“High school life, oh my high school life
every memory kay ganda.
High school days, oh my high school days
how exciting kay saya…”
every memory kay ganda.
High school days, oh my high school days
how exciting kay saya…”
Pwede kong isiping taga Jalajala si Rey Valera dahil sa sinulat niyang kantang yun na para bang ang buhay sa St. Michael Parochial School (SMPS) ang kanyang tinutukoy… Okay, okay--- exagg ang sinabi kong yun dahil akma naman talaga ang kantang yun sa halos kahit saang high school sa mundo pero sa pagkakakanta, obvious na sa St. Michael nag-aral si Ate Shawee… errr---
Ang History - Nang mag Grand Alumni Homecoming ang SMPS nuon, kitang-kita ko talaga ang mga nagdaang henerasyon na nahubog ang kaalaman at pagkatao sa mga silid-aralan ng alma mater natin. Nandun ang anak, ang magulang at ang ilang mga lolo’t lola. Hindi ko alam ang history ng SMPS, kung kelan ito itinayo at sinong nagpatayo dahil gaya ng karamihan ng mga mag-aaral ng SMPS, di na namin inalam ang nakaraan, mas naka-focus ang atensyon namin sa ngayon at sa hinaharap habang binubuo namin ang isang makadiyos, makabayan at maunlad na kinabukasan para sa amin at sa aming magiging pamilya (yesssss, ayos ba ang alibi? hehehe walang kokontra except yung nakakaalam talaga ng history)
Ang School - Isang building lang ang SMPS na matataas ang kisame. Wala pang uniform dati. Ang mga lalaki ay naka t-shirt at jeans lang samantalang ang mga babae ay naka-shirt din at ang blue palda nila nung elementary. Di pa uso ang sapatos nun, tsinelas ni Mang Kulas lang. Ngayon, sosyal na. Black pants at white polo na sa mga lalaki. White blouse with necktie naman sa mga babae. Dapat naka sapatos na rin, o ha. May canteen ang SMPS pero hindi masarap ang pagkain dito. Kailangan pang bumili ng mga istudyante sa labas kung gusto nila ng masarap kapag recess pero sarado syempre ang gate para wag makalabas ang mga nagka-cutting classes. Kailangan pang mag over-da-bakod ng pagkain mo na galing sa mga naglalako sa labas, gaya ng rolling store ng Anah. Walang nakakaalam kung saan ang library ng SMPS dahil wala pang napupunta dun errrrr… Multi-purpose din ang comfort room ng school. Maliban sa normal na gamit nito, ang CR din ang ginagamit na yosihan at tsungkian pero balita ko lang naman yun at hindi based sa actual experience. Pramis ulit.
St. Joseph, St. Paul, St. Peter— yan ang mga class sections sa SMPS, lahat pangalan ng mga santo being a catholic school. Ginawa sigurong ganun ng mga school adminstrators para makuha ng mga istudyante ang kabutihan at kagandahang asal ng mga santo. Ang pagkakamali lang nila, kapag nagagalit sila sa mga sections ay hindi nila pwedeng murahin dahil parang iyong santo na ang minumura nila (put@*&!!!na mga St. Joseph yan, ang iingay sa klase!).
