Sinasalamin ng bayan ng Jalajala ang bansang Pilipinas sa pagkahilig sa larong basketball. Hindi kumpleto ang bakasyon ng mga mag-aaral kung walang liga sa bayan. Sa larong basketball nabubuo –at miminsang nasisira, ang pagkakaibigan ng mga kabataang lalaki.
Bagamat ang liga natin ngayon ay inter-barangay kung saan ang mga koponan ay binubuo ng mga manlalarong nasa kanilang barangay lamang, masasabi kong mas masayang manuod at maglaro kung ang liga ay inter-barkada kung saan ang ka-teammate mo ay ang mga mismong kabarkada mo na kasa-kasama sa buong taon.
Sino nga ba ang makakalimot sa mga classic teams / barkadahan nuon gaya ng Basta, Strikers, Gypsy, Celeste Gang, Buster at Spyro? Ito ay nuong dekada 80s kung saan ang mga shorts nila ay pang chikababes sa iksi. Kung ang Fab Five ng Michigan University ang nagpasikat ng mahabang shorts sa college basketball sa Tate, at sinundan ni Jordan naman sa NBA, ang koponang Longhorns ang unang koponan sa history ng Jalajala basketball ang unang nagsuot ng mahahabang shorts, subalit mukhang di sila nagkaintindihan ng mananahi dahil nagmukha itong puruntong sa haba sa ilang manlalaro nila.
Isa sa mga greatest rivalries na ating napanuod ay ang mga laro ng Jbhad at Joepards. Mainit lagi ang labanan nila dahil hindi lamang sa laro at sa court sila nagpapagalingan, maging sa mga chicks na rin at sa inuman ay magkatunggali sila. Kung hirap ang Jbhad na pigilin ang bicycle shot ni Yayay, hirap din naman ang Joepards na bantayan ang baseline pasabit ni Jonjon Bernabe. Ang mga slashing moves ni Windak San Juan ay sinasagot naman ng tres ni Anthony Ibasan. Ang power moves ni Bingbeng Lamsing sa ilalim ay tinatapatan ng cross-over ni Joey Anago. Hindi masasabing pinakamagaling ang dalawang koponang nabanggit gaya ng Toyota/Crispa nuon dahil may iba pang mga teams ang nakikipagsabayan sa kanila gaya ng DjGearp, Dunggot Slashers, ang koponan ng Sipsipin at ng Biga starring the Estrella brothers, Marvin at Danny, kasama sila Hi-C “the rock” Amor at ang kapatid nitong si Amormio.
Bago naging tuluyang inter-barangay na ang taunang liga, ang mga pinakahuling teams na sumunod sa mga yapak ng mga nauna sa kanila ay ang koponan ng Moskito, Mazhecks at ang team nila Oliver na di ko maalala (Jear Boys ayon sa aking source - taga JJ).
Pero nawala man ang inter-barkadang liga, ang pinakang pinanghihinayangan kong nawala ay ang liga ng volleyball ng mga babae. Powerhouse lagi ang mga teams na galing Brgy. Sipsipin dahil ito talaga ang laro at libangan nila dun. Subalit kahit pa lumalaban lagi sila sa championship, halos walang maganda at sexy sa kanila kaya mas maraming nanunuod kapag tagabayan ang may laban. Bagamat hindi ganun kagagaling ang mga tagabayan teams, madami naman silang magaganda at mga seksing manlalaro na pinapanood lagi kahit mga bench warmers lamang gaya nila… ay, wag na pala natin silang pangalanan dahil baka magalit hehehe
Ang mga girls volleyball teams na nakikipagsabayan sa teams ng Sipsipin ay ang Simple Hearts, Ambassadors, Main Attractions, Dunggot, Happy Team at Gemlers.. Natatandaan ko pa nung naglaban sa championships ang Simple at Ambassadors. Kasama ang mga kaibigan ko, kampi kami nun sa Simple ngunit sa loob-loob namin, palihim kaming nagbubunyi tuwing makakakuha ng puntos ang kalabang koponan dahil mas seksi ang uniform nila nun. Isang season na sumali ang Defenders 2nd Generation, nakalaban nila sa championship ang Simple. Nanalo ang Defenders nun dahil may import silang taga-Sipsipin. Oo, dahil magagaling talaga ang mga taga Sipsipin sa volleyball, nauso nun ang pagkuha ng import sa team. Pero wala pa ding tatalo sa pinakapaboritong player ng lahat, mula sa team ng Main Attraction na si M dahil tuwing nakatuwad ito sa court para sumalo ng serve e halos nakalabas na ang kanyang kuyukot sa iksi ng shorts. Ito ang dahilan kaya maraming mga kalalakihan ang nakapuwesto lagi sa ilalim ng ring tuwing may laro ang team na ito. Main attraction talaga.
