Kung may magtatanong sa ‘yo kung saan ang boulevard sa Jalajala nung 80’s, na kung di mo ito maituturo ay lalapirutin at kukuhanin ang iyong puri, masasagot mo ba ang tanong? Malamang ay hindi. Kung si Dennis Trillo ang magtatanong, nanaisin mo bang masagot ang tanong? Malamang ay hindi rin.
Anyway, oo, may tinatawag na boulevard nuon sa bayan, ayon sa isang tutubing nagbulong sa akin. Nawala lamang ito nuong late 80’s kasabay ng paglipas ng Bagets at ng acid-washed jeans. Nuong mga panahong iyon, ayon sa tutubi, ang stretch na ito ng tinatawag na boulevard ang pinakabagong daan sa bayan, na yari sa aspalto. Bagama’t bagong gawa iyon, wala halos dumadaan duong sasakyan dahil hindi naman talaga iyon daanan. Ito marahil ang dahilan kaya maraming kabataan, yun bang nasa stage na nagliligawan, ang laging nagpupunta ng boulevard lalo na kapag hapon. Mahangin kasi dun, hangin na nanggagaling sa bukid at may mga malalaking puno ng mangga sa dulo ng boulevard. Walang masyadong tao at bahayan pa nun sa lugar na yun kaya walang matatandang makakakita at makikialam (read: ichi-chismis) habang ninanamnam nila ang pagkakilig nila sa isa’t isa. Paborito ding puntahan iyon ng mga taga Maynilang nagbabakasyon sa Jalajala, yung mga tipong sabik sa bukid at view ng bundok. At dahil mga taga Maynila, syempre, may mga taga Jalajala na nagpapa-cute sa mga iyon kaya mapapadaan din sa boulevard para maka-jerk. Isipin na lamang natin kung ilang pag-iibigan ang nabuo at nasira sa boulevard.
E saan nga ang boulevard? Ito ay ang stretch ng daan sa National Highway ngayon na mula sa may unahan ng barangay hall ng Second District hanggang sa kanto ng M. dela Vega St. Nuon kasi ay wala pa ang highway, kung gusto mong magpunta ng baryo ay sa Dalig ka dadaan. Papasok ka pa ng bayan dahil ang highway nuon ay bukiran pa. Nuong dumating ang mga hapon (Japan International Cooperation Agency o ang JICA) nung late 80’s - early 90’s, inayos nila ang highway natin hanggang sa Brgy. Bagumbong. Sinemento na ang aspaltong boulevard at diniretso ang daan sa bukid para kumunekta sa dulo ng Dalig. Bagama’t malaking tulong ang JICA dahil naayos ang daan at nagkaroon ng irigasyon ang mga magsasaka, nawala naman ang boulevard na para sa isang umiibig na kabataan, mas mahalaga pa iyon sa kahit na anong pag-unlad. Ano nga namang maitutulong ng isang highway sa pusong umiiyak at naghahanap ng kalinga? Naks, hehehe…
Nai-imagine ko na ang isang binata na na nakatayo sa boulevard habang hinuhukay iyon, kumakanta ng “Never knew that it would go so far / When you left me on that boulevard / Come again you would release my pain / And we could be lovers again” habang nakatingin sa kawalan, may guhit ang nuo’t mapait ang ngiti.
14 comments:
akala ko ang cnsabing boulevard ay ang tabing dagat.. yun pala yun...!?
theme song ng tito bayani (+) & tita mameng ko yun kanta, dun cguro sila dati ng-date s BOULEVARD hahaha
sharlyn, yun nga din ang alam ko pero meron pa daw nung 80's na mas nauna.
aladybug, malamang nga hehe bellin ka ba?
d kon amaalala kung annong itsur a nun dati . pero parang naalalako nga yun malaking puno na patay na dun sa dulo. naalala ko lang eh nabarog kami sa bike dun dati nun wala pa highway.
ANGKLA
yun na nga yun. basta isipin mo, wala pa yung tulay papuntang hiway. liliko na agad yun ng 3rd district. ndun yung malalaking puno ng mangga.
dati meron puno ng mangga doon,ngayon wala na, malapit kasi sa amin yan, hinde pa delikado noon wala pang highway, doon din nag papalipad ng sarangola dati,
ngayon tambayan parin pero highway na tawag sa kanya.
sir. jalajalarizal.blogspot, may favor sana ako, lalagyan ko sana to ng redirect link sa forum ng jalajala papunta dito para makatulong na din, kung ok lang sayo? then lagyan mo din to ng link papunta sa forum kung ok lang? maganda kasi idea para mas malakas tayo mga taga jalajala
thanks in advance!
JalajalaRizal.com
ok pre, pag-aaralan ko pa kung papano. bano pa ako sa computer kasi hehe
sige ikaw bahala, lagyan ko nalang link yung forum para puntahan din to ng mga bibisita doon,
salamat!
ayan na po.
jan kami nag bibisekleta dati ng mga pinsan ko para mag magaling sa mga chix ^^
kaya nga di ako nagagawi dun. mahirap kasi, ako na lang lagi nakikita ng mga chix. give chance to others hehehe
thanks god for progress.. that street was a waste of good parking space if you ask me, which you did'nt.. ooohh~ girls look at my bike ooohh~ how boyish can you get ahaha
someone you dont like - dont mock us hahaha boyish talaga because that was during the elementary and early high school days :P
pedeng mkisali? notice lang magkakakilala kayo diba? wala lang kahapon ko lang kasi nakita to masaya, kala ko bundok lang ng tralala ang kilala sa JJ, taga jalajala din ako. nag try lang akong maghanap sa google ng jalajalaj rizal eto nga nakita ko...
mauhay tayong mga taga jalajala...
Post a Comment