Ang Mga Teachers - Sino ba ang makakalimot kay Mrs. Medina (r.i.p.)? Siya ang pinaka-head / principal ng SMPS nuong time namin. Mabait siyang tao ngunit matapang din, hindi siya magpapatalo sa kagustuhang niyang maituwid ang mga istudyanteng naliligaw ng landas. Kung ayaw namang magpatuwid ng landas ang mga naliligaw na ito, hindi nangingiming maglilis ng blouse sleeves si Mrs. Medina at maghamon ng away. Kung sa terror teacher din lang naman ay wala ng mas iniiwasan kesa kay Mrs. Esquillo, teacher ng math, na makapal ang salamin. Kabaligtaran naman nuong mga panahong iyon si Miss Cetro, history teacher na isang Rita Avila look-alike, rawrrrrr… sinusundan talaga siya ng tingin at imahinasyon kahit san siya magpunta. Iba din naman ang mga nuns/sisters ng SMPS lalo na si Sister Thelma na kapag nalamang vacant ang klase nyo eh pupuntahan na kayo para magpa-surprise essay writing. At dahil biglaan, wala kaming mga papel lagi nun. Ang solusyon? May dala ng papel si Sister at bibili na lang kami sa kanya. Tinuturuan nya lang kaming maging mautak…
Most Behaved Students - Subalit magugulo nga ba ang mga taga SMPS? Sa tingin ko ay hindi. Bakit kamo? Gawa ng mga MBS ng SMPS, Most Behaved Students. Madami sila pero babanggit lang ako ng ilan. Legendry dati ang kwento ni Gerry F. (3rd District) na pumapasok sa school ng nakapaa. Tinanong siya ni Mrs. Medina kung bakit nakapaa, kasi daw ay magsusuga pa siya ng kalabaw. Pinauwi siya ng bahay. Halos kasabayan ko nun si Salem L. na “Golem” ang tawag namin (gitnang bayan). Malaking tao si Salem, may kaitiman at kulot ang buhok. Sisiga-siga sya nuon pero para sa nakakakilala talaga sa kanya, alam nilang soft and cuddly siya inside hehe… Normal na sa mga taga SMPS ang mabalitaang nagsilab siya ng trash can sa loob ng room. At dahil nagdadala ng kasiyahan si Salem, umulit siya ng isang taon. Bumagsak, na kulto-finish. Hind rin papahuli ang mga tagabaryo gaya ni James D.S. (Punta) na mahilig umihi sa flower vase ng mga teachers na nakapatong sa desk nila sa harap. May mga blackboard sa mga classrooms, yung pa-oblong na may space o patungan sa ibabaw at hindi rin ito pinalampas ng mga MBH. Ayon sa urban legend, isang araw habang papasok ng classroom ang teacher, nakita nyang nakaupo sa ibabaw ng blackboard si Patrick V (gitnang bayan). Bakit? Wala lang, trip lang niya. Isang beses din na napagalitan ni Mrs. Medina si Patrick, hinamon daw niya ng away si Mrs. Medina. May tatalo pa ba dun? Meron pa, ang mga kumbento boys gaya nila Edison V. (Dalig), Raul D. (gitnang bayan) at mga kasamahan nito na laging iniinom ang alak na ginagamit ng pari sa pagmimisa. Ostya ang pulutan nila. Pero sa totoo lang, hindi kumpleto ang SMPS kung wala ang mga MBH. Isa sila sa mga nagpasaya ng ating high school life. At kahit pa ganun sila nuon, madami rin sa kanila ang guminhawa ang buhay dahil sa kanilang kakayahan.
CAT/COCC - May Citizen’s Army Training o CAT kami nuong 4th year. Si Mr. Ramilo ang humahawak sa amin nuon na pinalitan ni Mr. Casamplong, Mr. Masilang at si Mr. Eldie Gonzales na ata ngayon. Ang nahirang na Corp Commander ang may hawak sa buong CAT tuwing training ng Sabado. Ang Major S1 ang may hawak ng mga 4th year Privates, isa na ako dun. Ang Major S3 naman ang may hawak sa mga 3rd year na kumukuha ng COCC o Cadet Officers’ Candidate Course na nagaganap tuwing Biyernes ng hapon subalit kasama din sila sa Saturday training. Kailangan mong maging matalas ang pag-isip kapag CO ka, mas tuso pa sa matutusong matsing na mga officers. Halimbawa, papano mo daw susukatin ang flag pole gamit ang isang toothpick? Ang corny-ng solusyon na hindi naman nakakatawa: sukatin mo daw ang anino ng flagpole (nyeeee…) Kapag nautusan ka namang magdala ng manok para sa officer sa susunod na training, tanga ka kapag nagdala ka ng tunay na manok. Pwede naman kasing itlog lang ng manok ang dalin dahil sa reasoning ng mga officers eh manok na iyon. Malas mo kapag nagdala ka ng drawing ng manok o Knorr Chicken cubes dahil ipapakain lang iyon sa iyo. Iba naman ang trip ni Marvin G. (Dalig) nung officer sya. Magpu-pull out siya ng isang CO at pipilitin nitong sagutin siya para maging syota niya. Kung di papayag ang CO, magda-duck-walk ang CO sa quadrangle. Lahat ng na pull-out, nag-duck walk.
