Wednesday, October 31, 2007

momo iyakin

(isinulat ni ALADYBUG, isang taga jalajala)
Ang apat na mgkakapatid ay lumaking puno sa pagmamahal at kahit pa salat sa materyal na bagay ay masaya ang kanilang pamilya. Hanggang sa nagkasakit ang kanilang ama at kailangang i-confine sa ospital dahil sa malalang kalagayan. Ang kanilang ina ay naiwan sa ospital para mabantayan ang asawa at ang mgkakapatid naman ay nagpasyang umuwi muna ng bahay.

Mahal na araw iyon kaya ang tatlong mgkakapatid na babae ay sumama sa prosisyon sa bayan para ipagdasal ang amang maysakit. Naiwan nag-iisa ang kapatid na lalaki sa kanilang bahay. Matapos ang prosisyon ay agad din silang umuwi at laking gulat ng madatnan ang kapatid na lalaki na tahimik na nakaupo sa labas ng bahay. At ng kanilang tanungin kung bakit ayaw nyang pumasok sa loob, ito ang kanyang sinabi...
“Kanina pa kasi meron babaeng iyak ng iyak sa loob ng bahay at ng silipin ko ang pinagmumulan ng ingay wala naman ako nakita”

Tuesday, October 30, 2007

si kapitan


“Uwi b u JJ? Wat tym?” text ko sa pinsan ko.
“Uu, uwi me 2day. Gabi na me dating jan. Y?” text back nya.
“Hndi n u bboto sa kapitan?”
“Di na. Kapitan lng nman” ang huli niyang text.


“Kapitan lang naman”. Matagal ko ng naririnig ang mga katagang iyan lalo na sa mga taga-Jalajala na sa Maynila nagtitigil. Hassle kasi para sa kanila ang umuwi ng bayan para lang bumoto sa eleksyon ng kapitan ng barangay at sa eleksyon ng SK (Sangguniang Kabataan). Hindi gaya sa eleksyon ng Mayor na talaga namang pambuno aba.

Pero kahapon, napansin ko (at napatunayan sa official statement ng Comelec) na malaki ang voters’ turn-out ngayon kumpara nung huling barangay election nuong 2002. Siguro ay nalaman na din ng mga botante ang kahalagahan ng posisyon ng kapitan. Siguro din ay nais nilang marinig ang kanilang boses kung sino ang nais nilang mamahala sa kanilang sariling barangay. Maaari ding nasabik silang bumoto sa barangay election dahil na-postponed dati yung dapat na election. Buti natuloy na ngayon. O kaya naman ay tunay lang masaya ang mga eleksiyon kaya marami ang bumoto.

Kung tutuusin kasi, malaki ang responsibiladad ng kapitan at ang kanyang kuneho este—kunseho. Ang kapitan ang pinakang-“tatay” ng lahat at kung may hidwaan man at di pagkakaunawaan, sa barangay muna sila lalapit para maayos. Kailangang maging patas lang ang kapitan sa pagsasaayos ng problema kaya ito ang isang kadahilanan kung bakit ayon sa batas, ang barangay election ay kailangang maging “non-partisan” o walang political party na na kinasasaniban ang mga kandidato para kapag nahalal na sila, kaya nilang maging pantay sa lahat. Kumbaga, ang mga kapitan ang “Prosecutor” at “Judge” na rin sa isang hidwaan. Pero syempre, nakatira tayo sa real world kaya ang theory na ito ay di rin nasusunod. Kilala naman natin kung sinong mga kandidato ang kaalyado ng kung sinong pulitiko o kung anong political party.

Matahimik naman ang eleksiyon sa Jalajala kahapon. Maulan lang nung nagbibilangan na sa hapon. Maraming tao sa kalsada pero ramdam mong di ganun ka-tensyon ang paligid kumpara sa mayoral elections. Ang nakita ko lang medyo kakaiba ay nang magpaputok na ng mga kwitis si Tony Calibara sa may gate ng elementary school isang oras matapos magsara ang mga voting precincts. Kandidato kasi siya bilang kagawad at ewan ko kung nagpaputok siya dahil nanalo na siya o nag-trip lang. Ayun, napagsabihan ng mga pulis na nakatalaga duon. Wala namang tensyon, nagtawanan pa nga ang mga taong nakakita.

