisip, iba ang pananaw sa mundo at sa kanyang paligid.

Five Questions:

1) anong gusto at ayaw mo sa jalajala?
gusto ko sa jalajala? Virgin pa kahit papano. >:) i mean, andun pa din yung ganda ng nature. :)

2) ano ang most memorable experience mo na nangyari sa jalajala?
lahat. kasi sa jalajala ako lumaki. lahat ng nangyari saken dun mahalaga, maganda man o hindi.

3) papano mo ide-describe ang sarili mo?
ako? simple. walang masyadong espesyal sa pagkatao ko. haha.

4) anong ugali mo ang sa palagay mo ay hindi alam ng karamihan sa nakakakilala sa iyo?
sobrang lambing. hahaha.

5) kung papipiliin ka ng isa lang, ano gusto mo, yumaman o sumikat?
sumikat syempre. :)


Si Alexis ay isang taga Jalajala na ipinanganak nuong May 25, 1989 at karaniwang nag-aaral sa FEU East Asia College.

Languyin ang kanyang mundo, click ka sa kalokohan nya dito:

Sunday, February 15, 2009

dapit-hapon sa jalajala

MAGANDA ANG bayan natin, lalo na kung alam mo kung saan ka pupwesto para sa isang kamangha-manghang tanawin. Itong kuhang ito, alam nyo ba kung saang lugar sa bayan? Sirit?

Nitong nakaraang linggo, sinamahan ako ng isang taga SMPS sa lugar na ito. Una kaming nagpunta sa may pantalan sa J.P. Rizal St. sa gitnang bayan. Maganda sa lugar na iyon at naghintay kami ng papalapit na takip-silim. Subalit iminungkahi ng kasama ko na mas maganda nga daw sa lugar na ito dahil may mga bangka pang makukuhanan. Dali-dali kaming naglakad papunta sa lugar na ito at tama nga siya, maganda nga ang lugar, medyo tago kaya marahil ay maraming di nakakaalam sa tambayang ito.

Simula ng nahilig ako sa photography, nag-iba na ang paraan ng pagtingin ko sa mundo at sa paligid. Lagi kong hinahanap ang magandang parte ng kahit na anong bagay, tanawin at tao na maaari kong litratuhan. Dahil dito, mas lalo kong naisip na tunay ngang maganda ang bayan natin ng Jalajala, tunay na tagong paraiso ng Rizal.

Alam kong marami pang magagandang tanawin sa Jalajala, isa lamang ito. Balang araw, makukuhanan kong lahat iyon.

At kung nais nyong malaman kung saan ito, eh sorry na lang. Kailangang hanapin nyo mismo. Explore Jalajala, ika nga. Pero maggawa muna ng inyong mga assignments bago gumala.

Monday, February 2, 2009

adoration chapel blessing

GOOD NEWS!

May adoration chapel na ang bayan natin, na itinayo sa mismong tabi ng ating simbahan sa bayan. Kahapon, Feb. 1, ay naganap ang blessing ng adoration chapel ng Jalajala na pinangunahan ni Most Rev. Gabriel Reyes, obispo ng Dioses ng Antipolo. Siya din ang nagmisa, assisted by our parish priest, Rev. Father Noeh Elnar.

Para saan ang adoration chapel?

Sabi nga ni Bishop Reyes, maging si Hesus ay nagpupunta sa isang tahimik na lugar upang makapagdasal ng mataimtim. Ito ang pangunahing layunin ng adoration chapel, para may isang lugar tayong pwedeng puntahan upang makapagdasal. Ayon pa rin kay Bishop Reyes, pwede rin naman nating gawin ito sa loob ng ating tahanan, sa loob ng ating silid subalit para sa ilan sa ating nagnanais na magkaron pa rin ng isang lugar na tahimik, pwede tayong magpunta sa adoration chapel. Dito rin tayo makakahanap ng "inner peace and serenity", ayon kay Father Elnar.



Bagama't tapos na ang adoration chapel, unfortunately, ay hindi pa tapos ang pagbabayad sa mga materyales na ginamit dito, na pinapasalamatan naman ni Father Elnar sila Randy at Grace de Guzman na nagpautang muna ng mga materyales. Pinapasalamatan din niya ang mga pamilya at mga indibidwal na nagbigay ng tulong pinansyal na ginamit sa pagpapagawa. Isa na rito si Architect Jun delos Santos na nagbigay ng kanyang serbisyo ng libre, ang design at pamamahala sa pagpapagawa ng adoration chapel. malaki din ang naitulong ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ng ating alkalde, mayor Pillas at sa mga barangay captain at kanilang mga kasamahan.



Kaya kung nais nyong tumulong sa ating simbahan, makipag-ugnayan lang sa ating parokya.


***

Kasabay ng blessing ng adoration chapel ay ang blessing din ng bagong ambulansya ng Jalajala.


Tunghayan dito ang mga litrato : JJ FLICKR

Wednesday, January 21, 2009

2008 smps alumni kodak moments

batch namin (2005)

Salamats ng marami sa mga taong nag-email ng ma piktyur ng alumni. Tingnan nyo na lang ang iba pang litrato dito sa JJ FLICKR.