May tatlong school happenings ang tunay na inaabangan ng mga taga SMPS.
JS Prom - Isa na ang JS (Junior-Senior) Prom. Dito kasi magkakasama ang mga juniors at seniors sa isang sayawan na nagaganap sa school grounds. At para sa mga tinedyer, wala ng tatalo pa sa makasayaw mo ang crush mo. Totoo, madaming magagandang tagabayan pero d rin naman magpapatalo ang mga tagabaryo sa pagandahan. Ang mga naaalala ko talaga ay sila Christina Miranda (Palay-palay) na mapula ang lips, kulot-kulot ang buhok at hindi papahuli sa pagandahan. Andiyan din sila Natividad, Lorena at Lilibeth Estrella ng Bayugo at naaalala ko pa, crush na crush ng pinsan ko si Arnie Reno (Punta). Pero hindi uso sa SMPS yung pupunta kang dapat eh may date sa Prom gaya sa Tate. Pwede kang magpuntang mag-isa, pero nakakahiya naman ata yun kaya karaniwan ay sabay-sabay ang barkada. Sa gabing ito tunay mong magagawang magpa-cute sa crush mo. Pormahan na talaga.
Foundation Week - Habang papalapit na ang September 29, Foundation Week ang inaabangan. Ito ata ang biggest event of the year. Madaming nagaganap kapag Foundation Week, kasama na dito ang mga indoor at outdoor sports fest. Bagama’t masaya ang sports fest, ang mga booths ang crowd favorite. Isa na dito ang request booth kung saan sa halagang piso, pwede kang mag request sa mobile ng kantang gusto mong patugtugin. Hindi lang kanta dahil may kasama pa itong dedication mula sa nag-request para sa pinag-dedicate-an. Syempre, ima-mike ang dedication sa buong school. Favorite nuon ang Groovy Kind Of Love. Meron ding blind date booth kung saan kakausapin mo ang namamahala ng booth para hanapin ang crush mo at mag-“blind date” kayo sa isang room. Hindi ka pwedeng tumanggi kapag hinila ka na ng organizers. Karaniwan ay mga barkada mo ang magse-set up ng blind date para sa alam nilang crush mo. Kung hindi lang date ang gusto, meron ding marriage booth na ganun din ang set-up gaya ng blind date pero this time, may tumatayong “priest” na magkakasal sa dalawang biktima. Tatanungin din sila ng “pari” ng mga tanong para mapaamin kung may mga natatagong pagtitingan man ang dalawa. Hindi masaya ang isang kaganapan kung walang sayawan. May sayawan din syempre sa foundation, acquaintance party. Lahat ng kaganapan o kasiyahan, SOP na ang magkaroon ng sayawan.
Graduation - Ang pangatlong event ng taon na hinihintay ay ang graduation ng mga 4th year. Nuong wala pang stage, sa loob ng simbahan ginagawa ang graduation. Oo, bittersweet ang graduation dahil sa wakas ay tapos ka na ng high school pero nakakalungkot pa rin dahil matatapos na ang sinasabi ng ilan na pinakamasayang parte ng buhay ng isang tao, ang kanyang high school life.
Magtataka ang magbabasa nito kung bakit tungkol sa school ang topic pero wala akong binanggit about the school’s academics. Ito’y sa aking palagay na kung taga Jalajala ka, alam mong di rin papahuli ang SMPS pagdating sa academics dahil maraming alumni ng SMPS ang maganda ang buhay ngayon at maayos ang career. Kaya habang kinakanta ni Ate Shawee ang hit song niya, kakantahin ko muna ang alma mater song ng SMPS…
“SMPS beloved alma mater, our hope to see the light and thru and thru…”
Errr--- ganun ata yun. Nakalimutan ko na hehe…
58 comments:
from aldrin belleza
ganyan na pala ang color ng SMPS. tagal na akong hinde nakakauwe. pero prang kinulayan lang, wala pa ding ibang building.