Dito sa bayan, apat ang kandidao sa pagka-kapitan sa Brgy. 1st District. Dikit ang laban para sa dalawang kandidato at sa huli ay nanalo ang dating kapitan na si Kap. Nanding Belleza. Maganda din ang laban sa Brgy. 2nd District. Dalawang kandidato, dikitan at sa pagkakaalam ko kagabi bago ako matulog, 24 boto lang ang lamang ng nanalong si Kap. Joey Anago. Congrats, ‘pre. Sa Brgy. 3rd District lang nagkatambakan at nanalo si Kap. Ino Miranda. Sana rin nanalo bilang kagawad si idol Pip Licudan. Sigaw ang orig.

Hindi ko pa alam kung sino-sino ang nanalo sa ibang baryo/barangay. Kapag may nasagap ako, sasabihin ko dito.

At dahil kahapon pa natapos ang eleksyon, ang masasabi ko lang ay tigilan na ulit ang pamumulitika at panahon na para mag-labing-labing na ulit ang mga tao. Isang araw lang naman ang eleksyon.

Tuesday, October 23, 2007

"boom! huli ka balbon!"

Una sa lahat, ang letter “a” at number “1”… err— parang mali ata. Ulit, ulit. Una sa lahat, turuan ko muna kayo kung papano malaman ang IP address ng mga nagco-comment sa Chismisan Section sa sidebar. Itapat nyo lang ang cursor ng computer nyo sa “#” sign sa dulo ng comment. Lalabas dun ang huling dalawang sets ng IP address. Ang IP address ay sets of numbers na unique sa isang computer na nakakonekta sa internet. Hindi pupwedeng magkapareho ng IP address ang dalawang computer na gumagamit ng magkaibang internet provider. Hindi rin nababago ang IP address.

***




Nagbigay ng advice si Jomark na wag ko na lang daw pansinin ang mga nanggugulo dito, gaya ng ginawa niya dun sa nanggugulo sa Forum. Hiningi din niya ang IP address para ma-compare daw niya. Pre, madali lang naman malaman ang IP address ng nag-comment sa Chismisan Section ng blog na ito (read instruction above). Dun ko nalaman ang IP mo na 253.170 nang mag-comment ka nitong huli (click picture above for a clearer view)


Joms, di ko na naman talaga papansinin. Nang mag-comment ako NITO, it was a sort-of warning na tigilan ang panggugulo kasi kilala ko siya thru his/her IP address. Pero kahapon, nabasa ko ang sinabi nya na “simulan na ang siraan, Oki na oki yan”… na parang si Tagabario na mahilig sa siraan. Imbis na mag-sorry, mas gusto pa niyang ipagpatuloy ang siraan sa di ko malamang kadahilanan (click picture above). Pakiramdam ko kasi, hangga’t hindi siya nae-expose, hindi siya titigil kaya kahit gusto ko mang wag ng pansinin, ie-expose ko na lang para tumigil siya, hopefully.


Pre, NCIS mode tayo ha. Wala ka bang napansin, pareho kayo ng IP address na 253.170? Binalikan ko yung comment nung “guest” na kinutya ang pamilya nila Elat na alien daw ba, eto ang nakita ko (click the picture at the left). Nabasa ko din ang comment na katulad nito dati sa blog ni Tagabario.











Whoa! Joms, pareho din kayo ng IP address na 253.170? Eto pa, yung comment ni “Saudiboy” at “Titikomalaki”, ipapaputol ko ang titi kong maliit kapag pareho din kayo ng IP (click the picure at the left).


WaaaahhhHHHH!!!! (snap! putol) Shiet! Tapos ang maliligayang araw, magpa-pari na lang ata ako.


Nang mag-comment si Carla dito (click picture at the left), akala ko siya ang nag-comment tungkol sa “ulo” kasi kapareho din ang IP address na 253.170 sa comment nya. Hindi ako makapaniwala nuong una. Ang pagkakaalam ko kasi, galing sa mga kaibigan ni Carla na kakilala ko din, mabait si Carla, clear at logical mag-isip. Sorry Carla ha, I don’t expect you to forgive me but sorry none the less.



Pareng Joms, nanunuod ako ng series na Criminal Minds pero di ko ma-analyze kung bakit ganito ang mga pangyayari. Baka pwede mong i-explain sa akin. Iisang IP address, iba-ibang name ang ginagamit, at iba-ibang comments ang sinasabi.

