Sikat si Odok sa bayan. Wala siyang ginawang kabayanihan o kasamaan para maging sikat. Hindi siya guwapo, di mayaman at hindi rin naman matalino. Walang masyadong nakakaalam ng tunay niyang pangalan o kung anong eksaktong edad na niya. Wala rin atang nakakaalam kung sino-sino ang ka-batch niya sa school. Ito’y marahil sa hindi ata siya nakatapos ng elemenary, pero di ko sigurado yun. Pero ganun pa man, kilala siya sa bayan.
Di kalayuan ang bahay nila Odok sa amin at nakakalaro ko siya nuon sa half-court basketball. Kapag nakita na niya kaming nagshu-shoot around na, tatakbo na yan papunta sa amin para makilaro. Pero iihi muna sa isang puno, pagkatapos ay lalapitan ako at kakapit sa aking braso para tuwang-tuwang magkwento ng kung ano. Syempre di ko na maiintindihan ang sinasabi niya dahil abala ako sa pag-iwas sa kanyang mga kamay na kani-kanina lamang ay nakahawak sa you-know-where. Malakas sa outside shooting si Odok kapag mataas ang kumpiyansa ngunit mahina sa depensa. Parang si Allan Caidic. Ang pinakang depensa niya ay ang mahahahabang kuko sa kamay. Iiwasan mo ring aksidenteng mapasuot ang iyong braso sa kanyang kilikili, na mahirap gawin sa larong pisikal na basketball.
Kilala ko din ang barkada nila Odok. Siya ang kanilang official mascot. Tagabili ng kung anu-ano tuwing may inuman. Runner ba. Siya rin ang mahilig pagtawanan at pagpukulan ng biro. Madalas mawala ang isang tsinelas niya sa inuman kapag siya’y nalinga. Ganun pa man, mahal siya ng barkada dahil higit sa dalawang beses na may barkada silang nag-away dahil kay Odok. Pinagtanggol ng isa kapag sumobra na ang biro. Libre din minsan si Odok sa patahi sa basketball uniform kapag kasali sa liga. Yun nga lang, wala siya sa line-up.
May mahalagang bagay akong natutunan kay Odok nuon. Sa isang inuman nakasama ko siya, niloloko namin siya tungkol sa isang babaeng crush niya pero syempre, di niya magawang ligawan. Niloloko siya ng ilan sa amin na nabasted na ata o hindi kayang pasagutin yung babae. Malalim para sa akin ang isinagot niya, na aking kinagulat. Ayon kay Odok, hindi na yun mahalaga para sa kanya. “Malaman lang niyang mahal ko siya, masaya na ako.” Oo nga naman, corny pero totoo. Unselfish, unrequited love.
Kapag nasasalubong ko dati sa daan si Odok, magtatanong na yun ng tungkol sa Beatles. Lumipas ang pagkagusto niya sa Beatles, tungkol kay Axl Rose ng GNR naman ang itatanong niya. Napalitan naman ito ni Kobe Bryant at ng Lakers. Dati yun. Pero ngayon, dahil bihira na kaming magkita dahil napalipat na kami ng bahay, tinatanguan na lang niya ako kapag nagkakasalubong kami.
Isinulat ko ito hindi dahil patay na si Odok kagaya ni Buloy ng Parokya ni Edgar. Isinulat ko ito bilang pagkilala lang, sa aking sariling pamamaraan. Buhay pa si Odok.
Ang huling balita ko, may cellphone na siya.
9 comments:
mahal na mahal namin yan c odok hahahaahaha
si elat lang naman tinatakwil nyo, di ba haha
Ang ina ni Odok ay napakabait at napakasipag na tao. At young age she is already working to help her family. She is beautiful and a very good dancer. Odok should be proud of her mother. I do not know Odok, but his mother i know very well. She is not only a good mother, but also a good daughter and sister to her family.
magiging mabuti siguro ang buhay nila odok kung kasama pa nila ang kanilang nanay.
odok", binura ko ulit ang comment mo. tinatanong mo kung bakit ko binubura? tinatanong mo din kung wala ka bang karapatang magsalita dito? hindi sa ganun.
binubura ko ang comment mo dahil ayaw sana kitang ipahiya. alam kong hindi ikaw ang may-ari ng odok friendster URL na ginagamit mo dito. mababasa mo dun sa friendster ni odok ang kanyang statement of denial. buburahin ko yung mga comment na mapapatunayan kong hindi talaga sila ang nag-comment para maiwasan ang kalituhan. may freedom of speech tayo dito sa blog at meron ding free will ang mga readers kung ano ang nais nilang paniwalaan sa kanilang mga nababasa. di ko alam kung ano ang hangarin mo sa paggamit ng URL ng iba, ganun pa man, salamat sa pagbisita dito hehe
you gotta love that guy, just dont let him get too close to you until he takes a bath ahaha
wow! may tribute sa net si odok, bigtime!!! sino kaya ang susunod pa baka si tamba,ime or noli?
someone, nakita ko kanina, bagong goli errr---
anonymous, iniisip ko si Burnok hehehe
Post a Comment