Uso na naman ang gagamba sa Jalajala.
Kapag ganitong tag-ulan, nauuso na naman ang panunulo ng gagamba at ang kapatid nitong paglalaban ng nahuling gagamba. Masayang manuod ng laban nito at paniguradong mas masaya para sa may-ari ng gagambang nanalo sa laban, lalo na kung malaki ang pustahan. Pero bago kayo kumuha ng bahay ng posporo at kuhanin ang gagambang nakikita nyo sa may kusina nyo eh magbasa muna kayo. Hindi kasi pwede ang gagambang-bahay. Duwag ito at siguradong gagawin lang dinner ng mga spider warriors ng makakatunggali nyo.
Ang gagamba ay hindi insekto. Walo kasi ang paa ng gagamba samantalang ang mga insekto ay anim. Mga insekto ang pagkain nila. Batay sa natutunan natin kay Mrs. Andallo sa Science nuong elementary, ang mga gagamba ay kasapi ng Arachnida ng animal kingdom, classified in the order Araneae. May mga gagambang may lason ang kagat subalit ang mga species na matatagpuan sa Jalajala ay walang lason para sa isang tao. Ang katropa mo ang lalason sa yo kapag naupuan mo ang mga nahuli niyang gagamba.
Ang tamang oras para makahuli ng mga panlabang gagamba ay sa gabi kung kailan lumalabas din ang mga gagamba para manghuli ng pagkain nila na insekto, na sa gabi din karamihan naglalabasan. Ang mga bading ay sa gabi din lumalabas ngunit wala silang kaugnayan sa gagamba, nabanggit ko lang. Natural gabi, kailangan mo ng sulo (kaya sinasabing manunulo) o sa mga panahon ngayon, ay flashlight na ang gamit. Kailangan mo din ng paglalagyan ng gagambang mahuhuli. Ang bahay ng gagamba mo ay base kung gaano ka kaarte o katyaga. Yung iba kasi, kuntento na sa lalagyan ng posporo na nilagyan ng sections sa loob para di magkakasama ang mga gagamba. Para bang mga cubicles sa isang opisina. Ang iba naman, gumagawa talaga ng mga elaborate na lalagyan, yung mahahaba na parang isang limousine. Sigurado, malalakas ang mga gagambang nasa limousine dahil marunong sa gagamba ang mga taong may tyagang gumawa ng mga ganitong klase ng lalagyan.
Saan manunulo ng gagamba? Syempre, sa madaming halaman at masukal na lugar na karaniwan ay nasa may paanan ng bundok. Bulbol lang kasi ang masukal sa bayan. Depende sa tao kung anong klase ng gagamba ang sa tingin nila ay magaling sa laban. Karaniwan ay hinahanap nila yung mahahaba ang mga paa na mahaba din ang reach sa labanan. Maliban na lang sa gagambang tinatawag na kapleng, na bagama’t tunay na mahaba ang mga paa, di naman ito ginagamit na panlaban. Yung iba naman ay tinitingnan ang kulay ng gagamba, ang pattern sa likod nito at ang iba naman ay gusto yung mabalbon. Mahilig din ako sa balbon, rawrrrrrr… Sinasabing magaling sa laban ang mga gagambang matibay ang bagting o sapot. Ito ang sinususog ng mga eksperto sa panunulo.
Kagaya ng ibang tunggalian, depende sa tao ang mga rules ng laban ng gagamba. Ang pinaka-basic rule ay panalo ang gagambang makakabilot sa kalaban nito gamit ang sapot mula sa puwitan nila. Sa isang stick ng kahoy (karaniwan ay tingting) ang fighting arena. Mayroon din namang gumagawa ng mga paglalabanan ng gagamba gaya ng mapapanood sa video. Sinasabing “napatisan” ang isang gagamba kapag nakagat ito sa paa ng kalaban at lumabas ang likidong galing sa katawan na kulay patis. Hindi laging mabibilot ang isang gagamba dahil may mga gagambang “pipitikin” lang ang nakaharang sa dadaanan nila sa stick. Isa ito sa dahilan kaya dapat ay mahaba ang paa ng gagamba mo. Mayroon namang kapag nagpambuno na ang dalawang gagamba, kakapit sila sa isang strand ng bagting/sapot. Ang gagawin ng isang gagamba, puputulin niya ang kinakapitang bagting/sapot ng kalaban niya para mahulog ito. Karaniwan, ang mahulog o mapitik ng dalawang beses ay talo sa laban. May mga naglalaban na for fun lamang subalit para hindi masayang ang effort sa panunulo, di maiiwasan ang magpustahan sa laban. Ang iba naman, imbis na magsugal, binebenta na lamang nila ang mga nahuhuling gagamba sa ibang lugar gaya ng Pasig City kung saan umaabot sa 50pesos each ang gagambang maibebenta.