Tol, natatandaan mo nung may nagtangkang sumira ng blog na ito gamit ang
www.sitedestroyer.com/? Inisip mo na ikaw yung pinagbibintangan ko, di ba? Eto ang sabi mo pa nga nuon :
Jomark said...

ok na sana website na to, nakakakuha din ako ng information para ilagay sa forum sa Sulong jalajala dahil malayo ako at walang alam sa ga kaganapan dyan, kaya lang sa mga sinasabi mo ako ang pinagbibintangan mo,2 lang tayong may site dito sa cyberworld na tungkol sa jalajala kaya hinde ako mag wawalang kibo lang, una nakatira ako sa california pero hinde sa culver city ni hinde ko nga alam ang lugar na yon!nakakatawa ka naman parang ako lang taga jalajala dito sa california! 109 e 232 pl CARSON CA pa puntahan mo pa ko sa kamag anak mo! magtanong tanong ka muna bago ka manira! ang IP ok ay 76.169.149.59 www.ip-adress.com na alam kung alam mo! ni minsan hinde ko siniraan site na to bagkus kumukuha pa nga ako ng impormasyon dito, nakakalungkot naman dahil hangang dito ba naman may siraan? nilagay ko ang pangalan ko na ako gumawa ng site ng Sulong jalajala dahil hinde ko kelangan magtago nagtataka nga ako sayo bakit kelangan mo pang magtago wala ka naman ginagawang masama? kaya pala nagtatago ka para paniwalaan ka? kawawa ka naman baka kasi hinde kana paniwalaan pag nag pakilala kana tsk! tsk! tsk! at pangalawa wala akong balak tumakbo sa jalajala..kaya wag mo na kong siraan di na kelangan. HINDE NAMAN KELANGAN ANG KAPANGYARIHAN PARA TUMULONG! pasensya na sa mga nakakabasa dito "ayoko lang kasi ng pinagbibintangan ako ng hinde ako gumagawa" AT KAYA AKO SUMASAGOT DITO KASI AKO PINAPATAMAAN NYA!

Pagkatapos, parang himala na may umamin na siya daw ang nag-attempt na sumira sa blog. Ang pangalan daw niya ay “Shirly” at eto ang sabi niya:

shirly said...
sorry sa nagawa ko, ako po talaga ang nag attemp manggulo dito hinde kasi maganda karanasan ko sa jalajala dati na andyan ako nag tanong ako sa friend ko kung paano kala ko naman walang reaction at hinde malalaman ginawa ko kasi for fun lang po yon, sorry po ulit ako po si shirly malapit po kami sa simbahan dati nakatira dayo lang kami dyan sa jalajala, ngayon andito na kami sa glendale california, sorry sa nagawa kong gulo, sa inyo po mga mister

Nasabi ko na ang IP address nung taong yun dun sa dati kong POST, di ba? Dati din, nag-comment ka dito at eto ang lumabas na IP mo 229.59 (click picture at the left). Pansinin din ang date at time na Sept. 18, 2007 at 10:28 pm.

Sinilip ko ang sitemeter ng blog na ito at eto ang nakita ko sa iyong pagbisita nung araw at oras na iyon (click picture below). Visitor #3,694 ka nuon.













Ang kasunod na visitor #3,695 ay ikaw din nuong 11:05 pm naman that same date. Ibig sabihin, from 10:25pm hanggang 11:05 pm, iisang IP lang ang bumisita sa blog. Nag-comment ka ng 10:28pm (click picture below).














Pero teka, “Holy macarroni Batman!” Ang IP nung nanira dati ay 66.59.229.. Ang IP mo ay 66.59.229! Pareho na naman?

Napansin mo siguro na nabaligtad ang last two sets of numbers ng IP address. Ganun talaga pre, nababaligtad talaga ang IP sa sitemeter at sa shoutbox.



Ang tanong, bakit naman ganun? Wag mo naman sabihing sinisiraan lang kita dahil kitang-kita naman sa mga screen-capture pictures. Actually, matagal ko ng napansin ang mga IP na ito pero di ko na sana sasabihin, tinatawanan ko na lang. Pero napansin ko kasi na parang mga pami-pamilya ang gustong pag-awayin. Wag naman. Buti nga di nagre-react ang pamilya ni Elat. Kahit dun sa blog ni Tagabario, ganun din ang style, pinag-aaway ang mga tao.

Pre, peace lang. Live and let live. Walang pakialamanan. Kayabangan kung iisipin na masikip ang cyberspace para sa dalawang website na may kaugnayan sa Jalajala. Kung ayaw nyo dito, wag magbasa. Kung may mali akong maisulat, tell me in a constructive way. There is more to life than blogs, forums, friendsters and the internet.

