(sinulat ni ANGKLA, isang taga Jalajala)
Ay salamat pauwi na rin! Meron pa bang mas masarap na pakiramdam sa mga pagkakataon na pauwi tayo sa ating home sweet home na JJ. Sabi nga ng iba eh "where my heart is" naks! Kung saan-saan man tayo galing; sa Maynila, sa malayong lalawigan, o sa karatig na bayan , ano man ang dahilan ng ating pag uwi, mga galing sa trabaho, sembreak ng estudyante, o mga nagbabakasyon lang, wala pa ring sasarap sa pakiramdam pag uuwi na sa ating bayan.
Mula sa kung saan man tayo nanggaling, ang malimit na lugar kung saan marami sa mga tiga Jalajala ay dumadaan ay sa lugar na tinatawag namin Crossing. Dito mo na simulang maaamoy ang Jalajala. Nang mga panahon na hindi nalilipat ang terminal madalas akong bumili ng pasalubong sa katabing tindahan nito ng mga tinapay, pero nalipat na to sa malapit sa palengke ng EDSA Central. Minsan ay may makikita ka nang mga tiga Jalajala dito na pauwi na rin at kung inabot ka naman dito ng bandang hapon ay makakasakay ka na ng diretso na ng JJ, yung mga jeep na tiga atin ang may ari, pero karamihan sa madalas na pagkakataon ay sa biyaheng Tanay ka makakasakay sa bus (San Ildefonso pa dati, naging RRCG at EMBC pero ngayon ay wala na yatang bus) o sa jeep na kadalasan ay LGS Motors na mabilis magpatakbo at malakas ang sounds "patok!" at yun mga may kaya ay fx naman. Pag paalis na ng Crossing, simulang mo ang tulog dahil sa mahaba-haba din biyahe, na kung saan dadaan sa Rosario, Cainta (sa Cainta Junction ay may sakayan din ng Tanay ) Taytay, Antipolo na zigzag na nakakahilo pag di ka sanay, pero maganda ang view lalo na sa tapat ng Sampaguita Resort, dito mo rin unang matatanaw ang Jalajala pag nakita mo ang usok ng dalawang tower ng Kephilco sa Malaya katabi ng JJ yun hehe, pag katapos ng Antipolo ay Teresa, Sagbat sa Morong, yun yung kanto pagliko (dito madalas yun nagbabayad ng pamasahe). Habang lumalapit ay parang lalong tumatagal ang paghihintay na makauwi.
Paglampas mo ng Baras eh makakarating ka na sa bayan ng Tanay, ang bayan lagi kong binanggit kapag hindi alam ang Jalajala, "malapit yun sa tanay". Dati sa plaza pa ang terminal ng Jalajala ngayon ay sa bagong palengke na. Exited na syempre less than 1 hour na lang ang biyahe ay makakauwi na rin, pero bago sumakay ng jeep papuntang JJ bili muna maiinom sa mga vendors o kaya'y maglulugaw muna. Kung sa barrio ng Jalajala ay iba ang sasakyan mo sa mga tiga bayan, may biyaheng Bagumbong at Punta at syempre may Jalajala bayan din naman. Pag sakay ng jeep sa malamang ay may kakilala ka na na makikikita dahil maliit lang naman ang bayan ng Jalajala, halos lahat eh mag kakakilala kahit hindi man sa pangalan eh sa mukha. Minsan kung sinuswerte ka at kakilala mo yun driver ay malilibre ka pero syempre nagbabayad pa rin kakahiya naman. Kaya lang minsan eh pag natapat na wala kang pamasahe tapos may kakilala ka sa jeep tapos chickababes pa eh, syempre dyahe hindi mo man laman malibre, kaya kahit hindi inaantok dahil sabik ka nang makauwi ay makakatulog ka, (para di obvious hehe), any way pag alis ng Tanay dadaan nyo ang Pililla, Quisao na kung saan noon araw ay dito nag swiswiming ang mga taga JJ nung wala pang Villa Lorenza na nasa Pililla naman, tapos dadaan ka na ng Malaya yes! Dito yun tower ng Kephilco, "power plant baga". Paglampas mo ng Malaya, at last! boundary na ng JJ, yun nasa picture, maamoy mo na yun amoy ng palay, mabango kumpara sa hangin ng polluted Manila. Matatanaw mo na sa bandang kanan yun Laguna lake tapos sa kaliwa yun Himalayas este bundok ng Jalajala. Pag natyempo ka ng uwi ng sunset ay mamamangha ka sa ganda ng tanawin na hindi napapansin ng iba. At pag katapos ng halos na 2 oras na biyahe ay makakarating ka na rin sa ating pinakamamahal na bayan. Kung tiga Mapacla ka ay bababa ka na sa tapat ng bahay nina Mrs. Pagaspas, kung sa Dunggot naman ay sa DFA o sa dating Kadiwa, o pwede rin sa tapat ng elementary makakasabay ang mga tiga G. Sena. May bumababa di sa tindahan ng Mina Gracia papuntang Paalaman. May bababa rin sa Ding, sa simbahan, sa munisipyo, sa kanto ng Mameng Trampe, at tatlong kanto tapos paliko na sa 243 grocery an malapit sa parlor ni Tita Brend ay bababa na yun mga tiga 3rd district at Dalig. Kahit saan pa man tayo bumababa eh iba pa rin ang pakiramdam ng nakauwi ka na sa iyong sariling bayan,
Home sweet home!
