Mayaman ka man daw o mahirap, yuyuko ka rin kapag naglaro ng bilyar. Parang ganyan din kapag may sayawan sa Jalajala, mayaman man o mahirap, makikita mo dun kapag may sayawan.
Wala kasing nightlife sa Jalajala. Kailangang ikaw ang gumawa ng sariling gimik sa mga gabing di ka makatulog. Nandiyan ang makipag-inuman sa mga barkada, tumambay sa kanto o makipag-usap sa opposite sex sa mga sulok-sulok na madidilim. Hey, nag-uusap lang kami dun. Kaya naman tuwing may sayawan, mapapapunta ka dun kahit di ka makikisayaw.
Karaniwang nagaganap ang “sayawang bayan” kapag may okasyon gaya ng Christmas at New Year’s party, Valentine’s party, Fiesta, maging Holloween Party. Minsan naman ay kapag may fund raising party o kaya ay Graduation at Junior/Senior Prom ng Saint Michael Parochial School, my alma mater. May pasayawan din ang Mother’s Club at kapag opening ng mga liga. Nagaganap lahat ito karaniwan sa basketball court sa tabi ng munisipyo o kaya ay sa court sa may pantalan. Nagkakaron din ng sayawan sa bisperas ng kasalan kung saan sinasabitan ng pera ang kakasalin.
Dati, ang natatandaan kong kinukuhang mobile sound system ay kay Bondying Anago (hindi lang electrician, pang DJ pa) kasama ang mga speakers niyang may sticker na “Ako’y Pinoy”. Low tech pa nun ang mga amplifier. Ang inabot ko nun ay kay Muleng Vidallo a.k.a. Bapor (pronounced as BA-por and not ba-POR na sasakyang pandagat) at sa nasirang Hector Andallo. Mas madalas makuha din nun si Jess Corneta lalo na kapag pasayawan ng Jemarps. Kung nais talagang maging bongga at maraming um-attend ng sayawan, kailangan pang kumuha sa karatig bayan, ang El Burudog, Bobs at Suarez.
Ang karaniwang set-up ng dance floor, ang mga babae ay nakaupo sa mga monoblock chairs na nakapaligid sa sayawan. Lalapitan sila ng mga kabinataan upang ayaing sumayaw. May mga malalakas ang loob na kayang ayain ang mga chikababes na magaganda. Yung ibang guys, nagsasayaw na lang kapareha ang kapwa lalake na hindi kayang kumuha ng mga babes. Hindi ito sinyales ng kabaklaan, nakikipagsayaw na lamang sila sa kapwa lalake upang makapagsaya at maipakita sa mga babae ang galing nila sa pagsasayaw. Baka daw sa sobrang hanga sa kanila eh yung babae na ang kumuha sa kanila sa susunod na tugtog. Kaso, proven ko ng hindi pa rin yun mangyayari kahit pa gaano ako kagaling sumayaw nun. May mga babaeng ganito din ang style. Sila yung mga girls na ayaw makipagsayaw sa mga di cute na guys o kaya ay mga babaeng walang nag-aayang sumayaw kaya sila-sila na lamang ang magkakaharap. Karaniwang nagsisimula ang sayawan mga bandang alas-diyes ng gabi at matatapos ng madaling araw, matira ang matibay.
Kung fund raising ang tema, may bayad kung nais mong maki-join sa sayawan. Magbabayad ka sa parang gate para makapasok. Libre naman kung pasayawan lamang upang makapaghatid ng saya. Pero sa loob ng dance floor, may bayad kung gusto mong gumamit ng table para sa mga inumin gaya ng sopdrink o beer at pagkain na kailangang bayaran. Oo, beer ang iniinom sa loob ng sayawan kahit pa gin bulag, Emperador, Tanduay o Gran Matador ang choice of drink sa pangkaraniwang araw. Nakakahiya kasi kapag di beer ang iinumin, cheap.