Alam ko may mga kaibigan kang makakabasa nito at ipagtatanggol ka nila. Natural lang yun, dahil kaibigan mo sila. Kung ako ang nasa katayuan mo, gugustuhin ko ding kampihan nila ako. Pero para sa kanila, wag nyo naman sanang isipin na sinisiraan ko siya or kinaiinggitan. Walang rason para gawin ko iyon. At batay sa mga naiprisinta ko, alam nyo na naman siguro kung sino ang nag-uumpisa ng lahat.

Ang advice ko para sa lahat? Enjoy life. Count your blessings. Masarap ang namumuhay ng tahimik. Sana talaga last na ito. Please?

Yeeesss, ang drama ko hehehe

Saturday, October 20, 2007

may papasabugin din ako (pero hindi sa Glorietta)

May nagco-comment dito sa chismisan section (see sidebar) kung saan nilalait ang angkan nila Elat (malalaki daw ang ulo). Nabasa ko na rin ang comment na iyon sa Jalajala Tambayan blog. Kilala ko na kung sino yung nag-comment na iyon dahil kita ko ang IP niya. Papalampasin ko na sana dahil iniisip ko na lang na momentary lapse of judgement yun para sa kanya. Hindi ko siya kilala personally pero ang tingin ko sa kanya nung una ay may pinag-aralan and wont resort to such low level of commentaries.
Sinabi ko ito sa kanya pero mas nanlait pa imbis na mag-sorry kay Elat. Now i have no choice but to expose her/him. Pero sa totoo lang, ayoko sana ng mga ganitong issues dito sa blog. All i wanted here is to write. Just to write and leave me alone with your politics and issues i dont care about.
Pero sige, i will leave you one last chance. SAY SORRY LANG HERE USING YOUR I.P. and i will forget about this. Say sorry dahil wala naman ginagawang masama sa inyo si Elat or ako. Ayoko din kasi mapasama ang tingin sa inyong pamilya (believe it or not). Let's leave politics to the grown ups.

SAY "SORRY" LANG, YUN LANG. One word, five letters.

If you do this, I wont expose you or your brother na naunang magtangkang sirain ang blog na ito using www.sitedestroyer.com. This is not a bluff. I have evidence matagal na. Ayoko lang ilabas dahil ayokong mapahiya kayo at ayoko ng mga issues na ganito. May mga friends din kasi kayo na friends ko din.
Yun lang po. Salamats.

Friday, October 19, 2007

hometown

*I wrote this a thousand years ago on a little book I always have in me wherever I go. I’m posting it here kasi wala lang hehe…


Jalajala Rizal is where I grew up. JJ is a somewhat destitute, joyless town. You’ve never probably heard of it. Heck, you won’t even find it in old Philippine maps. But that’s okay.

That luckless town doesn’t have any running potable water. Telephones were installed only recently, like a million years after it was invented. Cable TV is just a myth so forget about the internet. Jalajala has no fire truck, no public market and the municipal building is as big as some barangay hall in Pasig. Fast food stores are still an unknown in that poor town but that’s okay because the town people don’t have any doughs to buy those Macs and Bees.

Nightlife is dead. You’ll be damn lucky if you find 10 living people at ten in the evening. Hell, you won’t see anyone at 10:15. Try 3 in the morning then you’ll see people already awake and nakatambay. Go figure. Even during the day, you won’t see many people especially during weekdays. Summer is happy times, but compare that to others, it seems we’re forever mourning. But that’s okay.

Jalajala has no real culture, no history worthy of any history books. If a tourist wants to know where the good spots are, we’ll show him the town exit because I’m sure he’ll fid the Holy Grail first (wherever it is) than find a good spot in Jalajala. Good spot? Hahahaha that’s a good one.

Basically, we have nothing. We have no traffic jams here, no pollutions, no gruesome crimes happening, no NPA-MILF-Abu Sayaff and that’s no kidding. All we have are quiet time, clean air, little mayas chirping merrily. All we have is time in the world and time here moves oh so slowly. But hey, that’s okay right?

This is my kinda town.

Thursday, October 18, 2007

magaling ka bang trumabaho?

Nuong isang araw, binisita ang blog na ito ng isang nagpakilalang apo ni Laong-Laan; na sa aking pagkakaalam, ang “Lalong Laan” ay ang isa sa mga ginamit na pen name ni Jose Rizal. Nang aking suriin at pag-aralan ang minungkahi nya, nadagdagan ang aking pag-asa na kahit papano sana ay mabago ang pamumuhay ng ilan sa ating mga kababayan.