"oh my dearest, SMPS!" i'll always be forever proud of you!:)
-=:ada:=-
bale kinulayan lang hehehehe
oi inde ba pedeng mag comment sa featured girl of the week? heheehe ^^
jbhad, yung chismisan section na lang gamitin mo sa comment sa featured person of the week...
Noon araw 50's 60's, mid 70's, walang high school sa Jala jala
They have to go to Tanay. or go to Rizal high School in Pasig. Kaya masuwerte na kayo dahil itinayo ang St. Michael;s High School. It makes it possible for JJ kids to go to high school without leaving JJ. IT also gives opportunity for the jj folks who could not afford to send their children to other town. Kaya pasalamat tayo sa mga madre, ng SMPS. Sana yoon maka afford magestablish ng scholarship sa JJ para sa high school. lalo na sa mahihirap sa baryo.. this will give them opportunity to get out of poiverty line. As you post in your column, marami sa JJ did well. so this is a challenge who is reading this blog. o hane di ba it is a good cause. talking about education.
how,may halfcourt na ,sayang dati kasi tumatalon pa sa bakod para makalaro sa court buti naisipan nilang maglalagay,
nakakapanibago ang kulay halos 30 yrs na yata puti ang kulay nyan,
dati may prep pa dyan sa smps dyan nap prep ang ate ko unang unang bukas ng smps yata?
naalala ko yun kubo sa tabi ng narra kung saan dun ang ana nakapwesto. tambayan yun namin kubo nayun dati.lots of memories there,
DATI SI MARLON M. NAGBIBIKE SA QUADRANGLE NG SMPS SAORAS NG KLASE, NAKITA NI SIS. FELMA PANAGALITAN ,SABI PUMASOK DAW SA LOOB,MAYAMAYA NAKITA SA LOOB NAGBIBIKE, MOST BEHAVE,
a catholic school with the most un-catholic student you'll ever find.. every guy wants to show off their ego thinking they are soo cool.. whats the term for this again?? ah yes "kulan sa pansin" ahaha
oh by the way, if there is a hell thy name should be SMPS.. and their minion shall spread in every corner of this country like locust in the field ahaha
salamat sa info. so, mga mid-70s pala ginawa ang SMPS? may highschool na rin sa brgy. bayugo at sa nearby brgy. Malaya in Pililla pero nabalitaan ko na may plans ang present mayor na magtayo ng highschool sa mismong bayan. it will be constructed inside the elementary school. i'm not realy sure about this, yun lang ang narinig ko. abangan natin. if that happens, im sure magkakaron ng scholarship dun kasi meron na naman scholarship grants ang present and past administrations ng bayan natin.
yep, may half-court na pero im sure madami pa ring students ang nag-o-over-da-bakod hehehe
hindi na siya kubo sa tabi ng Narra, sementado na. umuunlad :P kwento naman ng mga emories na yun...
hahahaha tama naman, di ba> ayaw nilang makitang nagba-bike sa labas, e di sa loob. utak lang yan :P
someone you dont like - hahaha well, tama ka din in a way pero i'm sure depende yan perception na yan sa taong tumitingin. i know some people who really enjoyed their stay in SMPS and would gladly go thru with that experience again, if given the chance.
kung pwede nga lang ibalik ang panahon.. my high school life ang babalikan ko.. ahihihihhi...
andyan yun mag sit in ako sa klase ni sir eldie... eh kc nman crush na crush ko... hahahhahaah... mkipag-away ako sa mga babae at lalake.. grabe noh? and di ko makalimutan ang kantang "ENDLESS LOVE" sinayaw kc ako ng crush.. hehehehehehe..
