Wednesday, August 22, 2007

babuyan

(sinulat ni Saul, isang taga Jalajala)

Pasali na rin ha. Pero walang masyadong kaugnayan ito sa bayan natin. Apat na beses na kasi kaming ninanakawan nitong nagdaang taon pero wala pang nahuhuli ang mga pulis. At habang nasa usapan tayo ng katatakutan, may ikukwento ako sa inyo, para kung di man mahuli ang mga walanghiya, umaasa na lang ako na mababasa nila ito at di na sila babalik sa bakuran namin dahil sa takot.

Bago ako magkwento, intro muna. Nakatira ako sa 3rd District at kung tawagin ang looban namin dati ay "babuyan". Medyo malawak ang likod bahay namin at literal na babuyan kasi ang aming looban nuon. Maraming baboy na inaalagaan, masukal at maraming puno ng saging. Nang mawala na ang mga baboy, pinaayos namin ang bakuran namin at tinawag na Villa Sofia subalit may mga bagay na hindi nawala; ang tawagin pa ring babuyan ang looban namin at ang mga di maipaliwanag na mga pangyayari.

Marami daw kasing mga nakikita sa looban namin na handang patunayan ng maraming taong nakakita na sa mga yun. Meron daw white lady, meron daw mga nakikitang kaluluwa ng mga namatay naming kamag-anak o kaya ay ang paborito kong sinasabing nakikitang mga sundalong Hapon na nagmamartsa daw at nagbabantay ng nakabaong kayamanan. Hindi rin mawawala ang kastilang prayle (na parang kahit saan ay nagmumulto, ewan ko ba) na nakikita daw na naglalakad. May mga duwende din daw, mga fairies, ibat’t ibang lamang lupa at elemento. Meron ding sinasabing matandang babae na nagbabantay sa likod. Mapapansin nyo siguro na panay “daw” ang sinabi ko dahil ako mismo na matagal ng nakatira sa amin ay walang nakita ni isa sa mga nabanggit maliban sa isang beses na nakakita kami ng bolang apoy habang umaambon. Pero may scientific explanation naman dun, ang tinatawag na St. Elmo’s Fire. Sa madaling salita, hindi ako natatakot sa looban namin.
Maliban sa isang pangyayari… (dyan-dya-NAN!)

Ilang taon na ang nakakalipas, gabi. May New Year’s party/reunion ang mga kaibigan kong babae nun at sa amin nila ginanap. Dun kami pumuwesto sa pinakadulo ng bakuran kung saan may isang open-air cottage. Isa sa mga kaibigan ko, si Candy, ang nagsama ng tatlong gay friends nya galing Sipsipin. Masaya ang hawaiian themed costume party dahil na rin sa paghaharutan ng tatlong bagong bisita. Medyo natigil lang sila nang magasgasan sa may hita ang isa sa kanila. Habang lumalalim ang gabi at umiikot ang tagay, napansin naming nanahimik ang nasugatang bading (pasensya na sa term na “bading” ha, di ko kasi alam ang politically-correct term sa kanila) na nakaupo sa isang sulok. Medyo madilim nun pero kitang-kita namin at laking gulat sa kanyang ginagawa. DINIDILAAN NIYA ANG KANYANG SUGAT! (gasp!) Madami sa atin ang sinsipsip ang sariling dugo kung halimbawa ay nahiwa habang nagtatalop pero iba siya, dinidilaan niya ang sugat na para bang kapag nasugatan ang isang hayop. Habang dahan-dahan niyang dinidilaan ang sugat sa binti, tinitingnan pa niya ang bawat isa sa amin, na para bang nun lang kami napagmasdan. Parang nangingilala. Lahat kami ay nakapansin sa kanya ngunit walang naglakas-loob na magtanong kung ano ang kanyang ginagawa.

Dito dumating si Kim, ang isa kong pinsan na humabol sa inuman. Pasimple kong itinuro sa kanya ang ginagawa ng bading. Dahil bagong dating, siya muna ang nag-tanggero. Siya lang ang nagkalakas-loob na kumausap sa nasabing bading. Kunwari ay ini-interview niya ito dahil nun nga lang sila nagkita. Tinanong ni Kim ang pangalan ng gay at nagulat kami nang sumagot ito na wala ang “dilang bakla” at naging seryoso ang tono. Di lang yun, ibang pangalan pa ang sinabi niya. Isang lumang pangalan ng babae (sorry, di ko na matandaan). “Ah, taga saan ka? Taga Sipsipin ka ba?” tanong pa ni Kim. “Taga dito ako” sagot ng bading habang iniisa-isa pa rin kaming tinitingnan. Tahimik lang kaming lahat nun, nakikinig lang sa dalawa. “Akala ko taga Sipsipin ka. Bago ka lang dito, no?” nagbibiro pa kunwaring tanong ni Kim. “Hindi, matagal na ako dito” ang sagot ng bading, “matagal na…”