Nabanggit niya na marami na raw mga small-scale livelihood projects na naipatupad sa Jalajala. Tama ang sinabi niyang ang isang problema ng mga initiatives na ito ay ang sustainability ng proyekto, kung papano ito mapapalago at mapapatatag. Nung 1990’s, tumulong ang JICA sa bayan natin thu the Integrated Jalajala Rural Development Projects kung saan ang isa sa mga proyekto nila ay ang pagtatayo ng isang makabagong irrigation system sa mga baranggay na ang pangunahing pinagkakakitaan ay ang pagsasaka. Maganda ang proyektong ito dahil buong taon ng makapagtatanim ang mga magsasaka, hindi lang tuwing tag-ulan. Ang kailangan lang nilang gawin ay bayaran ang kunsumo ng kuryentong nagpapatakbo sa water pump ng irigasyon. Magtatayo sila ng isang kooperatiba para mamahala at magpalakad sa irrigation system. Makalipas ng 2-3 taon, habang binabagtas namin ng tatay ko ang mga baryo, nakita namin ang mga magsasaka na nagpuprusisyon, humihingi ng tulong sa santong patron nila para umulan. Anong nangyari sa irigasyon? Hindi nila nabayaran ang lumaking kunsumo ng kuryente kaya pinutulan na sila ng Meralco. Hindi tuloy nakapagpigil ang tatay ko at nasambit na “tingnan mo itong mga taong ito, kung nagbayad lang sila sa Meralco, hindi na nila sana kailangang humingi ng ulan sa Diyos para lang makapagtanim…” Iyan ang binanggit ng apo ni laonglaan na kailangan ng sustainability ng proyekto. A decade later, karamihan ng mga magsasakang ito ay naibenta na ang kanilang mga bukirin at bumili na lamang ng pampasadang jeep, tricycle o kaya ay nag-Saudi, Dubai o Iraq. Sayang.

Pero, datapwa’t, subalit naisip ko din na hindi lang dapat basta-basta magtatayo ng isang livelihood project gaya ng sa nakita ko sa Brgy. Pagkalinawan at Bagumbong. Kailangan ding isaalang-alang kung may market ba sa kung ano mang produktong gagawin ng proyekto. Alam natin ang kabutihan at kasamaan ng Globalization at ang isa sa mga di kanais-nais na epekto nito ay mahihirapan tayong makipagkumpetensya sa mga katulad na produkto ng mga bansang mas maunlad. Mahirap makipag-compete ang isang backyard industry sa Brgy. Palaypalay laban sa isang factory sa Shanghai, China.

Mahirap, pero hindi imposible.

Kailangan lang pag-aralang mabuti ang lahat ng dapat isagawa.

Kaya tama ang sinabi ni apo ni Lalong-laan na malaki ang role na dapat gampanan ng Local Government Unit (LGU). Naalala ko ang sabi ni Jomark na hindi kailangan ng posisyon (sa pamahalaan) para makatulong. Tama naman dahil bawat isa sa atin ay may kakayahang makatulong subalit mas malaki ang maitutulong ng isang taong may kakayahan at kaalaman kung siya ay may posisyon sa pamahalaan. Malaki kasi ang magagawa ng mga lider ng isang LGU sa kanilang mga constituents kung gugustuhin talaga nila at kung pagtutuusan ng pansin. Hindi lang pakikisama ang kailangang gawin ng isang lider kundi bigyan ng direksyon ang bayan kung saan ba ito dapat pumunta.

Maliban sa mga infrastructure projects sa bayan natin ngayon, sana ay mabigyan pansin din ang pagkakaroon sana ng trabaho at mga skills para makapagtrabaho ang mga taga Jalajala. Nung isang gabi habang bumibili kami ni Elat ng lugaw sa may hiway, may nakita kaming mga nagbabaraha sa gilid ng daan. Ilang minuto pa, dumaan ang mobile ng pulis at dinampot ang mga nagbabaraha. Narinig ko pang sinabi ni Chief na malapit lang ang lamayan ni Batik, dun pa sila mga nagbabaraha. Dinampot tuloy sila at dinala sa presinto, malamang para paglinisin duon. Kasi naman, kung may trabaho lang sila, sana ay tulog na sila ng mga oras na iyon dahil papasok pa kinabukasan.

Trabaho ang kailangan ng Jalajala ngayon… pero nagugutom na ako.

Sana may Jollibee dito.

Tuesday, October 16, 2007

anong problema?

Ayon sa ginagawa kong survey dito sa blog (see sidebar), as of 4:00pm today, ang pinakaproblema ngayon sa bayan natin ay… kawalan ng jollibee (NYAAAAAHHHH!!!).