Hay!!! may alma matter salamat syo...
sharlyn, parang kinikilig-kilig ka pa habang nagkukwento ah hehehe
oo kinikilig nga ako.. hahahahahhahaha... nkakawala nman ng mga alalahanin ang kwento mo..
haayyy naku pina alala n namn ang HS life, may malungkot akong karansan jan sa SMPS, nung 3rd year HS ako was a COCC then, si J Viclar ang humahawak sa amin nun cia kasi ang Major S3 noon, mababait sakin lahat ng Officers kasi dumaan lahat cla sa Nanay ko nung elementary at tropa ko pa, pero mas may nagbigay ng pansin sakin inde ko cia kilala ngunit bakit?.... hinde b cia dumaan sa nanay ko nung elementary? ahh oo inde nga kasi taga bario cia taga Palaypalay and her name is Christina Miranda she is a platoon leader ayon sa natatandaan ko, naging paboritong officer ko cia at naging paboritong COCC nia din ako hanggang sa dumating ang araw na mahal ko n pala cia at alam kong mahal din nia ako, nakasali p nga kami sa stage play tapos ang ganap p namin ay mag asawa ang swit diba?
pero dumating ang time na ikinatatakot ko dahil pilit kaming pinag hiwalay ng tadhana sa kadahilanan na mag pinsan pala kami, aruy ko po masakit T_T
kung nasaan k man naandoon and2 k pa din sa puso ko kahit katiting na lang,, haaayyy buhay nga namn ng tao =(
-Elat Gellido
tinatawagan ko kung sino man yung sumayaw kay sharlyn ng ENDLESS LOVE nun sa SMPS, magpakilala ka na. kung sino man din ang nakakita kay sharlyn nun habang sumasayaw sa kantang yun, sabihin nyo na kung sino kasayaw nya hhehehe
elat, ayos tol, ang sweeeeeeeeeeeeet! kaso nasira ata nung sinabing "katiting" na lang hahahaha
ay sus bakit kpa nanawagan? eh andyan na nga ang name ng crush ko.. hahahhahahaah
crush ko nung araw si roberto salisi hehehhe :P
-ada-
sharlyn, ah siya pa rin ba yun tinutukoy mo? hahhaha matindi talaga ang tama...
ada, parang kilala ko ata yang sinasabi mo. taga mapacla ba?
i remember the time when those high school jerks would go over and steal ballpens from elementary kids bags left in the tree while they were working on their school yard.. bloody hell i say..
ugh!! how mushy can one person be??..
yep..tga mapacla xa bro xa ni marilyn salisi! :))
-ada-
yan puro nalang kayo. hindi ba nyo natatandaan ang tatlong dalaginding na sumayaw ng PEARLY SHELLS OI baka di nyo alam na nagkaroon ng napakalakas na sigawan nasinabayan ng kalampag ng table ng canteen for short sila mga mga darling of the crowd non at ngayon eh bumigay na silang tatlo.
someone, di ko ata alam yun...
ada, e bakit wala nangyari sa inyo?
anonymous, di ko rin ata alam yan. kwento naman.
uu nga wento namn inde ko din alam heheehe ^^
wala!!!!...cmpre noh..bata p q nun...2nd yr p lng ako nun...bubot na bubot!!! hahaha!!! :D
tska may jowa xa nun...,,,un tga punta na malaki ung milkshake!!! hahaha!!! ;P
-ada[batgirl sa batcave]-
uuuyyyy!!! naging valedictorian ako jan sa St. Michael taong 1999???? angas!!! waahhahahah!!!! :-D
PLASTIPAKc",)
eh ang alam kung sumayaw ng pearly shells ay sina secret hehehe pro tutoo yung mga kwentong yon, kaklase ko silang tatlo, ang huli ko lang natatandaan eh 2nd yr kame non, oo dalaginding pa yung tatlo ayon talagang paglabas ng 3 magaganda eh walang patid ang sigawan at kalabugan ng table ng canteen.. nasan na kaya sila ngayon, ang alam ko isa c pako sa mga dancer na ngayon ay tagumpay na ata sa kakakain ng feeds este nagbebenta pla, hindi ko lng nakita yung dalawa pang dancers... ang alam ko lang ay bumigay na sila ng todo.....
ada, 2nd year? pwede na yun. mahihinog na sa pilit yun hahaha
plastipak, sino ka po?
anonymous, sige bigyan mo na lang kami ng clues. tipong blind item hehehe chismis itu
2nd yr so matagal na yon, cguro yung mga dancers ay at least 30 yrs old na,e nakita ko nga c pako akaala buntis na, nanganak, o na raspa na ata hehehe, hayaan nalang naten magtago sila sa likod ng tabing....
nababasa kaya nung talong yun ang blog na ito? hahahaha
are they gays?? i think i know one or two of them.. atleast they're having fun back then ahaha but pearly shells? jeezz thats a little girls dance..