Matagal ng walang liga ng volleyball na ang huling mga teams ay mga lalaki at bading ang kasali. Maagang mga nagsidalaga kasi ang mga kabataang babae ng Jalajala ngayon. Ayaw na ata nilang makita sila ng mga crush nila na mukhang pawisan. Pwenster na lang ang kanilang libangan ngayon.
Wala pang taga Jalajala ang sumisikat sa pambansang larangan ng palakasan. Pero wala kaming pakialam dun. Basta puno lagi ng fans ang United Center (court sa munisipyo) at ang Delta Center sa Salt Lake Utah (court sa may pantalan), mananatiling buhay ang sports sa Jalajala.
20 comments:
hahahaa gawain ko yan dati ah, pag basketball ang pinapanood nasa ibabaw kami ng bubong pero pag volleyball nasa ilalim kami ng ring (boso mode)
- iloveJJ
nakalimutan mo ang thompsons brothers ng bayugo pero pinakapaborito ko sa lahat si baby-face Hi-C Amor hahahaha
kung sino ka man, saludo ako sa yo, pare. swak na swak ang kaalaman mo sa jj.
siguro mas maganda kung ilantad mo ang iyong tunay na katauhan. pero base sa tono ng blog post mo, kabinataan mo ang dekada 80.
ipagpatuloy mo lang at siguradaong dadami ang babasa nitong blog mo kasi may ibong ipinamalita na sa amin itong site mo.
- marahil ay magkakatabi tayo sa bubong kapag basketball at sa ilalim ng ring kapag volleyball haha
- idol ko din si Amor
- 80's? hehe hindi naman, nagre-research lang talaga ako sa abot ng aking makakaya
- sana po, ilagay natin ang ating pangalan sa susunod para sa maganda. ilagya din ang inyong Friendster URL dahil sigurado akong meron kayo hehe nakasulat dito ang instruction sa site.
the best ng jbhad at the best ng mazehcks, sino kaya ang mananalo?
kay ampok ako -brix
naku... inde p din uubra kay jonjon bernabe si ampok hahahaha JBHAD SOLID ^_^
-iloveJJ
panay drive to the basket lang si jonjon, si ampok may tira sa labas. matatanda na pati ang jbhad hahaha -brix
eh eh
wala pa ding tatalo kay Carol ng Simple, the darling of the crowd...
hahahaah kahit matatanda na pogi pa din hahahahaa =)
-iloveJJ
pogi? sinong pogi? si unyo? bwahahahaah -brix
Simple, mga pa cute lang -dating ambasador
uu c unyo nga nadale mo hahahaha
- iloveJJ
unyo love carol?
hindi na pwede, may mga asawa na sila...
our team made a history on our town, 1st time namin sumali noon kulay red ang uniform namin, si Michelle Bellin aka Mrs Michelle Gellido ang muse namin nun at nanalo cia ng best muse at nakuha din namin ang best uniform, and in the end nakuha namin ang kampyonato, ang best coach as far as i know nakuha din namin ang MVP sa isang season lang, i love my team and i love my barkada =)
pre, baka pwede mo i-post dito ang complete line-up nyo nun, for the record lang tsaka sino nakalaban sa finals.
ok eto na lang natandaan ko sa line up noon
JBHAD rosters are:
Licudan, Crising(RIP)
Lobaton, (name forgoten)
Bernabe, Jonjon
Anago, Hubert
Anago, Joey
Ibasan, Anthony
Vidallo, Butch
Labro, Dondon
Trampe, Michael
Gellido, Elat
Bonita, bonie
Zamudio, Puno
headcoach:
Escarmosa, Bukol
muse:
Bellin, Michelle
inde ako sure kung Joepards or Dunggot un nakalaban namini-update ko p yan medyo matagal n kasi un
natatandaan ko ang uniform ng jbhad nun, yung pulang style Alaska Team. seksi pa ang mga shorts.
uu short-short un late 80's kasi un eh, cguro pag uwi ko sa Jalajala kukuha ng ilang mga pictures then send ko sa email mo
may mga pictures din ako ng team namin mafejts
pwede ko din bang i-send sa yo? gusto kasi naming makita ang team namin dito.
pre, send mo lang picturees ng team nyo.
Post a Comment