May ideya ako kung sino.
Pero bago yun, napag-alaman ko nitong mga nagdaang araw na may mga kakaibang pangyayaring nagaganap sa sulok kong ito ng cyberworld. Una kong napansin ay may taong gustong pasukin o i-hack ang account na ito. Bigla na lamang kasi akong nakatanggap ng password request sa blas_ople_experience e-mail address. May gustong makaalam sa top secret password ko dito. Hindi ako yun dahil tandang-tanda ko ang password kong “m2sexy4ubiatch”.
May tracking program akong nakalagay sa site na ito at nakita ko dun kahapon, may nag-attempt namang sumira sa site na ito. Sino? Eto ang kanyang details :
---- Naganap ang kahangalan nuong July 25, 12:53 a.m. Visitor #490 sya.
---- Ang kanyang domain name ay lcinet.net at ang ISP ay Linkline Communications
---- Ang location ay sa Culver City, California kaya malamang ay tagadun o malapit dun siya nakatira.
---- Ang kanyang i.p. address ay 66.59.229. Ang operating system ng computer niya ay Windows XP, internet explorer 7 at ang monitor screen resolution niya ay 1280x1024
---- Ang kulay ng underwear niya nun ay… este— di na pala kasama yun.
Papano ko nalamang gusto niyang sirain ang site na ito?
Nagpunta kasi siya sa www.sitedestroyer.com at inilagay dun ang URL ng blog na ito para ma-“destroy”. Kung nagbasa lang siyang mabuti o nag-scroll down sa site na yun, mababasa niyang di talaga made-destroy ang site, bagkus ay “for fun” lamang ang mangyayaring “destruction”.
Ang tanong, bakit may gustong mawala ang site na ito? Tatlo ang hakahaka ko dyan.
Una, ingget. Naiingget ba siya sa site na ito? Sana naman ay hindi dahil madali lang namang gumawa ng site. Tiyaga at nilaga lang ang kailangan. Naiisip ba niyang mas maganda ang site na ito kumpara sa site niya kaya dapat mabura sa cyberworld? Wag naman dahil hindi naman ako andito para magmagaling.
Pangalawa, takot. Natatakot ba siyang sumikat ang site at ang gumawa nito? Una, wala po akong intensyong magpasikat dahil kung yun ang nais ko, sana ay nakalagay dito ang aking pangalan pati ang nagpapa-cute kong litrato. Sana din ay kumuha ako ng domain name at yun ang ginamit ko, halimbawa “pangalanko.com” sana ang URL nito. Madali at mura lang namang kumuha ng domain name. Nais ko lamang pong magsulat ng mga bagay-bagay tungkol sa bayan natin. Bakit naman siya natatakot kung sisikat ako sa bayan? Baka mapunta sa akin lahat ng chikabaes? Hindi naman siguro. Tsaka wala din naman akong intensyong pasukin ang pulitika. Nung nanalo ako bilang escort sa klase namin, napag-alaman kong hanggang dun na lang ang gusto kong maging political career. "Kaya mga kababayan ko, pinapangako ko sa inyo, sa darating na halalan, ako... este---..." Kung may ambisyon man siyang kumandidato at ngayon pa lamang ay inaalis na niya ang sa kanyang tingin ay maaaring maging kalaban, sana naman ay wag ganun. Para na rin kasi siyang “Trapo” nun na gagaya pa sa mga traditonal politicians na pinapanalangin nating maglaho na. Hindi ganun ang tunay na pagbabago at hindi tayo susulong niyan. Wag kang matakot dahil ayon nga sa tiyo kong si Yoda “ I sense much fear in you… fear is the path to the darkside, fear leads to anger, anger leads to hate, hate leads to suffering…”
Pangatlo, galit. Hindi ko naman sinasabing wala akong kagalit pero kung may mga taong may pagkukulang man ako, hindi yun sapat para magtyaga silang sirain o mawala ang blog na ito. On the other hand, wala namang nakakaalam kung sino ako maliban na lamang sa ilang malalapit sa akin na nakakaalam.
Sa akin lang naman, peace lang tayo bro/sis.
Ayon nga sa Gospel of Buendia, verse 4 paragraph 14, (“basa”) : “well I ain’t no stupid fighter, I go for flower power, I’ve been running every race just to save my face… I saw it coming around (dun-dun-Dun-dun-dun) I saw it coming aorund yeahh… I saw it coming around… and so I just shake my head and walks away…”
<- screen capture ng details ng salarin
13 comments:
kilala ko yan. he has a "website" too, if u want to call it that. yun nga lang mga walang ka ek-ekan ang laman. panay pangpayabang lang.
i second demonyo you doon sa 2nd reason. inggit lang yun. lawakan naman ng konti ang pag iisip mga kabayan. hindi lahat ng taga jj ganyan.
keep writing pao!
dis blog is good as well as d writer! what written here are so informative & makes me say "oo nga hane ganoong nga aba!"
we should be happy about Pao's effort writing histories of our town and it's people, but unfortunately the above post shows reality that u cannot please everyone.