Tuesday, January 6, 2009

smps alumni homecoming 2008 (updated)

MAY NASAGAP akong kwentuhan ng dalawang magka-batch sa SMPS tungkol sa naganap na grand alumni homecoming. Tunghayan natin. Basa.


aladybug: masaya daw alumni?
choknut: msaya tlaga, sa sobrang saya.. lasing ako.. hehehe
aladybug: hataw daw si mylene sabi nila eh hehehehe
choknut: ah di ko alam kung hataw c myles at ako eh nkayuko lang sa isang tabi.. hahaha
aladybug: hahaha
choknut: masayang kwelang ewan ang party.. may buhusan pa ng alak..
aladybug: feeling ko ngkalasingan
choknut: naman pano di magkalasingan.. may dala ako vodka tas 3 cases of beer eh 3 lang lalake – c roxin, gado at franciso --
choknut: tas cla jasmine, merillyn, rosell, mary ann gaceta andun
choknut: eh c myles as usual -- nangdaya na naman di uminom
aladybug: hehehe eh buti pala nasa JJ si Rosel
choknut: yup dumating c rosel kelan lng
choknut: bangsaya nun asaran dun sa smps alumni.. dun ang hanapan mga ex
aladybug: asaran b ng ex
choknut: tas di kinaya ang kakulitan ni candy
aladybug: ows, minsan nga kc sobra kulit ni candy
choknut: nagulat na lng ako nagkarun na ng bhagyang tulakan.. hehehe
choknut: prang cla noli at tibo aba..
aladybug: haha
choknut: maaga pa lang talga makulit na cya though kulit na ptawa naman
choknut: nang wiwisik ng alak tas nun ginantihan ni myles eh gumanti pa.. c nine yun nabuhusan ni candy ng alak
aladybug: hehehe
choknut: kaso nkailag eh d c myles ang tinmaan tas nung gumanti c myles ayun halos paligo c candy
aladybug: anobayan.. hindi pa rin ngbbgo hahahahha
choknut: pero di naman lasing c myles.. as usual nag lalasing lasingan nga
aladybug: as usual hhhe
aladybug: sobra namiss ko n kayo, HMP! alam mo nun 30 as in nglibang tlga ako. ayaw ko umuwi ng bahay hehehehe
choknut: hahaha.. na imagine mo cguro yun kulitan
choknut: masaya naman.. ako nga di lng masyado nkasabay like di ako syado nkasayaw
aladybug: hello! parang 2nd time na kaya to hehehe
choknut: ay oo nga no?
choknut: eh next tym dapat itaon mo na uwi mo ng meron alumni
aladybug: nun 1st naka attend naman ako nun, di nga shado masaya yun eh holyweek yun
choknut: ah.. oo party lang yun sa plaza iba kse pag sa st. michael pati ginwa
choknut: andun pla pati favorite teacher mo.. c mrs. villamor. hehehe
aladybug: nyahah, as in ngkita kita kayo
aladybug: si mam nocillo andun?
choknut: malayo kase kmi sa knila eh di nko nkpag effort na mklapit sa knila kse nga sa group pa lng ng batch natin eh susme daig pa ng 60 ang attendees
choknut: eh yun mga kalapit na batches nga eh nagmukhang may lamay dun.. khit mas marami cla.. out of place nga daw kmi.. hahaha
aladybug: hahaha
choknut: eh yun tipong di namin alam yun mga nangyayari sa paligid
aladybug: feeling nyo kayo lang ang andun
choknut: yun pla may program di rin namin alam.. hahaha knabukasan ko na lang nlaman nung may ngkwento sa akin
aladybug: pasaway tlga
choknut: tas meron pa pla nagalit -- c mrs. pendon nag mic pa pra mag sermon.. aba hindi rin namin alam
choknut: tas ang walk out daw batch 1970's -- di rin namin alam.. hahaha
aladybug: bakit daw
choknut: eh kase meron powerpoint presentation eh mali kse.. nag start ng 1975
aladybug: nyahahaha
choknut: so nabalewala yun batch ng 70's to 74.. syemrpe nman feeling na left out.. though mali talaga yun nag gawa
choknut: so in short, di na lang pinkita yun ppt
aladybug: eh intindihiin na nila, buti nga me ng effort eh
choknut: aba cla inche nga nun nkita makulit kami lumapit ano daw ininom namin
aladybug: konti lang ata sila s batch nila
choknut: kya ayun nki shot na cla ng vodka
choknut: ako nga prang zombie eh kase gusto ko pa mg enjoy suko na katwan ko hehehe 2 beses alng ata ako sumyaw taga tawa na nga lang ako
choknut: kase bangkulit din ni rox
aladybug: sa kttawa ubos n lakas mo
choknut: yun ba naman 3 case ng beer natin eh konti lang umiinon
aladybug: si myles maduga pa hehehe
choknut: aba yun nasa unahan namin eh GSM ang ininom panay ang pang aasar pa ni rox.. wla daw budget ang batch.. hahaha
aladybug: hahahaha eh pinang pledge n lang daw heheheh
choknut: tas pagkakita sa jemarps -- yun batch nila charlie -- eh tahimik, cnigawan pa ni rox -- sbi ni rox -- oy! party ito di ito lamay
choknut: basta lahat ng ktabi ng batch kaawa na
aladybug: hehehe




Dito ko na tatapusin ang kwentuhan nila dahil tungkol na sa mga issues ng mga ka-batch nila ang kanilang pinagchismisan este--- pinagkwentuhan.


******

updates (jan. 12,2009)

1) ang dahilan daw kaya di nakasama sa powerpoint presentation ang batch 70, ayon sa gumawa nun, ay hindi sila nakapagbigay ng kanilang mga pictures.

2) kapag may nasagap pa akong mga ibang pictures ng alumin party ay ilalagay ko dito.

3) at sa usaping "the best ang batch 94"... errr--- no comment ako diyan hehe