Isulat ang pangalan at baytang. Basahing mabuti ang mga tanong at sundin ang nakasaad. A. History - Kilala natin si J.P. Rizal bilang national hero natin (street sa harap ng 243), A. Bonifacio na atapang a tao (street na tinutumbok ang munisipyo) at E. Rodriguez Sr. na “Amang” ng probinsya ng Rizal, naging gobernador natin at senador (street nila Jeff Berin ng Mazhecks). Maliban sa pangalan ng mga kalsada sa bayan na unang nabanggit, kilalanin ang mga sumusunod:
1.) Sino si I. Pascual (street palabas ng bayan)? 2.) Sino si M. Bellin Jr. (street papuntang lower Mapacla, gilid ng elementary)? 3.) Sino si P. Tores (street sa likod ng SMPS)? 4.) Sino si C. Villaran (street sa harap ng munisipyo)? 5.) Sino si S. Perez (street ng bahay ni Vice Mayor Pedro Belleza)? 6.) Sino si M. Dela Vega (street nila Odok)? 7.) Sino si G. Borja (street ng panaderya ng mga Ibasan)?
Isulat sa sampung pangungusap ang kahalagahan na makilala ang mga taong nabanggit. Kainin ang papel sa tatlong nguyaan kung walang maisagot.
B. Geography – isulat sa salitang Latin ang sagot sa mga sumusunod: 1) Anong pangalan ng street sa kanto ng bahay ni dating mayor Jolet Delos Santos, J.P. Rizal St. at ano? 2.) Anong pangalan ng street sa harap ng dating Human Settlement kung saan marami ang nabuntis, isa na si…?
C. Enumeration – bilugan ang tamang sagot: 1.) Ano ang sinipsip sa Brgy. Sipsipin kaya natawag na ganun ang lugar na iyon? a. shabu b. sabaw ng buko c. uhog sa ilong ng bata d. wala dito
2.) Sino ng unang nagpunta sa Brgy. Punta? a. hindi ako b. hindi siya c. hindi sila d. hindi kami
3.) Bakit nagpaalam ang Brgy. Paalaman? a. masyado kasi silang malayo sa bayan b. mas gusto nilang mapalapit sa bundok ng susong dalaga c. mas maganda kasi magpaalam sa lugar na iyon para di agad matunton ng pamilya ng babaeng nabuntis na tinakbuhan dahil nilasing lang si lalaki kaya pinatulan yung babae. At eto pa, alam nyo bang si ano pala ay blah-blah-blah… d. ewan ko
4.) Kung wala ng puwang sa Sitio Puang, matatawag pa rin ba sila sa pangalang iyon? a. oo b. hindi na c. di ko alam kasi di ako taga Puang d. who cares?!!!
5.) Kaano-ano ng Maria ang Jesus? a. mag-ina sila b. hindi ko sila kilala c. katulong ng Jesus Cubilla sa pagbabantay ng tindahan nila sa may 3rd district ang Maria d. hindi ako natawa sa joke
D. Essay Writing Isulat kung sino ang crush mong “crush ng bayan” at bakit hindi mo siya nakatuluyan? Isulat din kung paano mo siya pinagpapantasyahan sa gabi hanggang ngayon. Wag na akong isali sa pagpipilian, give chance to others.
|
33 comments:
nyaaah! walang sagot?
mr. writer sagot ka rin post mo sa comment para me makopyahan kami.. heheheheheh.. pero sa crush syempre iba-iba tyo.. hhahahahaha
walang sagot, kaya ponagtatanong hehe
sharlyn, malay mo pareho tayo ng crush--- ehek! eh sino nga ba crush mo?
pa comment ha! magandang mga tanong yan. miske ako nakalimutan ko na st. namin sa tabi ng bahay namin hahahaha.
please support para sa mga taga jalajala to!!
www.jalajalarizal.blogspot.com
www.jalajalarizal.com
http://www.friendster.com/sadulongwalanghanggan
http://www.friendster.com/jalajalarizal
G. Sena ang street sa may Human Settlement.
sagot sa test
1. shabu, madami adik sa sipsipin hahaha
crush ko si grace DV kaso taken na malas
crush ko yung mga magpipinsang estrellado, sila apple kapag umuuwi nun sa bayan kapag bakasyon. nakaabang na ako lagi. asan na kaya sila ngayon? may nakakaalam ba dito?
si marie naman ang crush ko kaya lagi akong bumibili nun sa 243. kaso di niya ako pinapansin. sayang, hindi na ako nakakasilay kay marie.
hi marie, kung nababasa mo ito. ako yung lagi bumibili sa yo ng kung anu ano para makita ka lang.
pakiramdam ko lang ha, feeling ko iisa lang ang nag comment about sa mga crushes...