To that sumone, u think nobody will know what u did? don't visit this blog if u dont like it! get a life!
para sa mga magbabasa at mambabasa:
sa aking pagkaka-alam ang puropose ng blog site na ito aya para mag bigay ng mga importanteng information o kaya ay entertainment ba, dahil kahit ako natutwang basahin ang mga nilalaman nito dahil mahusay ang mga pagkakasulat dahil ang manunulat ay walang pinatatamaan or sinsagasaan o kaya sabihen n natin na naninira... inde un ang napag alaman ko d2, bagkus kami po ay natutuwa dahil may nag tyagang gumawa nito, mga tao nga namn oo napaka-crab mentality
cno sya? at cno c pao?nakakalungkot naman at ganyan na2man mababasa ko katulad nun friendster ni jalajala rizal na puro away... nakakatuwa pa naman magbasa sa site nato..
Alam nyo ba every morning pagdating ko dito office after ko magcheck emails, friendster, yun sulong jalajala, ito nman blog mo check ko... naaaliw ako basahin mga article mo..
ok na sana website na to, nakakakuha din ako ng information para ilagay sa forum sa Sulong jalajala dahil malayo ako at walang alam sa mga kaganapan dyan, kaya lang sa mga sinasabi mo ako ang pinagbibintangan mo,2 lang tayong may site dito sa cyberworld na tungkol sa jalajala kaya hinde ako mag wawalang kibo lang, una nakatira ako sa california pero hinde sa culver city ni hinde ko nga alam ang lugar na yon!nakakatawa ka naman parang ako lang taga jalajala dito sa california! 109 e 232 pl CARSON CA pa puntahan mo pa ko sa kamag anak mo! magtanong tanong ka muna bago ka manira! ang IP ok ay 76.169.149.59 www.ip-adress.com na alam kung alam mo! ni minsan hinde ko siniraan site na to bagkus kumukuha pa nga ako ng impormasyon dito, nakakalungkot naman dahil hangang dito ba naman may siraan? nilagay ko ang pangalan ko na ako gumawa ng site ng Sulong jalajala dahil hinde ko kelangan magtago nagtataka nga ako sayo bakit kelangan mo pang magtago wala ka naman ginagawang masama? kaya pala nagtatago ka para paniwalaan ka? kawawa ka naman baka kasi hinde kana paniwalaan pag nag pakilala kana tsk! tsk! tsk! at pangalawa wala akong balak tumakbo sa jalajala..kaya wag mo na kong siraan di na kelangan. HINDE NAMAN KELANGAN ANG KAPANGYARIHAN PARA TUMULONG! pasensya na sa mga nakakabasa dito "ayoko lang kasi ng pinagbibintangan ako ng hinde ako gumagawa" AT KAYA AKO SUMASAGOT DITO KASI AKO PINAPATAMAAN NYA! Sa forum lahat ng member ay nagsusulat hinde lang isang tao! so lahat pala ng member sa Sulong jalajala pa cute? kitid naman ng pang unawa mo!pag may ginawang maganda nag yabang na? nag Announce ako sa friendster na magagawa ako ng site last june, tapos nataranta kang gumawa ng blog ng july? nakakatawa ka naman. yaan mo ilalagay ko link mo sa Sulong jalajala para dumami din bunga mo para batuhin ka din!. di ako magtataka kung buburahin mo comment ko, sayo to eh.
Isa pa nga pala kilala kita member ka nga ng Sulong jalajala pero hinde ako para manira papasalamat ako dahil iilan lang tayong nag tyatyagang gumawa ng mga ganito para sa mga taga jalajala, kaya lang nabahidan na ng pagiging GANID mo,wag kang mag alala sasara ko nalang ang site ko na para sa taga jalajala, maging sikat ka lang!
reyna : sino tinutuloy mo? kamtotinkopit, wag mo na pala banggitin hehe
urbb : sino din ang tinutukoy mo? hehe
jbhad : baka naman si "odok" yun?
sharlyn : salamat kahit ako ang pinakahuli mong tinitingnan hehe joke
jomark d.s. (kung si jomark ka nga), sinulat ko lang ang nakita ko sa site tracker ko at sinabi ko lang ang inaakala kong dahilan kung bakit may gagawa nito. kahit ikaw, ano sa palagay mo ang reason kung bakit may gustong sumira ng site na ito? di ba ganun din ang iisipin mo? nagtanong ako sa mga kakilala ko at yun din ang iniisip nila. sinabi ko lang ang mga posibilities. hindi kita sini-single out dahil nasa california ka, ang nakita ko ay taga california ang gumawa nun kaya yun ang sinabi ko (see picture). wala naman ako sasabihin kung wala ako nakita.
sabi nga, bato bato sa langit, ang tamaan... di umilag hehe
peace bro... wala tayong away, nilagay ko lang ang nakita ko.
end of story.
parang wala naman ngang tinutukoy ang author na pangalan, sinabi lang nya ang mga nakita nya.
