(isinulat ni ALADYBUG, isang taga jalajala)
Bata pa lang ako, laman na ko ng kalsada ng Jalajala. Simula ng matutunan kong tumawid ng kalsada mula sa sariling bahay papunta sa bahay ng mga lolo ko, dun na nag-umpisa ang buhay sa kalsada.
Mahilig kaming maglaro ng enter ng mga kapatid at pinsan ko sa “puting kalsada” (ito yun kalsada sa likod ng simbahan, smps, center o munisipyo). Sa larong ito kase lahat pede sumali basta mabilis kang tumakbo at magaling umilag okey na. Mas masaya kapag nanonood pa ang lolo kasi wala talagang dayaan hehe. Tumbang preso, chinese garter, teks, siato, piko at madami pa, simula pagsikat hanggang paglubog ng araw sa kalsada ng Jalajala unti-unting natapos ang aking kabataan.
Umpisa naman ng pagiging walis ng kalsada pag edad 12 anyos na. Ito ang panahon ng pgdadalaga at pagbibinata. Sila yung mga taong walang sawang nagpapabalik-balik sa kalsada na animo’y mga walis. Kahit anong oras at panahon, minsan inaabutan ng bagyo o lindol nasa kalsada pa rin. Highlight ng paggala ang makasalubong at maka jerk sa crush. Kahit pa nga matanaw lang sa malayo o masilip ang bubong ng bahay, ayos na.
Kapag may okasyon tulad ng fiesta, mas madaling makasilay at makapag pa-cute sa crush dahil sunod sunod na gabing puyatan sa panonood ng amateur singing contest. Kapag wala ng pambili ng popcorn at mani sa mga rolling store, kasabay ng pa-cute ang pangingikil sa mga lalakeng kakilala na makikita. Dyahe sa lalake kapag walang maibigay kaya kahit kahuli-hulihang barya na niya ay ibibigay na lang. Ang hindi nila alam, feeling ng mga babae na nakauto sila kapag nagbigay ang lalake ha-ha-ha. May ibang nakukuntento na sa plaza, meron din naman nagpupunta sa madidilim na lugar. Mas masaya naman talagang mag-inuman at magkwentuhan kesa manood ng amateur, problema lang pag tinanong kami ng mga nanay-nanay namin kinabukasan kung sinong nanalo. Magkukunwari na lang na nakalimutan na.
Kapag ordinaryong araw, walang direksyon ang paggala basta kailangan dumaan kami sa tapat ng bahay ng bf/crush o kaya dapat maamoy namin kung saan sila nagkukuta ng mga barkada nila. Pwede kaming maki-join sa inuman kung makita naming nag-iinom sila pero kung hindi namin type ang crowd, magpapakita lang kami at aalis na, umaasang mama-magnet si papa pag-alis. Ang haba ng hair kapag sumunod naman. Minsan sitsit at palakpak ang sign (wala pang text) para malaman na kasunod namin siya o sila, depende sa dami ng nadagit. Parang mga kalapati di ba? Pinapalakpakan at nandadagit. What will happen next? Hehehe Mali ang iniisip nyo. Mag-uusap lang naman. Nuong time namin, clean gimik lang talaga kahit pa nasa mga sulok sulok at nasa dilim. Nagtataka nga ako kung bakit kaya mas gusto namin nuon na nasa dilim, nag-uusap lang naman. Exciting kasi. Oo, exciting na sa amin yun.
Saan at kailan ito natapos, kapag napudpod na ang tsinelas? Sa karanasan ko kase mismong ang mga tao na ang nagsasabi sa aming magkakaibigan na “Hoy! matatandang dalaga na kayo, magsi pirmi na kayo sa inyong mga bahay”. Tama rin namang mag give way sa batang bago pa lang nagsisimulang lasapin ang tamis ng young love sweet love. Yiiiheee.

41 comments:
naalala ko yung kinuwento sa akin ng friend ko. itago natin siya sa pangalang F. Escarmosa-- wag, masyado palang obvious yun. itago na lang natin sa pangalang Flory E.
years ago daw, tuwing dadalaw sa kanila si Oweng sa gabi, papalakpak muna ito para malaman na nasa labas na siya. wala nga nuong cp. isang beses, may narinig na palakpak ang kuya alvin niya, sinabihan niya si Flory E. na nasa labas na si oweng. alam na kasi ni alvin nun ang ibig sabihin kapag may pumapalakpak na. SInabi ni Flory E. na hindi yun si Oweng. Papano niya nalaman?