Katulad nga ng sabi ko kanina, hindi ako takot sa looban namin ngunit nang mga oras na iyon, iba ang aking pakiramdam. Hindi ako sa sagot ng bading kinikilabutan. Tumatayo ang mga balahibo ko sa boses ng bading na ibang-iba sa boses niya nung una. At kung titingnan mo siya sa mata, parang ibang mata ang tinitingnan mo, para bang lampasan ang tingin mo sa mukha niya. Mahirap ipaliwanag ng malinaw ang sinasabi ko, basta ang alam ko, may nagaganap nung mga oras na iyon na kakaiba. Hindi na nakakapagtaka na wala sa oras na nagkaayan na kaming mag-uwian, pack-up na agad. May malaking puno ng Acacia sa gitna ng bakuran namin at ilang hakbang pa lamang ang layo namin pagkalampas dito, bigla ding nanumbalik ang katauhan ng bading. Gay speak na ulit siya kung magsalita at muling naging maharot ang kilos. Para bang wala siyang alam sa mga nangyari kanina. Wala na rin namang nagsabi sa kanya.

Anong nangyari sa kanya? Hindi namin alam. Ayaw na rin naming alamin. Hanggang sa ngayon, bibihira naming muling pag-usapan ang pangyayaring iyon. May mga bagay kasi na mas mabuti pang iwan na lamang sa nakaraan at wag na muling ungkatin.

Naikwento ko lang ngayon dahil nga sa mga Lupin na magnanakaw na pabalik-balik sa looban namin. Ibalik nyo ang mga kawad ng kuryente namin, mga hayup! Kung hindi eh multong bakla na sa babuyan ang bahala sa inyo.


***
  • para sa gustong makaalam kung ano ang St. Elmo's Fire na nabanggit ni Saul, click nyo lang yung link. pwede din naman yun isang ball of fire na may scientific explanation din at hindi isang bagay na dapat katakutan.

33 comments:

Anonymous said...

asa ka pang matakot mo ang mga magnanakaw!!

myla said...

HAHAHAHA!!! sabay natakot at natawa ako sa post na ito.

hindi naman kaya kasi mga lango na kayo? or baka naman may tama yung bading na yun?

alam ko, doon lang sa mga bagong mukha nagpapakita mga "spirits". bakit hindi minumulto mga magnanakaw? baka naman kasi hindi na bago ang mga ito sa babuyan?

paolo said...

anonymous, apat na beses ng nanakawan na walang nahuhuli, baka desperado na hehe

myn, parang may suspects ka ah :P

Anonymous said...

bwahahahaha bakit nga ba laging may pating kastila na nagmumulto at laging pugot ang ulo? hindi siguro sila pinapasok sa langit hahaha

Anonymous said...

alam mo sa naging karanasan ko sa ganyan totoo na may mga galang kaluluwa.. sayang nga lng at di nmin tinapos usapan nmin dahil lahat ntakot...

Anonymous said...

nabalitaan ko na nahuli na daw yang mga nagnanakaw ng kable. nagkabarilan pa nga daw dun sa may DAR sa hiway. true?

Anonymous said...

nun huli ref naman daw ang ninakaw, grabe talaga effect ng global warming hehe

Anonymous said...

nakapunta na ako dati jan sa tinatawag na babuyan na yan, snama ko ng lelang ko nuon. mahal na araw ata. nagtataka pa nga ako nun kc wala nman ako nakiya mga baboy. natatandaan ko madaming manok pansabong.

Anonymous said...

di ba yang babuyan katabi ng sementeryo? taga dalig ako kaya alam ko hehe kaya siguro madaming nakikita sa babuyan.

Anonymous said...

@anonymous,baka ninakaw na din mga baboy... sa tingin ko inside job yun, hindi kaya kasabwat ang mga multo dun kse 4 times na pala ninanakawan yun..
watcha think?!

Anonymous said...

it was called babuyan kasi it was a pigs farm back in the 70s-80s. the name stuck even after all the pigs are gone.

the spirits have been there since time immemorial.