Guys, guys cool down hane! What this author is doing is fun, ok? If he wants to be anonymous that's fine coz that's where the mystery of this site, even though some knew him already. Who ever wants to destroy this site is beyong my belief and does'nt help us(the people of JJ) who enjoyed reading this site. If other dudes wants to make a site like this, do so, so that we will have alot to read,but pls stop this ingitan or bicthing each other, nakaka turn off, OK guys....???
para sa iniong dalawa hane, sinosuportahan ko ang site nio meron akong account sa blogsite na ito at meron din akong account sa sulong Jalajala, so easy lang kayu pareho ha... baka kasi dumating ang araw eh pinagkukumpara nio na ang mga work nio w/c is napakapangit, kaya uunahan ko na kayu, sa tema ay meron kayung konting pag kakapareho kagaya ng information at entertainment ang kaibahan lang eh...inde tau pede magpost d2, ang owner lang ng blog site ang pede maliban na lang ang paglalagay ng comment, or mag re-react lang tayu kung ano man ang i-post ng owner(writer, unlike sa forum site, u can post everything u want depende sa mga mag po-post, meron jan na matatalino at nag sha-share ng kanilang mga nalalaman, meron din mga nagyayabang lang or nag papa-cute, inde maiiwasan sa isang forum site ang ganyan na mga post kasi any member can post anything they want at natural sa isang forum account un, i myself is a forumer kaya alam ko kung ano ang nilalaman ng isang forum...
kaya kayung dalawa hane kung mag aaway man kayu eh wag nio ng ituloy dahil walang ibubungang maganda,
pareng jomarc, kahit inde tayu masyado close... i know that u are a good man so dont be so defensive
kung walang k namn ginagawang masama so why react like that anyways wala namn binaggit na pangalan ang writer and try to look at his track data almost nag kapareho lang is un California and the rest is not....
GL for the both of you guys keep up the good work... wala ng away ha =)
sorry sa nagawa ko, ako po talaga ang nag attemp manggulo dito hinde kasi maganda karanasan ko sa jalajala dati na andyan ako nag tanong ako sa friend ko kung paano kala ko naman walang reaction at hinde malalaman ginawa ko kasi for fun lang po yon, sorry po ulit ako po si shirly malapit po kami sa simbahan dati nakatira dayo lang kami dyan sa jalajala, ngayon andito na kami sa glendale california, sorry sa nagawa kong gulo, sa inyo po mga mister
naman naman “shirly”, di naman kapani-paniwala yang sinabi mo. Hindi maganda ang karanasan kaya nag-a-attempt manggulo? Tsaka kung gusto mong manggulo sana di ka na umamin para maging magulo nga, di ba? Besides, bakit yung site ang gagantihan mo sa hindi mo magandang karanasan sa jala-jala? Either napaka-psycho mo naman o yun lang ang naisip mong idahilan. Tapos ayon sa yo “dayo” ka lang sa jala-jala. Para ba walang nakakakilala sa yo sa bayan? Napaka-convinient na alibi naman nun.
Sorry mga kabayan, alam ko makakapagpagulo pa ang comment kong ito. Hindi sa kinakampihan ko ang sumusulat dito dahil para sa akin, sana pinabayaan na lamang niya ang kanyang nakita, pero naiinis lang ako na iniisip ata ni “shirly” na ganun ka-stupid ang mga taga jala-jala para papaniwalain na yun nga ang dahilan niya.
to all the guys I’ve loved before… ehek! To all the guys na nag-comment pala: hayaan nyo nawang i-clarify ko ang aking isinulat kung hindi man naging malinaw ang nais kong ipahiwatig para matapos na ang di pagkakaunawaan. Kagaya ng sabi ko, tatlo ang aking hakahaka.
Una, ingget –
a) Para sa mga taong WALA pang site, baka naiinget sila sa site ko.
b) Para sa mga taong MERON ng site, baka naiinget sila sa site ko.
Pangalawa, takot –
a) Para sa mga CHICKBOYS, baka mapunta sa akin ang mga chikababes nila.
b) Ano pa ang isang mapaggagamitan ng popularidad? Sa eleksyon di ba? Kaya nabanggit ko ang eleksiyon, para sa mga TAONG PULITIKO/ASPIRING POLITIKO.
Pangatlo, galit –
a) Para sa mga taong nagagalit sa akin.
Ayan po ang outline ng nais kong sabihin. Kung babasahing mabuti ang article eh yun ang nasusulat. Binanggit ko LAHAT ng mga taong maaaring may masamang balak at hindi lang isang tao. Kung hindi man naging malinaw, yun po ay sa kakulangan ko sa kakayahang magsulat at wala ng iba pang hangarin. Wala akong nais siraan dahil wala akong mapapala dun. Kagaya ng sabi ko, inilagay ko lang ang nakita ko.
Ang mga mambabasa na ang gagawa ng sarili nilang konklusyon.
O, Tapos na to ha, nasabi na natin ang mga dapat sabihin. Salamat sa inyong mga opinyon at payo. Tagay na! :P
***
JBHAD at sa iba pa : pwede kayong magpost dito, i-email nyo lang sa akin ang nais nyong isulat/sabihin. Ilalagay ko naman kung sino ang sumulat. See posters, print ads and the blog side bar for details.
Post a Comment