Kailangang maingat ka sa paghawak sa gagamba mo. Baka kasi mabalian o maputulan ito ng paa. Makikita nating hinihipan ng may-ari ang gagamba niya kung gusto niya itong tumigil sa pagkilos. Di ko alam kung bakit. Siguro ay nababahuan sa hininga kaya di na makakilos o kaya naman ay instinct ng gagamba na huwag gumalaw kapag lumalakas ang hangin. Kapag nais namang palabasin sa bahay, maingat na pinipitik ng may-ari ang ilalim ng lalagyan ng gagamba. Mayron din namang gumagawa ng parang kutsara para maingat na mailabas ang panlaban. May mga mapamahiin na manlalaro na ayaw nilang ipakain sa kanilang nanalong gagamba ang nabilot na kalaban. Malas daw yun. Ang pinapakain na lamang nila ay mga langaw.
O, handa ka ng manulo? Hala, lakad ka na mamayang gabi. Mag-ingat lang at baka mamatanda ka o makakita ng white lady. Kapag nakakita ka ng di kanais-nais, tumakbo ka lang habang sumisigaw ng “sayonachiiiii…”
---sayonachinelas ko…
21 comments:
cool i get first comment!!..
@1st rule of fight club
you do not talk about fight club..
@2nd rule
if somebody ask you, you do not talk about fight club..
@3rd rule
if this is your fight night, you have to fight..
well actually theres 8 rule, but who give a crap!!..
nuong araw na mayaman palang ang may flash light sa jalajala, eh ang ginagamit namin ay sulo, yun bang parang gasera, bale bote siya ng gamot sa ubo, na bubutasan yun takip tapos eh lalagyan ng basahan at ikakabit sa lata ng pahiga at may hawakan din,malakas din ang ilaw, kaarawan kami nanunulo e sa manggahan , yun daan sa highway papuntang bundok, dadaan kami kung saan saan lalabas kami sa sitio na sa may bandang dalig.exciting manghuli ng gagamba , bukod sa makukulit at masayang mga kasama lalo na pagnakatepok ka, wag lang kurutong......
vicks vaporub
someone, papano yan, i wrote about fight club? gagawin ba akong sabon? nyaaahhhhh!!!
vicks, ang kurutong ay yung gagambang maraming parang sungay sa likod no? errr--- tama ba?
thanks for passing by my page. :D
hindi ako nakapaglaro ng gagamba sa dahilang babae ako at maawain ako sa mga hayop, maliban na lang sa ipis na lumilipad. :D
tere, di mo ko nakilala? hehe
hidi naman cruelty sa gagamba yun e, bagkus binibigyan pa nga ng pagkakataon na kumain yung mga gagamba ng kapwa nila gagamba :P
Nung bago pa lang ako nangangangamba nakagat ako ng gagamba ko minsan habang inihahanda ko sa laban sa sobrang sakit napisa ko yung gagamba ko. wala lang, na-share ko lang hehe namimis na namin maggagamba dito sa iraq (M16JJ)
m16jj, may gagamba ba jan? scorpions ata ang makikita jan sa iraq hehe ingat kayo jan.
haii naku kya nga ba yun bahay ng posporo nawawala, naiiwan n lng yun mga palito GRRR!
c bokni ba un nsa video?! khpon q lng napanuod eh..block kxe utube sa ofc..hehe ;)
`ada
anonymous, wag na kasi posporo, lighter na lang. at least di nila kukuhanin ang kaha ng lighter hehe
ada, hindi si bokni yun.
i give credit to the spider-hunters.. when they go out on nights to catch some gladiator spider, they have like the instinct of a cobra, the stamina of a cheeta on the run, the hunting ability of a lion on his prey, the eyes of an eagle.. hahaha
they also have the flashlight of their fathers and the lalagyan ng posporo of their mothers hehe
protektor na pala si santos ngayon.. magkano ba ang kubrahan jan?
bente bente lang ata hehe
oi pare nice san ba nakakabili nyan?
sa cartimar pet center dito sa makati meron kaya?
I'll wait for ur comment ^_^
mozers, hinuhuli lang ito dito sa bundok at halamanan hehe di ko alam san nakakabili nito sa manila.
yes I know kso d2 sa namin sa makati puro bahay lang nakikita ko unlike dun sa pinanggalingan ko sa cavite may mga talahiban pa kahit papano kaya nakakahuli din. nagpaplano nga ako pag nakahuli ako ibe-breed ko para d nako manghuhuli.
iba ata kapag na-breed na, kumbaga domesticated na hehe mas matapang kapag born in the wild... pero ewan ko lang haha
magiging matapang un pag di mo pinalaki sa posporo box, kahit sa isang maliit na aquarium pede na tpos lagyan mo lang ng konting lupa bato at maraming twigs . pero wag madalas pakainin ng pakwan kundi langgam at ibang insecto para matuto sila mag hunting. tpos un, instant pang derbihan. ^_^
Gano katagal umaabot ang buhay ng gagamba at ano ang supplements para sa mga panlabang gagamba? Pano malalalaman ang lalaki o babae? alin ang mas matapang?
1 taon lang life span ng gagamba. d2 sa batangas BOTOGS tawag. sinu me gusto bumili txt lang 09124758710.. dpende sa size ang price..
Post a Comment