Ok kitakits na lang dyan! Excited na ko umuwi ulit!
22 comments:
yung video ba ay sa antipolo pababa ng teresa? oh yung sa teresa pababa ng morong?
pareng angkla mukhang homesick k n ah, salamat sa sinulat mo di n ko maliligaw papunta jj
glenda, sa antipolo ata. basta view sya ng laguna lake at ng mga towns below.
magpakilala ka na pareng angkla, para sasalubungin ka namin pag-uwi hehe
may sakayan din ng fx tanay sa may starmall, dating manuela. dayi, pagdating ng alas 9 ng gabi sa tanay, wala ka ng masasakyan. kailangan mo ng mag tricycle mula sa tanay pauweng jala-jala kung gusto mo pang makauwe. madami ka namang makakasabay na taga malaya o sipsipin kaya okay lang. yun nga lang, matagal ang byahe. buti ngayon, madami ng jeep lalo na mga taga baryo.
ang galing, bakit nga kaya samay sagbat karamihan nagbabayad ng pamasahe haha akala ko ako lang nakapansin nun. ayos ka angkla.
uu nga bakit kaya hane nga? ^^
matagal nga lang ang mga fx dun sa may starmall, mainit pa ang pilahan.
alam ko kung bakit sa Sagbat nagbabayad. kasi pagdating sa lugar na iyon, nagigising na ang pasahero at maiisip niyang magbayad na hehehe di ba?
korek! =P
-=:ada:=-
Where the hell is "sagbat"??.. sorry guys, It’s been so long since i rode a commoner’s way of transportation...
Sagbat yung pagliko papuntang hiway coming from the mountains. on the left, papuntang baras and on the right ay papasok ng Morong town proper. dun lumiliko yung mga paakyat ng antipolo kapag galing kang Tanay/Baras.
yun video galing teresa pababa ng sagbat, nakita nyo yun usok , usok yun ng mga basura, little smokey mountain.tapunan ng basura. angkla
oo nga, naalala ko na hehe sa smokey mountain nga yun ng teresa
there was this one time going home i rode a jeepney and it was half full of visiting student of some kind.. so while we where almost at the gate of the power plant, remember the sudden down curve of the road almost like a roller coaster ride? so anyways the driver suddenly started accelerating little by little on the gas, knowing what evil mind the driver was cooking up to the newbie’s of our road I quickly grab the railings of the jeepney by my two hands and lowering my head to my arm.. In no time those visiting student was screaming for their dear life by the sudden motion of the down curve road, (aaaaahhh) thinking that there’s doing to be an accident hahaha it was the funniest thing I tell ya’ and I over heard one of the ladies saying “kya pala humawak yon lalake” laughter was every where.. of course I was smiling all the way back home..
sum1, accessory to the crime? haha but really that curve give me more excitement coz its a sign that im less than 15 mins away from home.
kudos to ur comment! why not create ur own blog? at least dun makakapag taray ka na to the highest level :P
masaya nga yung parteng yun ng daan. as far as i know eh wala pa naman naaksidente sa parteng yun. ilang mali-maling ale na ang nabiktima ng mga jeepney drivers dun, lalo na kung jeep baryo ang sasakyan nyo hehe
yun mga pamankin ko na taga metro eh yun ang inaabangan nila pag uuwi sila ng jj.
angkla
accessory to the crime? nobody saw me you cant prove it..
im not "mataray" i just tell it the way i see it.. beside im too lazy to pick up a pen and paper, let alone write some crap about something that nobody give a cahoot about.. wait gives you more excitement huh? more than your first kiss with your guy hahaha poor(soul)..
who ever engineered that road most be a genius..
oo nga, dapat nga siguro maraming ganung daan papasok ng JJ. hindi lang daan, roller coaster track pa hehe
ada, binura ko comment mo. wag mo kaming ibuko nyahahahaha...
hmpf!!! chorvah ka!!! heheh.. ;)
you know the song HOME by Chris Daughtry?!?
1,2,3 sing!!![chorus lng]
I'm going home,
Back to the place where I belong,
And where your love has always been enough for me.
I'm not running from.
No, I think you got me all wrong.
I don't regret this life I chose for me.
But these places and these faces are getting old
So I'm going home.
Well I'm going home.
...la lng,.
`ada
Post a Comment