Anonymous said...

si saul ba ay si A.G. na asawa na ngaun ni M.B na kasalukuyang naninirahan na ngaun sa bansang Intsik..binabati ko kau jan!! heheh.. ;p -LaNdii

paolo said...

padre damaso, ikaw ba yan? nag-i-internet na ang multo? hehe

sharlyn, buti na rin siguro na di nyo tinapos. mahirap mag-dabble in the unknown kasi di nyo rin alam ang gagawin kapag nagka problem :P

anonymous, yup, nabalitan ko nga din yan. mga taga Tanay daw yung nahuli, nkasakay sa tricycle.

aladybug, sana ercon na lang hehe

anonymous, balita ko nga rin. mahilig ata sila sa sabong nun.

anonymous, madaming nakikita sa babuyan. eh sa mismong sementeryo, madami din nakikita? except sa mga ate ha hehe

anonymous, FYI, si Saul ay si ASG na kinasal kay MMB na ngayon ay MBG na... :P

JBHAD said...

babuyan..... it is my second home since i was a little boy, i do remember when we are playing basketball and the ring and its board was attached on a coconut tree and its was replaced by a smaller one attached on a..... maybe a Talisay tree, the old ring on a coconut tree was placed again inside the babuyan but before that... indside the babuyan we put a pair of rings and board ... a whole court, and we are using a tennis ball on that time... but things are getting boring so we use again the old ring.

a basketball arena inside the babuyan =)

paolo said...

jbhad, dun ba nabuo ang kaalaman nyo sa basketball? :P

Anonymous said...

babuyan???

cguro dyan ginanap pilikula ni NORA AUNOR at sinabe nyang

" MY FATHER IS NOT A PIG" at
"WALANG BAKLA" ay este "HIMALA" ATA YON

paolo said...

hahahahaah may bakla po

Anonymous said...

never heared of this place before, and what kind of a name is "saul" lmoa!!.. thought i wish we have like a CSI team when those crime happened, that could have been fun to watch hahaha ghost are like human ego's if you believe in it too much, you're bound to believe in it real good..

huh? what was that??.. nnooooooo..

paolo said...

someone, skeptic ka pala about sa ghosts. you know what will be fun? kapag nakakita ka at nag sayonachi ka hahaha

awhooooooooooooooo

Anonymous said...

"Saul" it is the original name of St. Paul nung inde p cia mabait. at sa pag kakaalam ko idol ni AG si Saul Hudson lead guitarist ng GNR so his band mate(243 band) call him Saul much better than "A" hehehe

-243 Band

Anonymous said...

di ko ata alam yan ah hehe chismis lang yan, wag kayo maniwala

Anonymous said...

@Saul, lolz deny boys k talaga kahit kelan hahaah ^^

-243 Band

Anonymous said...

huh? what the FCUK are you talking about? ako? hindi ako. wala akong kinalaman jan. nananahimik ako dito. 243 band? sino yun?

Anonymous said...

hi saul! :)
give my regards to ur wife,,.my cuzn ate cheche..Ü tell her, i miss her na..wen kau mgkakabhaby?? excited..hehe :P


`ada

Anonymous said...

@saul, buwahahahaha ololz!!!!!

-243 Band

Anonymous said...

baka naman idol ni saul si boddie mng eheads mali yata spell, kaya saul ang ang code nya , body and soul baga, ang layo yata,

Vicks

Anonymous said...

anonymous...
d po b "my brother is not a pig???

hehehe

to all skeptics...
meron po tlaga mga maligno and evil spirits,,but i just dont believe in kaluluwa n bumabalik...
i have read about elementals and evil spirits dat take d forms of our friends and does who are dear to us...the bible can tell you about all dis things...

but anyway crimes commited will not go unpunishable...if in buddhism ders karma,d bible has a passage dat goes like dis "WAT YOU SOW YOU WILL REAP"
it just pain me to think dat our beloved peaceful jalajala been tainted wid crimes and violence nowadays...
tsk...tsk...tsk....

hehehe am i talking nonsense...
cnxa...
srap xe magkomento and say just wat is brooding inside my brain...

Anonymous said...

skeptics, meaning ba nun spaceship? yun kse sabi ni kokey... skeptic! skeptic!

paolo said...

gulgamer, actually, what you said made sense. yep, may mga crimes na nangyayari now sa JJ pero i bet they were done by people from other nearby places. yun nga lang, sana mabilis kumilos ang kapulisan hindi yung gaya sa mga pinoy movies na tapos na ang bakbakan tsaka lang sila dadating :P

bayoyoy, i wudnt know. 7 kasi channel ko e hehe

Anonymous said...

about nga pala jan sa magnanakaw na yan, may gimik daw yan.. kunwari may nagpapangap na babaeng sira ulo na pabalik balik dun sa target nilang bahay or either kaya vendor kuno... kaya guys watch out and be vigilant..

paolo said...

burnok, exactly, lets be vigilant. malaking tuong sa kapulisan kung maire-report agad natin ang mga kahina-hinalang taong makikita natin.

Anonymous said...

check out youtube and search for ghost clips.. some scary shit!!.. hehehe

paolo said...

porntube kasi ang pinupuntahan ko rawrrrr...