Dos por dos, por santo! Sana naman ay pasaway lang ang 41 na taong bumoto nun. Kasi di pa naman ganun kakailangan ang Jollibee; may Ponsa pa naman, kainan nila Paco, lugawan at KFC (kantong fried chicken) sa hiway.

Dati-rati, naging problema natin ang mga pinagbabawal na gamot at ang mga taong nahilig dito. Naging problema din ang jueteng nuon at korapsyon. Sa tingin ko naman, hindi na ganun katalamak ang mga iyon sa ngayon. Mahirap na kasi ang buhay, wala ng pambili ng bato.

Hindi rin natin ganun kaproblema ang krimen bagama’t nilimas ang bahay ni Dr. Del Bellin nuong sabado ng gabi ng mga magnanakaw. Hindi naman sila nasaktan, nawala lang ang lahat ng kanyang mga alahas. Earlier this year naman, nagkabarilan ang mga pulis pangkalawakan ng Jalajala at mga magnanakaw ng kable ng kuryente sa may highway sa Brgy. 1st District. Overall, tahimik pa rin ang bayan natin.

Para sa akin kasi, ang pinakaprolema natin sa ngayon ay ang kawalan ng trabaho. Ang ilan lang may magandang trabaho sa atin ay yung mga nakapag-aral at yung mga pinalad na makapag-abroad. Ang karamihan ng mga unskilled laborers, nakatambay lang at nagbabaraha lalo na kapag napapadaan ako sa Brgy. 3rd District. Okay pa nga yung mga nagta-tricycle pero alam kong di rin sapat ang kinikita nila sa araw-araw.

May nakapagkwento sa akin na as late as the 80’s, bibihira daw ang mga nakatambay sa bayan. Marami pa kasi nuong mga fish pond at ni-require ng mayor that time na ang mga kukuhaning tao lang sa mga fish pond ay mga taga Jalajala lamang. Ang mga kalalakihan ay nasa laot, nagtatrabaho. Ang mga babae naman, makikitang nagkukumpuni ng mga sirang lambat galing sa mga fish pond. Nakahanay daw ang mga lambat sa kalsada, mula sa may pantalan hanggang sa kabilang dulo ng kalsada.

Sa akin naman paglilibot-libot, nakita ko last year sa may Brgy. Pagkalinawan ang isang small-cottage industry business. Gumagawa sila ng mga Christmas decorations from raw materials. Sila ang gumagawa ng pinakang-katawan ng decoration at dadalin iyon sa ibang bansa. Sa ibang bansa na ifi-finish product ang kanilang mga ginawa. May nakita din akong katulad nito sa may Brgy. Bagumbong, dun sa isang sityo pataas sa bundok dun.

Naiisip ko lang, pwede itong gawin dito sa bayan. Hindi naman kailangan ng masyadong skills para sa mga ganung klase ng cottage indutry. Kung may pera lang ako, pwede akong sumangguni sa Department of Trade and Industry (DTI) para humingi sa kanila ng inforation para dito.

Kamtotinopit, sana maisipan ito ng ating mayor ngayon. Baka may mga kakilala siyang mga kaibigan na pwedeng mag-invest ng ganito sa ating bayan. Hindi naman kailangang malakihang investment o business ang itayo, kahit ilang small-cottage industries lang, malaking tulong na iyon kesa naman maghapong nakatambay at nakatunganga.

Alam ko may mga nagbabasa ditong mga taga munisipyo (binabati ko nga palaang mga taga LCR). Baka naman makausap nyo si Mayor, pwede kayang ma-suggest nyo yun? Hehe…

Sunday, October 14, 2007

pagkalinawan

Kampanaryo” ang dating tawag sa Brgy. Pagkalinawan. Hindi ko alam kung bakit pero sigurado akong yun ang dating tawag sa barangay na ito. Taga Pagkalinawan kasi ang lolo ko at nagbabakasyon kami dun nung bata pa kami. Natatandaan ko pa, wala pang kuryente nuon sa Kampanaryo. Lubak-lubak pa din ang daan dahil hindi pa ito inaayos ng Japan International Cooperation Agency (JICA). Natatandaan ko pa, may ilang pagkakataon na bangka ang sinakyan namin papuntang Pagkalinawan mula sa pantalan dito sa bayan.

Alam ko ang iniisip nyo, “ang tanda na ni Pao pero cute pa rin…”

Oo, cute ako pero di naman ako ganun katanda. Kailan lang din naman naayos ang highway papunta sa mga baryo. Kailan lang din nagkaroon ng kuryente. 80’s, di ba? Bata pa ako nung 1980’s.