Kasi saulado na ni Flory E. ang palakpak ni Oweng, may sarili itong "tono"
Yeah i remember those clapping sound.. two claps or four, the really good ones have like a mono ring tone to it when they call on their friends, but to call your gf by clapping that’s kinda degrading to her and her family don’t ya’ think??.. wheres the good old fashion knock on the door..
ALADYBUG – so how much did you and your friends collected over the course of your uummh mafia like extortion??.. haha good thing we dont know each other, hate to be one of the guys back then..
oweng ng jbhad yun, di ba? may sarili ngang palakpak ang jbhad nun, nakakasama kasi nila ako dati kaya alam ko hehe
someone, hindi naman degrading yun kasi gusto rin ng girl na may signal sila para makapag ayos muna sila ng sarili bago humarap sa guy.
teka, bakit ba parang alam na alam ko din yang signal signal na yan hehe may nakapagkwento lang po.
pero yang pangingikil, oo, biktima din ako niyan. papano ka ba naman tatanggi e chikababes ang nanghihingi? ahuuuuuuu
SIYET! NAKIKIKILAN DIN AKO DATI. OO, TANDANG TANDA KO YANG PAGWAWALIS NA SINASABI MO ALABYBUG. KARANIWAN E BARKABARKADA YAN TAS KASUNOD NG MGA BABAE ANG MGA LALAKE HABANG NAGLALAKAD. PARANG DI MAGKAKAKILALA PERO PAPUNTA SA IISANG TAGPUAN HAHA
before palakpak...they use to do those bird calling sounds. just to let the girl know that they're in the area and would want to see them. depende sa specific person or group ang sound.
sabi nga neccessity is the mother of inventions. bago pa cp, maabilidad na ang mga bata. lalo na sa jj.
pagwawalis pala ng kalsada ang term dun, akala ko mga brgy. tanod... di ako nk relate sa story mo aladybug, xnsya na po... I do experience also those kilig to the bone moment when i was a teen ager but I approach my crush or g.f in a nice manner, i can do the tao po system..
I was a victim also of the piso mafia and to make pa impress, yayain ko nalng sila sa ponsa... I know that halos nmn ng kabataan taht time nk gimik na sa ponsa...
korek ka jan, tandang-tanda ko pa ang tindahan ng ponsa.. pansit malabon, mami,halo-halo at may cake pa..
wala pa jollibee noon kaya pag mejo gustong mag pa impress, sa ponsa ang tagpuan...
palakpak hehehe galing naman , naranasan ko ren makikilan, kaya lang kase nung magagawa ko cute ang mg guys non, wan ko lang ngayon wala na atang cute eh mas nanaka rame na ang mga ate naten kakaunti na ata ang tunay na lalake sa jalajala.. nagbigayan na silang lahat heheh
ayyyyyyyyyyy! tumpak ka sister! ahhhh! uhhmmmmmmmmmmm!
anonymous, wag ka mag-alala halos laahat naman ata ng guys nakikilan din ahuhuhu tsaka halos lahat din ata e naranasan din mamagnet hehe
reyna, hahaha oo, alam ko yang "huni ng ibon" na yan. yung parang tunog ng wild, endangered birds sa gubat hehe kurururu-KA-kuku
anonymous, im gonna write about Ponsa nga, naunahan mo ako banggitin hehe
anonymous, ponsa pa din naman ang puntahan ngayon, o kaya yung kila Paco
anonymous, madami pa ding cute na guys ngayon. kaso madami din cute na gays hehe ok lang cguro dumami sila basta responsible din sila gaya ng karamihan ng gays
speacking of magnet siguro mga limang taon ako namagnet, hirap noon panahon namin na wala pang cel,lagi kanang naghahanap kunasan na kaya sya, almost every night na gustong makasilay eh kailangan mo pa maglibot ng bayan "nasan na kaya yun?" lagi kong tanong, kakaasar minsan nalibot mo yun buong bayan eh dka pa rin makasilay ,yun pala di naman pala lumabas yun girl may sakit pala, pero kung nakatyempo ka naman eh , maalis ang pagod mo sa kakalad, siguro mga 5 years din yun mga ganitong pangyayari, pero alam nyo nangyari,................. wala.