LAM KO OCTOBER YON AT I THINK UNITED NATION DAY BA??? MALAY KO, KAYA ATA PEARLY SHELLS KASE NERE REPRESENT ATA NILA ANG HAWAI,PRO DI BA NYO ALAM NA HANGGANG NGAYON WALA PAREN NAKAKA BREAK SA BENTA NG PEARLY SHELL NA KINANTA NI NORA AUNOR HEHE DI C UNIO LARAZO YON AH...EH CLASSMATE KO YON TATLO , GAYS DI ATA? SHERAAAA? SHE HORSE EWAN BAKA SHOKOY HEHE
hahahahaha
sana nababasa ito ng tatlong nabanggit at mabigyan nila ng linaw ang mga pangyayari.
ano ba yan? pate ba naman yon naalala pa hehehhehe yan lalantad na akoh, well okay lang naman na sumayaw kame (just a fun) pro well totoo lahat ng nabangit don, kung nandon lang kayo maaamaze talaga kayo, bago pa kame lumabas at humarap sa madla nag warning na c dating principal (mrs.medina)kaya lang wala pagkalagyan sa tuwa mga tagapanuod kaya sigaw kalabog palakpak at kung ano ano pang reaction ang ibinulalas nila hehehe ( well sikat kame that time) ngayon memory nalang po... salamat sa nag comment at naalala pa nila yon heheh.. ahhh naka hanging shirt kame non na white at grass skirt heeh image labas lahat ng musclessss namen, at naka lips tick kame hehehe para daw di pale hu! ngayon ganap na kaming dalaga hehehe, pro ang importante yung na e contribute namen na kasiyahan non.....
hehehehe pero hindi talaga pwede sabihin ang mga names?
hu jala-jala lam mo naman kungcno cno kame eh, wag ka na mahiya hehehe for sure cute ka naman eh, nung wala ka bang asawa cguro 3 yrs old kapa hehehehe...pro ang naabutan kung super wild sa SMPS ay batch nila JIMMY MARIANO kung naabutan lang nyo walang tatalo halos nagpapaputok sila ng labintador sa loob ng campus hehehehe di me sure pro ang isang di ko makalimutan ay yung isang kuro paroko na sumuot sa butas na nilulusutan ng mga estudyante, (nakasara lagi ang gate) dahil pinagbawal non ang paglabas ng break time kaya ang ginawa ng mga pasaway nag butas sa tagiliran ng gate at that time nakita ni sister pelma ang kura parokong (irish ata yon) na sumusuot sa butas heheheheh syempre galit na galit si sister
nyahahahahahaha naiimagine ko na itsura nung pari hahaha
anonymous, mas mabuti pa siguro eh magsulat ka din at magkwento ng mga SMPS moments. im sure maraming gustong makabasa ng mga yun.
sige susulat po akoh pro promise pag nagkita tayo. kiss mo akoh ah heheh
anonymous, sure, no problemo. kiss lang pala eh :D
basta email mo lang yung sinulat mo.
ngek?!? pagtanong mo...hahahah!!!
batch '98-99 kme..`kala ko ba kilala mo ko???!!! hahah!! :))
PLASTIPAKc",)
oisssttt, yun mga batch 98-99 jan, sino valedictorian nyo?
batch 98-99 grad. ako...kaso...sikret daw muna,...hiya pa si plastipak..hahah!! :P
*ada_04*
hehehe wag ikahiya ang medalya :P
eto initial nya MMM :D
-ada-
kilala ko na hehe sasabihin ko ba? :P
awwww! sa mga katribo ko ok to ah..
si elat, si cristina miranda pla crush mo non kaya pla di ka nag quit sa cocc.... hahahahaha. di ko alam un ah. alam ba ni jerome yan, e alam mo rin bang naging sila ni jerome..... for info lang...
tanong lang po may naglalaro po sa inyo ng Perfect World?