...meaning, tatlo ag crushes nya hahahaha huli.
nananatiling crush ko si mR. eLDIE gONZALES.. heheheheh
ako din crush ko c sharlyn ay si Lala pala hehehee oooppssss ^^
jomark : dumaan ako sa may bahay nyo nung isang araw, tiningnan ko kung may street sign nung street sa kanto nyo, wala ako nakita. ang nakita ko eh yung vandalism ng pangalan ni odok hehe kinuhanan ko ng picture (posted sa odok post)
sharlyn: crush din kita nun :D tsaka si sheila san juan... ay hindi, si elat pala may crus dun
@Mr. Writer bakit ikaw ba si ninong eldie? heheheheheh
nope hehehe pero katulad ng jbhad, crush din kita dati nyaaaahhhhh!!! :P
ang street kila jomark mula cemetery hangang simbahan ay A. MAbini, tapos yun sa street along kila jimboy andallo hanggang munusipyo ay a. bonifacio st.
ANGKLA
e bossing Angkla, yung street sa Human Settlement, yun mula sa elementary papuntang dunggot?
ano kba mr. writer wag nyo nman ako pag tripan ni elat... porke ako lng mgnda dito.. hehehehhe joke lng po...
g. sena nga tama yun sabini anonymous kanina.dba may team nga yata na g sena, sa basketball
angkla
@Sharlyn, inde ako ha, un writer lang hehehehe^^
correction, di pala yun a. mabini.. a. luna pala, nakita ko kanina.
matagal na akong wala sa jala-jala simula nung lumipat kami ng bahay dito sa davao. baka di ko na rin kilala ang mga tao dun kasi di na ako nakakauwi since 1987. ang crush na crush ko nung panahon namin ay si vilma bellin. inaabangan ko na siya dati tuwing mapapadaan sila ng mga barkada niya sa street namin. mpara sa aki, siya ang pinakamaganda at matalinong chicks nun sa jala-jala. hindi na ako magpapakilala, nakakahiya kasi he-he-he
para sa akin tatlo ang pedeng maging crush ng bayan sa Jalajala dahil crush ko cla hehehehehe ^^ una si Elvira S. na kapatid ng classmate kong si Greg S. Pangalawa si Gina D. classmate cia ng pinsan ko si ate joy N. at ang pangatlo si Lala S.J. inde ko sila nakatuluyan ang isa sa kanila sa kadahilanan na sobra akong mahiyain dati at inde ko cla malapitan hanggang sa naunahan n ako...sayang =(
wag ka na nga magpakilala dahil baka magalit si jess corneta na asawa niya hahahaha joke! matagal na naman yun at crush lang naman. magpakilala ka na po. oo, may asawa na siya at kids at nasa Tate na.
jbhad, ang alam ko, naging SImple Hearts si Elvira nun at nakakasama ng Jbhad ang Simple. dapat nag "da moves" ka na nun. wala, mahina hahahaha
yeah..cuzn ko si Vilma Bellin y` Corneta aka "ate bilog"!
it's in the genes! wahehehe!!! ;)
-=:ada:=-
nung huling nakita ko si Vilma, hindi naman siya mataba. bakit "ate bilog"?
we used to call her ate bilog khit nung mga bata pa kme..nickname nya po un!!:))
-=:ada:=-
truth be told, girls dig me the most back then especially in high school (thanks the gods i did'nt go in smps)the girls tend go get too close to me, so i rarely go out to mingle if theres a town affair, etc.. you might say my good look is my curse.. (sign) sometimes life is not fair..
someone you dont like - uhhh... okay :P
ada, baka pwede mo naman itanong ke bilog kung bakit bilog ang tawag sa kanya. interesting kasi hehe
uu nga inde p ako nag the moves dati.. eh kasi namn si pinky cgurado kokontrahin ako nun naku ^^
JJ, try ko poh imessage xa sa frnstr den pag ngreply xa balikan kta..heheh..:P
*ada*
sige, salamat. ate bilog, kung nababasa mo to, pakisagot na rin hehe
we started calling Vilma "bilog" nung baby baby pa sya, super cute kc bilog n bilog eyes nya. sana nga hindi na lumaki hehehe
anonymous, o bakit di ka nagpakilala? baka ba kasi di ka pasalubungan pag-uwi ni bilog hehehe
Post a Comment