Masarap nuon sa Pagkalinawan. Malinis ang tubig sa dagat at buhangin ang ilalim nito, hindi katulad sa bayan na burak. Bago pa uminit ang araw sa umaga, nagtatakbuhan na kami papuntang dagat para maligo. Magbabanlaw naman kami sa poso na mainit ang tubig dahil daw sa bulkan ng Jalajala. Pagdating naman ng hapon, kung hindi kami naglalaro ng habulan, nagpapalipad kami ng saranggola. Malakas kasi ang hangin sa baybaying dagat. Kadalasan din, nilalakad namin ang “beach” hanggang sa hindi na namin makita ang bahay ng lolo ko na nasa tabing dagat din. Kapag di na namin nakikita, natatakot na kami at maglalakad ng pabalik. I think malapit na kami nun sa Lubo at Naglabas.

Mababait din ang mga tubong taga-Pagkalinawan. Puntong Batanguenyo sila, malamang ay dun nanggaling ang kanilang mga ninuno. Natutuwa sila nuon kapag nakikita nila kaming magkakapatid na nandun. “Ay ala, nandine pala ang mga apo ni Ka Benny ey… Parine muna kayo’t makakaeyn!”

May mga alagang itek ang lolo ko nuon at natatandaan ko, maaga kaming gumigising upang mamulot ng mga itlog ng itek na nasa lupa. May program din duon ang UP Los Banos kung saan nag-aalaga sila ng mga baka. Tuwing gabi, pagkagat ng dilim at nagbubukasan na ang mga gasera, kukuha ng gatas ng baka ang mga naging kaibigan naming mga taga-UP at iinom kami ng mainit-init pang gatas habang nakapalibot sa isang bonfire at makikinig sa mga kwento nila. Kitang-kita mo ang mga bituin sa langit, maging ang mga ilaw galing sa kabilang ibayo ng Lawa, sa mga bayan ng Laguna.

Paborito kong puntahan ang maliit na kapilya ng Pagkalinawan. Mula kasi sa lubak-lubak na kalsada, aakyat ka pa sa maraming baytang para marating ang kapilya. Pataas na lupa kasi iyon at nasa tuktok ang kapilya. Kung hindi ako nagkakamali, San Isidro ang patron nila dun. Mula sa kapilya, kitang-kita mo ang dagat at karamihan ng mga bahayan.

Marami akong “firsts” habang nagbabakasyon nuon sa Pagkalinawan. Dito ako first natutong magbisikleta. Dito rin ako first nakasakay ng baka at nahulog dahil mahirap sumakay sa baka, gumagalaw kasi ang “loose skin” nila. Sa Pagkalinawan din ako first nakatikim ng Chili Con Carne, sa fiesta nila. Dito rin ako unang nagkaron ng bulutong.

Simula nung mamatay ang lolo ko, bihira na kaming nakakabalik ng Pagkalinawan. Nandun pa rin ang iba naming kakilala pero marami na ring bagong mukha. Marami ng bahay ang bago, di na ganun kalinis ang tabing-dagat. Wala na ang itikan ng lolo ko, wala na rin ang bakahan n mga taga-UP.

Pero ang halos di nag-iba ay ang kapilya nila.

Tuwing inaakyat ko ang tuktok sa kapilya, bumabalik sa aking alaala ang mga panahong inilagi ko nuon dun. Nung ako’y bata pa.

Wednesday, October 10, 2007

si mayor, nasa tv!


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV


Okay din sana kaso Eli "Tillas" ang nakalagay. A case of sloppy journalism.

Wala lang, nakakatuwa lang ma-extra sa TV ang isang taga Jalajala hehe

Maraming tao ang may iba't-ibang opinyon kay Ka Eli pero ang di maipagkakaila ng lahat, maganda ang boses ng mayor natin. Pwedeng-pwedeng pang radyo, o ha.

Friday, October 5, 2007

yey!

Although sabi ko ay nagsusulat ako unang-una para sa aking sarili, kadalasan ay nakakadagdag ng inspirasyon lalo na kapag nalalaman mong may nagbabasa ng sinulat mo. Lalo na kung ang nakabasa ay isang taong binabasa din ng marami.

Gaya ni Manuel L. Quezon III. Sa pangalan pa lang ay alam nyo na ang kanyang pinanggalingang pamilya. Lagi ko kasing binabasa ang blog niya at isa ako sa maraming nagbabasa sa mga posts nya for the recent news and his opinions on them.

Yey! Natutuwa naman ako na kahit na papano ay napansin din niya ang munting sulok ko dito sa cyberspace. Nabasa pala niya ang live-blogging na ginawa ko ng nakaraang fiesta natin. Binanggit niya sa isa niyang blog post. Read it HERE.


