Madami tayong kwento tungkol sa mga naging pari ng ating St. Michael The Archangel parish. Isa siguro sa mga di natin makakalimutan ay si Fr. Sean Connaughton, isang Columban priest na naging parish priest natin nuon 80’s. Mabait kasi siyang pari at napamahal sa karamihan ng mga taga Jalajala. Sa sobrang lapit nya sa mga tao, napaghinalaan pa siya ng military na isang komunista. Going back a decade later, nung 70’s, si Fr. Rufus Halley naman ang pari natin na isa ding Columban priest. Dayuhan din siya gaya ni Fr. Connaughton pero sanay na sanay syang magtagalog na para bang ito ang tunay niyang lenggwahe.
Meron din namang mga pari na masasabi nating hindi naging maganda ang imahe sa atin. Makabubuti siguro kung wag na lang natin silang pangalanan pero ang isa sa mga natatandan ko nuon ay ang isang naging parish priest natin na galit na galit sa mga kabataang maiingay habang nagsisimba. Tama lang naman yun pero ang di ko nagustuhan sa kanya, pinupuntahan niya at sinasabunutan ang makita niyang maiingay— habang nagmimisa. Tadang-tanda ko yun dahil nangyari na yun sa pinsan kong maingay. Dahil mga bata pa, nakasama ako nun nang gumanti ang pinsan ko, kasama ang mga barkada niya, at binato ang bubong ng kumbento kinagabihan. Oo, naka-record yun sa talaan ni San Pedro at pagbabayaran namin kapag nakarating na kami sa Gate
.
Lingid sa kaalaman ng maraming taga Jalajala, may isa pa tayong naging parish priest na tunay nating maipagmamalaki sa buong mundo. Sa buong mundo. Siya si Msgr. Jose Abriol na naging pari natin mula 1947 hanggang 1951. Taas ang kamay ng nakaabot sa kanya… taas lang po ag kamay… … … wala?
Lingid sa kaalaman ng maraming taga Jalajala, may isa pa tayong naging parish priest na tunay nating maipagmamalaki sa buong mundo. Sa buong mundo. Siya si Msgr. Jose Abriol na naging pari natin mula 1947 hanggang 1951. Taas ang kamay ng nakaabot sa kanya… taas lang po ag kamay… … … wala?
Bakit nga ba natin siya dapat ipagmalaki? Basa.
Ipinanganak si Msgr. Abriol nuong Feb. 4, 1918. Naging pari siya nuong May 14, 1942 at ang Jalajala ang kauna-unahang paroko na kanyang hinawakan. Mula sa atin, naging pari din siya ng Tondo (1951-1962), naging Rector ng Manila Cathedral mula 1963 – 1965, naging Chancellor din ng Archdiocese of Manila (1962-1975) pagkatapos ay naging parish priest sa Quiapo mula 1976 hanggang 1993.
Siguro naman ay nakabasa na tayo ng tagalog na Bibliya. Tama, si Msgr. Abriol ang kauna-unahang nagsalin sa tagalog ng Bibliya mula sa salitang Hebrew at Greek na version nito. Sampung taon niya ito bago natapos, sinimulan nuong 1953 habang nasa Jalajala pa siya at natapos ng 1963. Walo ang master niyang salita- Spanish, Latin, Greek, Hebrew, French, Italian, English, at Filipino. Madami siyang libro at mga novena na isinatagalog, gaya ng the Catechism of the Catholic Church, the Ordinary of the Vatican II Missal, the Sacramentary and the Lectionary. Dahil sa pinakita niyang dedikasyon sa simbahan at angking talino, maraming parangal ang iginawad sa kanya. Nuong Feb. 2003, hinirang siya bilang isa sa 2,000 Outstanding Intellectuals of The 21st Century, isang pandaigdigang parangal na binigay ng England-based International Biographical Centre. Si Msgr. Abriol ang kauna-unahan at nag-iisang Filipino na nabigyan ng ganitong pinakamataas na pagkilala sa katalinuhan.
“Msgr. Abriol is retired from active ministry but we are still blessed by his ministry in the chancery. He is very hardworking and very obedient to authorities. His knowledge of various languages is a gift to the chancery and to the whole Church” sabi nuon ni Jaime L. Cardinal Sin.
Nuong July 6, 2003 inatake ng cardiac arrest ang Monsignor at binawian ng buhay. Siya ay 85 years old.
***
- ang mga photos ng simbahan ay ang simbahan natin nuong 80's.
23 comments:
kamukha pala nya si ernesto maceda..
bayoyoy
bayoyoy, actually, ang naalala kong kamukha niya eh ang side kick ni FPJ na si Dencio Padilla nung matanda na ito hehe
kala ko si berting labra!
ay oo, sorry. si berting labra nga hehee
ganun pala ang dating itsura ng simbahan. di ko na inabot yan. mukhang magco-colapse na hahahaha
simbahan ba natin yon? wow antik, balita ko may pinagagawa na daw doon ngayon na bago doon at malaki na improvement, sino na ba bagong pare ngayon?
teka batiin ko nga pala ate ko
happy birthday !!birthday nya kasi ngayon!!
www.jalajalarizal.com
simabahan natin yun, mid-80s ata
pinapagawa nga ngayon ang kumbento kaya todo fund raising ang simbahan natin ngayon. tinatawagan daw ang mga kababayan nating nsa ibang bansa lalo na ang nasa america at iraq hehe
happy bday carla...