Kapag may sayawan, dinig halos sa buong bayan ang tugtog. Malalaman mo talaga kapag may sayawan. Kung Cachito, Carmelita o “tiiirut---tirut---tirut-tirut” ang tugtog, sayawan ng matatanda yun dahil cha-cha at mga ballroom dances ang gusto nila. Kapag sayawang pangmatanda, halos wala kang makikitang teens na magsasayaw pero makikita mo pa rin silang nasa paligid nanunuod o kaya ay nagpapa-cute sa opposite sex. Shempre, gusto nilang maka-jerk. Malalaman mo namang sayawang pangkabataan kung new wave music at mga bagong dance craze music ang maririnig. Lalo na kapag ang original at remixed version na ng Sweet Child O’ Mine ng Guns N’ Roses ang pinatugtog. Intro pa lamang ang marinig, nagkakagulo at nag-uunahang pumasok ng dance floor ang mga kabataan. Dumadagundong talaga ang lupa at nagliliparan ang mga alikabok kapag narinig na ang riff na iyon ni Slash. May kasama pang hiyawan na akala mo ay nakakita ng artista. Ito yata ang second all-time fave “dance” song ng mga taga-Jalajala. Ewan ko kung bakit.
Ano ang first? Shempre, kapag nagpatugtog na ng “sweet”… yi-heeee…
22 comments:
hahahaha...
natawa naman ako dun...naalala ko tuloy kabataan ko...kakahiya!
tulad ba yan dun sa probinsya ng La Union na hindi tinatapos yung kanta sa pagsayaw? Hanggang chorus lang tapos balik silya na ulit....
Hmmm, teka, sa akin lang yata nangyayari ang ganon.
heheeheh naaalala ko tuloy nung kabataan ko pa the best ang JBHAD pagdating sa sayawan actually jan nga kami nakilala eh... sa larangan ng pagsasayaw
kahit mahilig akong sumayaw inde ko din maintindihan pag sweet child o mine ang tugtog eh nagkakagulo ang mga tao, anyways cguro un nag trip nila hehehehe
isa ako sa mga mahilig sumayaw dyan sa court natin hehehehhehehe... as in...
nkakamiss tuloy nun bata pa ako.. prang ang sarap ulitin..
Si Sharlyn, I still remember magaling sumayaw yan, forte nyan ang Ace of Base (the Sign).. Dati din nung di pa uso ang monoblock nanghihiram ng mga upuan sa mga tindahan para di na mag hire ng upuan kasi before hindi table table kaya ang boys nasa canteen at umiinom ng beer. Ang girls nakahilera sa mahahbang bangko, na paikot walang table kaya kitang kita kung sino ang nababangko,hehe pero pinauso ng JESTER ang sayawan na per table ang me bayad kaya nagsisunuran na yun iba...
hehehehhehe.. bakit mo alam? "i saw the sign!!!!!!" sana bata nlng ulit ako.. hehehehehe
reyna : wag ka mahiya, lahat tyo dumaan jan hehe
Nashman : ganun din pero depende sa tugtog. kapag Sweet Child ang tugtog, hanggang katapusan, may encore pa hahaha wala nun jan sa oxbario no? hehe
Jbhad dance group nyahahaha
Sharlyn : oo nga, lagi kita napapanood nun hehe pwede naman gawin pa rin ngayon ah errr---
anonymous, mukha madami ka pa alam, kwento ka naman hehe mukha babad ka din sa sayawan ah :P
Ex BF's Sharlyn? Sabihin ko din? Hehehe..Joke!
ay ok lng naman ipagsigawan mopa.. wala naman ako tinago sa taga jalajala and im really proud of myself kung ano ako noon...at ngayon.. bahagi yun ng buhay ko wala ako dapat ikahiya at pagsisihan.. kaw kya pakilala ka pra namn me masabi rin ako sayo.. hahahahhaha....
di ko pa receive yung pict ni tita brendz...
sharlyn, lagay mo ang URL ng friendster mo
send kona mr. writer
shar, salamats
sweet lang sinasayaw ko para masaya. lagi kong sinasayaw ang simple nun.
lagi kong gustong makasayaw si sharlyn nun kaya lang di ako makatyempo. yun ang isa sa mga pinanghihinayangan ko.
sus.. kunwari kapa... hahahahah
nyhahaaha cnu ba ang madalas kong isayaw noon hhmmmm? teka nga....
nalimutan ko na basta pangarap kong maisayaw si S. Sanjuan noon kasi nahihiya ako hehehehe ^^
elat officemate ko asawa ni lala... hahahhaha papabasa ko... hehehehhehe.. joke
mahalaga na raw para kay elat na nalaman dati ni shella na mahal siya kahit hindi sila nagkatuluyan hahahahaha
@Jalajala rizal, +1 ako jan hehehehe
@Sharlyn, waaaaaaaa wag oist ^^
huuuuuuuuuuuuuuuu style hehehe
hahahaahahaa lolz ^^
Post a Comment