vicks vaporub
lam ba yo ang hirap ngayon di mo alam kung cno ang lalake o hindi, madame kaseng kabataan ang gumagawa ng kung anung ginagawa ng mga ate naten, pro mga ate wala naman ganyanan... makunsensya na po kayo, wag nyo pong samantalahin mga kabataan, eh mamaya mo yan dame na nyo,lam naman nyo sitwasyon nyo ngayon for sure mahirap kaya wag na po tayong mandamay...
Vicks, naging "kayo" ba nung girl? cguro dapat kasi may sariling "palakpak code" din kayo hehe... walang nangyari? di pa naman siguro huli ang lahat.
anonymous, nagwo-worry ka ba na maubos ang mga elegible guys sa JJ? :P
jalajala,
nakasulat ako ng blog eh di ko alam kung papano e publish, o anung dapat kung gawin para ma publish yon or biga mo skin eail mo para ma eemail ko sayo..
may email add sa side bar. eto din email add :
blas_ople_experience@yahoo.de
email mo lang.
nung pangahon kaya ng mga inang natin ganun na rin ang istilo nila, yung parang nagpapahabol sa mga crush nila pero di naman binibilisan ang lakad hahaha
A lady bug.. nadale mo! hehehe.. those were the days.. taboo pa nun ang magkasabay ang lalake at babae pag maglalakad kase nakakhiya sa public. Kya ang tendency ang boys nasa likod lang. Ska before pinaka hate namin is sunduan.. as in bahay bahay ng bwat barkada, kase nga wla pa cel or even landlyn kya khit may call time na 3:00pm magsusunduan pa rin.. mauuna syempre yun mga nasa upper then pababa ng bayan. Kya minsan bago mka attend ng party sa plaza lipas na perfume.. o kya naman pawis pawisan na kya ang remedyo mag re-touch sa pinka malapit na bahay ng barkada.. (kila derly).. the best part syempre is pag uwian na.. naku khit pagod ka pa kakasayaw.. buong tropa maghahatid kung knino pinaka malayong bahay.. (mapacla to be exact) yun mga taga bayan eh maghahatid pa rin yan.. syempre chance na yun magkausap with your crush. Mdalas.. sa layo ng lalakarin papunta pa lang mapacla may stop over pa syempre.. dun sa isang bahay na meron mraming "batong upuan".. syempre maximizing the time.. hehehe.. Hay sarap balikan..
To someone :
Di po ako gf ni oweng nun.. we were young then.. in fairness with him.. he has high respect with my family khit nga takot yun sa 4 na kuya ko he manages to face them.. anywei bat bako nag explain?..
dont worry my family nor i didnt felt degraded in any way. I have a very cool and understanding family. Di ganun ka kitid utak namin. Part of asaran nmin ng mga brothers ko yun clap na yan.. and to this day.. they still tease me everytime they hear a clap. Too bad.. its not for me anymore. hehehe..
Florie Escarmosa
candy, malamang nung paahon ng mga lelang-lelang natin eh paghuhulog ng panyo tas pupulutin ng lalaki ang SMB nila hehe
Flory, nadale mo din hhehe nagtataka nga ako kung bakit di pamagsabay paglalakad ang mga babae at lalaki pero tama ka, taboo pa nga nun at nakakahiya kapag makikitang may kasabay sa daan :P
natatandaan ko pa yun sinasabing "puting kalsada" tinawag yung ganun kung di ako nagkakamali ay yun pa lang ang matinong sementadong kalsada sa bayan. puti kasi ang semento gets?