PABATI NREN HA..PASABAY..HEHEHE...HAPPY BDAY CARLA!!! :)) WE LOVE YOU!!! MUAH!-mula sa iyong mga katoto sa BDP esp from ur honey bunch [c james nga pla balik-bahay box apaw n nman tagasan dun!!!] hehe.. :P
-ADA-
for me,si Father Louie A.(Padz) ang pinaka d' best n nging parish priest sa JJ,,..utang ko sa knya kng san man ako nkarating ngaun,,..naaakkksss!!!hehe..Ü
`ada(^_^)
para sken parin si padre conoton, kasama ako sa mga binuo nya dati na kung twagin ay ko ay pyeta group, nag drama kami noon tungkol sa simbahan di ko alam kung natatandaan nyo pa yoN, umiikot kasi kami sa mga barangay, alam nyo napapunta pa nya yung namatay na si nilo broca ba yun?
i love the smell of an old church, especially the one in "pagkalinawan" i hope its still there.. if you stand in one spot theres the mystical feeling, the history of its people like its whispering to you, telling you of its long past days to never forget, in where you stand your grandfather's father's father stand, its a nostalgic feeling actually... that a church is the face of its people..
too bad the high school is in front of the church, its like a yin and yan kinda thing..
jomark,
ksma den ako noon!!! facilitator db cna ruby dasal tska mga kptd nya..may screening p nga db?! hehe..Ü naalala ko nun..best actor ka!! galing lumuha!! hahaha!!! :D
`ada ;p
Calling all JJ,
I received a letter from the parish priest of JJ soliciting donations for the church hall and parish office. I am sure you guys also received it. It is our turn to help JJ. Ika nga it is good to turn your back on your home sweet home. Let us do it not only for our love of JJ but for the future children. Para wala ng date in the boulevard as I learned in this blog. Para meron na silng place for their activity. Ang piso, o one dollar, one rijah , one Euro adds up. I use the blog name Lelang Toyang, because she is known to all folks in JJ. she DELIVERED half of the population IN JJ during 30's, 40's, 50's. Itanong ninyo pa sa LOLO and Lola ninyo. baka sila isa sa mga pinaank nito.She loved this town so much kaya hangang ngayon binabantayan niya ang "Babuyan" o Villa Sofia. Kasi noon buhay pa siya dito siyA nagsisiesta sa manggahan pag tanghali. Yoon ang tawag sa BAbuyan noon 50's and 60's. Kaya mga magnanakaw matakot kayo.
hmmm teka sino ka ba ada? buti po natatandaan mo pa yun..galing ka dyan hahaha child actor kami noon eh :)
naka receive din ako ng solicit galing sa simbahan sana tulong tayo..
ada, pinautang ka ni fr. louie ng pamsahe papunta sa kung saan ka man now? :P
joms, lino brocka, yun batikang direktor? huwaw!
someone, nice weaving of words and thoughts. im beginning to like you hehe
lelang toyang, ang "lelang toyang" siguro yun sinasabing matandang babae na nakikita daw sa babuyan. pero tama po kayo, kahit mga small donations na manggagaling sa mga taga JJ will add up. alam ko marami na sa bayan ang nakapag donate pa kaya yun mga nasa ibang bansa jan, padala na kayo hehe
oo pre yun yon hahah lino pala hahah batang bata pa kasi ako non tatay ko kasi hinde kami pinag gagala pero pag mga ganon pinapasali,
oo si padre conoton ang nagdala sa kanya sa jj, napagkamalan pa nga syang rebeldeng pare, so much of that kudos sa kanya kung asan man sya ngayon,
sayang, sana may na-discover si direk Lino hehe
may nakuha akong new picture ni Fr. Connaughton, post ko kapag may naresearch ako about him. kokonti pa lang nakukuha kong info.
jomark, u know me..ask ur ate carla..hehe...Ü
na-principal office kya kme nun elementary dhil s pgshoshow n un..ksma ka ata nun kay Mrs. Abiog,hehe,,...Ü anti-government dw kxe..ewan!
JJ,ndi nman literal n meaning un..laliman mo ng konti..bwahahaha!!!! scholar nya q nun college..di lng pamasahe bngy nya sken..pang tuition at allowance den..hehe..:P kya eto ako ngaun...successful career woman!hahah!! :))
`ada
ay oo natatandaan ko, pinatawag tayo ng principal dahil sa mga pag drama sa mga bario, pero sa totoo lang naman double meaning ang mga shows natin about catholic tsaka siguro nga anti government, dipende nalang sa pag intindi ng nanood ganon kasi si padre conoton,lupit nga non eh,,
mr. jj sige intay ko ang article mo about him kinilabutan ako bigla ng nabuksan ang topic tungkol sa kanya keep it up! :)
ada, akala ko pamasahe hehe
joms, it's always up-- ay ano ba yun. ano nga tinutukoy mo? hahaha kapag madami na ko info, il post it. unti unti pa lang nakukuha ko. call me Paolo nga pala.
ok intay ko, sa lunes bibisita ako dito, pahinga weekends muna, kita kits ulit sa inyo!
p.s. nga pala sir pao a.k.a (jj) dalaw ka naman forum natin kwento ka doon madami din member doon
www.jalajalarizal.com
errrr--- baka di ko pa mai-post sa lunes.
di ako makapunta sa JJ forum kasi di ba bawal gumamit ng ibang name? di pa kasi ako handa magpakilala eh nakakahiya naman sa mga members dun na nakalagay pangalan hehehe bumibisita naman ako dun kapag naka open ang site.
writer - of course your gonna like me, coz you have no choice in hell hahaha uummh wrong choice of word hehe
Post a Comment