Saturday, August 25, 2007

nanay ko

Nay, kamusta na kaya kayo?

Matagal ko na kayong di nakikita. Hindi ko alam kung nasaan na kayo ngayon pero may ideya ako kung saan. Kung pwede ko nga lang sana kayong puntahan kahit saglit, kaso alam ko hindi pa pwede. Hindi pa panahon. Parang naririnig ko ng sinasabi nyo sa akin ngayon na darating din ang time na yun. Alam ko naman yun eh, yun nga lang, may mga panahon na gustong gusto ko na kayong makita. Kahit isang yapos lang ulit para malaman kong nandiyan lang kayo.
Kapag nga nakikita ko ang mga kaibigan nyo, alam ko nami-miss din nila kayo. Ang nag-iisa kong ninang, mabanggit lang ang pangalan nyo tulo na agad ang luha. Ang bestfriend nyo, siya na ang tinuturing kong pangalawang nanay pero hindi niya alam hehehe… baka magkaiyakan lang kasi kami kapag sinabi ko pa sa kanya.
Nay, oo nga pala, marami ng mahahalagang pangyayari sa buhay ko ang naganap na di ko inakala nuon na hindi nyo matutunghayan. Alam ko din na matagal nyo na ring inasam nuon na mangyari ang mga yun kasi napapagkwentuhan pa natin yun dati. Pero yun nga, kailangan nyo kasing umalis. Naiintindihan ko naman, namin. Nung umalis nga kayo, di ba ako pa ang nagbulong sa inyo na kung kinakailangan na talagang umalis kayo, sige lang. kakayanin na lang naming mag-aama kahit mahirap kasi kayo talaga ang nagkakapit sa ating pamilya. Ilang taon na ba since nung umalis kayo? Ayoko sanang bilangin. Ayoko kasing malaman kung gaano katagal ko na kayong di nakikita.
Ayos naman kaming magkakapatid dito. May mga insidente sanang naiwasan namin kung nandito kayo. Pero hindi nyo kasalanan na nangyari ang mga yun, its more on kakulangan namin sa aming sarili, mga sariling pang-unawa. Malamang napagalitan nyo na kami kahit pa wala akong matandaan na instance na nagalit talaga kayo sa amin, kahit pa nung nagloko ako sa pag-aaral.
Nay, sana nababasa nyo ito. Sana may access kayo sa internet kung nasaan man kayo. Kung magagawa nyong dumalaw sa amin, iintayin namin yun. Hindi ko alam kung gaano ko kadalas nasabi sa inyo na mahal ko kayo nung kasama pa namin kayo. Iniisip ko lang nuon na alam nyo na yun. Wala naman kasing dahilan para di ko kayo mahalin. Kung ano pa man, sasabihin ko na rin ngayon. Nay, mahal na mahal namin kayo. Sana talaga nababasa nyo to.
Ingat na lang kayo lagi.

13 comments:

Anonymous said...

mr. writer bakit mo ako pinaiiyak? lalo mo pinakita skin ang pagkukulang ko sa aking nanay..

me cancer ang nanay ko, pero kahit kailan di nya ininda ang sakit nya. Napasakit malaman na nasasaktan ko pala ang nanay ko... at malaman na ang tanging makakapagpasaya sa kanya ang makitang mahal korin sya.. Mahal na mahal ko naman nanay ko eh, kya lang sa maling paraan ko naipapakita sa knya.. napakalaki ng hirap ng nanay ko pra mktapos ako ng pag-aaral, pero kahit kailan di ko nasuklian...

sa ngayon ang tanging dalangin ko ay pahabain pa ang buhay nya ng sa ganun mkabawi ako sa aking pagkukulang..

Anonymous said...

kakaiyak nman un... ;'c *singhot*

iloveyou nanay ko!!! *muah! =)


`ada

Anonymous said...

na mis ko rin tuloy nanay ko, mga 10months ko na syang di nakikita.

VICKS

Anonymous said...

1,051,200 minutes but it seems longer coz i think of her everyday. especially at this time. love you mom.

Anonymous said...

ampepe na blog ito oo dami mong isusulat ganyan pa ungas ka talaga huhuhu T_T uuwi tuloy ako sa katapusan ng wala sa oras para lang makita ang nanay ko T_T

-elat

Anonymous said...

di ko namalayan umagos na pala luha ko... saludo ako sayo mr. writer dakila ang pagmamahl mo!!

Anonymous said...

Everytime my mom was playing some flash game in our pc, i would try to sneak behind her and kiss her in the neck or her ears hahaha its the smallest things like this I miss the most..

hhmmm?.. i think im gonna try this to my big brother, its not the same but hey!.. hahaha

Anonymous said...

Sandali ko lang na meet ang mom mo but she has made a tremendous impact on our life. Sana ma remember ng ka isa-isa nyang apo ang lola nya.

Anonymous said...

hi someone,,.favor..can you give me a kiss and a hug to your brother?!..please...hahaha!!! :D


bombshell

Anonymous said...

sure no problem.. favor or no favor, beside you've already convince me in "hi" hahaha

Anonymous said...

your Mom is a nice & a loving person. All of her in-laws love her and respected her. They do support her & help her financially and emotionally. She's a person that never say something bad against her in-laws, that's why she is being love by them. I do hope you & your siblings is also lucky enough to have a spouse or soul mate to be as good as your MOM...AMEN

Anonymous said...

luv u Mr Writer, dakila kang magmahal sa Nanay mo. Pero kahit saan Nanay mo alam ko she is watching you, your sisters and your
brother. Parang kilala ko Nanay mo. Ikaw ba yoong baby hawak niya.
Cute ikaw. Siguro pogi ka at mabait.di bale Mahal ka ni Lelang Toyang, kahi malayo siya sa iyo.Si Nanay mo luv ko din.

Anonymous said...

shet tulo uhog ko at luha