Oo, alam ko maiksi lang ang pagkakabanggit niya sa blog ko pero for someone like me, malaking bagay na yun.

Isa pa.

Yey!

Tuesday, October 2, 2007

sayns op da tayms

Nabasa ko ito sa friendster testi ng isang taga Jalajala.


npka maldita nean lyk me.'hehehe. . . xmfre ndi pwding inaafi afi kmE hehehe... frnd n kmE nean sinz.'bert!hehehe.'kea lm n nmn ugali ng izat iza! ava..!!!!!!damEng tymz nrEn kme ngaway nean.''db nga??my mga araw n ndi tlga kmE ngkksnd0ng 2.'!!!kea un gerahan 2 d max.!!!! mnzn xa ang umpza ng pag aaway nmng 2..!pe0.'xa dn humihngi ng x0wi!lyk n0w.'kea kme ngkbati kz.'xa ung gmwa ng way para maauz lht... pe0.'zrap ne2ng kzama.'kht pur0 kl0qhn ang alam.!

ahm..gurl e2 lng mzsav q0h.'zna mgbag0 kn!! zayang.'ang kgndahn.!db?!qng cra nmn imge u z iva!!yaAn m0h kea p yang mabag0!! my pag kkta0n prn nmn.'eh!!!!bztah ckret iz a ckrEt.'prmz.'alang mkklbaz z mga cnv m0h zkn!!

Depende kung ilang taon ka na ngayon, pwedeng madali mong nabasa ang testi na iyon, o sumakit ang ulo mo (gaya ko) ahuhuhu… Para sa iba, naiinis siguro sila at nagtataka kung bakit ganun pa ang paraan ng pagsusulat. Pero balik tanawin nyo nung kapanahunan nyo, di ba may sarili din kayong paraan ng pagsasalita nuon?

Natatandaan ko, nauso sa mga taga Jalajala ang pagdadagdag ng additional “chi” sa mga words. Gaya ng ang “matamis” ay nagiging “machitachimischi”. Komplikado naman pero nauso din ang paglalagay ng extrang “G” sa bawat syllable ng salita. Ang simpleng tanong na “Saan ka pupunta?” ay nagiging “sagaagan kaga pugupuguntaga?” Bakit nila ginagawa iyon? Higindigi kogo digin agalagam. Bagastaga gaganugun agang nagatagatagandagaagan kogo (Hindi ko din alam. Basta ganun ang matatandaan ko).

Uso din nuon ang pagbabaliktad ng mga salita.

Alam na alam natin na ang “erap” ay “pare” na nag-evolve din sa “repa” at “repapips”. Kapag may di ka naintindihan, sinasabi mong “bomalabs” o “malabo”. “Bokal” ang tawag natin kay Gov. Ito Ynares dahil sa kokonti niyang buhok. Maganda naman ang “wangkata” ng girlfriend ko. Corny naman para sa mga rockers ang salitang “in love” kaya ginawa nila itong “inlababo”. Bomalabs?

Hindi lang naman sa mga words ginagawa iyon dahil kahit ang mga pangalan ay binabaliktad din. Si Grace ay tinawag na “Ecarg”. Si Carla ay “Alrac”. “Trebuh” na ang tawag kay Hubert. Wala lang, style lang ba. Uso kasi yan na nilalagay sa patahing uniform sa basketball at sa volleyball. Either sila ang naglalagay mismo sa shorts nila o pangalan ng crush nila ang pinapatahi sa shorts.

Eto pa. Nauso din ang pagdadagdag ng letrang “H” sa mga pangalan.

Gaya ng “Joey” ay nagiging “Jhoey”. Si “Jennifer”, di pa nakuntento, naging “Jhennifer”. Pero si Gigi, dahil maiksi lang ang pangalan niya, naging “Ghighi” at nung naging boyfriend niya si Christopher, naging “Topherghi” ang collective name nilang dalawa. Nagbreak sila at naging boyfriend naman niya si Rico. Shempre, “Ghicoh” na ang pangalan nila.

Okay lang sana ito kahit pa medyo humahaba ang pagkakabigkas ng pangalan at tipong mauubusan ka ng hangin sa dibdib bago mo pa masabi ang pangalan. Ang problema lang, kapag bad breath ang kausap mo at dahil nailabas niya ang lahat ng kanyang hininga, malamang ay nasagap mo iyong lahat.

Oh, di bhhhhaaaaaaaaaaaa…?