whoever wrote this files about jalajala i would like to say thank you for bringing back all those memories,my own experience back when im in high school comes flooding to my mind.kya lang bkit di man lang me nabanggit dun?dhil ba di me kgandahan nung high school ako?anyway to give you a hint si armando pajimula ang crush ng bayan nung time nmin,si jay v.nman sobra kulit pero friendly talaga.thank you guys sa pagsulat about jj atleast me libangan na me dito sa bahrain.
ahaaaaa kilala kita speaking of armando pajimula ung mvp ng longhorn ba yun, hihihihihihi. maging mabait k jan sa bahrain. ingatz..
ooops biglang napaisip tuloy ako sa hihgskul days ko masya sya lalo na noong nagka first luv ako...heheheh pero hirap 2 kc sila e...pero k lang...
kwento nman jan.. batch 90-91. inabot nyo ba si ms. bandoma? e si mrs nocillo?
feeling ko, itong mga last na nag-comments ay from atch 90-91 hehehe nagkakaamuyan kasi kayo :P alam ko talaga sa batch na ito madami talagang magaganda nun. sorry na lang sa ibang batch pero yun kasi ang pananaw ko ng mga time na yun :)
go RTPI the best high school ever!!.. an institution like no other.. nyaahahaha
off topic lang ha. ano yung lyrics ng kinakanta ni ate shawee here...
"Ang saya ng high school
seven years in high school
Di na mapapantayan
T'yak ganyan ang buhay na sadyang makulay
Alaala kaylan man "
tama ba? 7 years in high school? tagal naman nun. ilang beses syang nakulto finish...
SMPS?... Ahh jan ako nag aral ng 1st at 2nd year ko.. Kaso eh dahil sa sobrang layo nun sa baryo namin (isolated p ang brgy namin nun)lumipat ako sa Bagumbong NHS. Sa gaya ko na hindi p nakaranas mawalay sa magulang at napilitang pumasok sa SMPS (as a Star Foundation Scholar, meron pa ba nun?), na-culture shock talaga ako..andaming mga siga-siga at mga japorms, bangkatatapang ga naman ng mga ire, sa isip-isip ko.. Masunurin ako nun, dahil nga skolar ako at takot n mawala un eh favorite ako utusan nina sister felma n maglinis ng cr ng mga lalake, minsan tagalinis ng playground..
sa aspeto ng kalidad ng edukasyon, wala ako masabi.. the best c mam de guzman sa english(di ko n ma recall first name nya), ung s math namin super galing din (d ko n nman ma recall, my memory gap n ata ako ah, nagma manifest na eh), 2nd year p lng eh college algebra na ata ung level ng turo nya.. Kung alam ko lng n magiging inhinyero pala ako eh sana nakinig ako ng mga lectures nya.. jan din ako nkaranas na every week eh may soap opera, aside from the usual recitation, declamation na kelangan mo talaga i recite s harapan ng class (alms, alms, alms, give me a piece of bread, give mo ur mercy.. i'm a child, so young, so thin and so sad.. you, why r u staring at me, do u know my mother? do u know my father, do u know me @@ years ago?)
Batch 90-91? dami nga magaganda dun, sina elvie salazar, cherrie san juan, grace mejia, a certain balajadia, etc.. Marami din mgagaling sa batch na yan, si cherry, ms masongsong, c grace, c onassis, kon. añago na patpatin pa nun..
Asan n kaya sila..
BONNGANG BONNGA TLAGA ANG SMPS WALA AQ MA-SAY!
HAHAH...
WELL DAMI NABGO SAKEN SA SMPS...
NAHUBOG ANG BUONG PAGKATAO Q!
H D B BONGGANG BONNGA!!!
NUNG NG ARAL LANG AQ SA SMPS TSKA LANG AQ NTUTONG MGA ARAL HAHA!!!
OH PANU BYE! INGAT!
(UNG IBA DTO MY MGA ANKA NA AQ DALAGADINGDING PA HAHAH....)
LOVE SMPS MUCH!
PAKI SEARCH SA YOUTUBE!
SMPS CHEEERDANCE COMPETITION 08!
THANKS...
nkakamiz highskul.. d' best batch 2006.. rockz..
Post a Comment