NICE ONE!FLORIE E.
vICKS
nkita q cla ate florie dumaan s may tapat namin madaling araw ng lunes may mga kasama lalake nagwawalis pa rin ^*^ d nya aq nkita kc nsa dilim aq =)
jimbo, yun nga ata ang reason kaya tinawag na puting kalsada.
anonymous, lagot ka sa "ate florie" mo, anong ginagawa mo sa dilim hahahaha
mwahahahaha ang galing naman. naalala ko tuloy yung kabataan ko na ganyan na ganyan. para kaming tanga nun, lakad ng lakad sa bawat kanto sa kagustuhang makasilay sa crush, yung taga delavega. andito na ako ngayon sa australian, 4 years na at sobrang nakakamiss ang bayan natin.
anonymous, taga 3rd district? oo nga, maraming cute sa 3rd district. lalo na mga babae, ang tinatawag na Alabang Girls hehe
yes, ok din yun mga alabang girls lalo na yun first generation, sabihin mo kay oweng P. set mo ng alas otso,hehe
angkla
florinita- your explaining because you dont what us to have the wrong impression about you, its a simple human nature thats all.. so your telling me you two never been an item before?? i mean a gf and bf.. thats kinda strange hearing some story about you two, or your in state of denial hahaha
and who's the kinda old school guy with you in that early monday? did you give him a thank you hug for staying up so late hahaha
i hope those poor guy back then learn an important lesson, giving away gifts to your crush does'nt mean she will like you more.. but if you gave her a BMW M3 with all the bling bling and nitros in it, well hey! its gonna be your lucky night.. bwaahahaha
angkla, si oweng ba? hahaha bakit mo binuko? :P
someone, i think what ate flory said was di pa sila ni oweng that time pero alam ko naging sila hehe tsaka di gift yun binibigay ng mga lalaki na pera, more on kikil ng mga girls. kumbaga sa mga kotong cops eh wala ng choice kundi magbigay hehe
To someone :
Sana lang mas binasa mo ng maayos yun cnulat ko hane? Those clapping churva was during our highschool days.. we were young then, di pa kmi ni oweng nun. And i wont deny na naging bf ko c oweng but that was my college days na. I'm not trying to explain for myself, i just wanna be fair ke oweng. He's a good man and that clap didnt degraded me and my family. that's all.
Alam mo kung galit ka sa mundo wag kang mandamay ok? Kung wla ka magandang memories nun highschool eh pasensya ka.
At kung may kasma man ako nun early monday, i think its none of your business.
Florinita Dela Vega Escarmosa
I SMELL BLOOD! MGA TOL RELAX LANG TAYO SEE A MOVIE NALANG SABAGAY NAKAKAINIS TALAGA YUN PAG BIBINTANGAN KA NG MALI! NANG GATONG BA?
VICKS
vicks, sa mahal ng ticket sa movie ngayon, aba eh mag-iinit lalo ang ulo hehe
ayos na ayos to sa gagamba fight... 10k sino pupusta?!
poor oweng!!! happily married na nadadamay pa.. sabagay matagl na naman yun, past is past nga sabi nila kaya burnok, its a deal!!!
doblado kay someone ako...
bayoyoy, hindi naman siguro "poor oweng". in fact, pinuri pa nga sya dito. aba eh kung may pupuri sa akin ng ganun eh ayos lang na madamay ako hehe
"someone u dont like" is not just a code but also a character that i think intends to contradict certain topics. but persons who bravely used real names here can be hurt by those words real bad. "Written words" are powerful so be careful next time hane.
Thanks po sa lahat ng comments nyo sa Walis, sana ng enjoy kayo. And also i would to thank RRJ for my outfit, Parisian for my shoes, SM dept store for my accessories, Brenda for my hair & make-up and also to Dr. Manny L. Calayan for my pouty lips. blah blah blah . . . .
aladybug, salamat din sa pag-send. intayin ko ang next post mo. samahan mo na rin picture ng "Dr. Calayan" lips mo :D
people are too sensitive this days hehehe the degrading part was just a question, no harm in asking right??.. and the denying part was just a joke jezz.. hahaha.. and for the record i said nothing bad about oweng, i know him and i'll be the first guy in line willing to be his bud and thats the truth.. haaayy..
cge explain, the damage has been done! sa prisinto ka na mgpaliwanag!
aladybug - libre ko na lang kayo, suhol ba.. hehehe
eto ha, for the history of this blog, ngayon lang nagtagalog si "someone" nyahahahaha...
duhh!!..
Post a Comment