Tuesday, August 28, 2007

sabel (buhay ofw)

(isinulat ni SABEL, isang taga jalajala)

Ito po ang aking life story, isang kababayan ninyong taga Jala-jala na nangibang bansa, tiniis ang hirap para maisalba at makatikim ng ginhawa sa buhay.

Isinulat ko po ito hango sa aking tunay na buhay. Ang mga tunay na pangalan ng mga karakter ay di ko po binanggit upang pangalagaan ang kanilang reputasyon. Sana po magkaroon ng aral at maunawaan natin ang buhay ng mga OFWs na nangibang bansa para isugal ang kanilang buhay, mabigyan lang ng kaginhawahan ang pamilya. Ang iba po kasi sa atin ay ang akala, namumulot lang ng pera ang kanilang mga kapamilya sa ibang bansa para sa kanila.

Itago na lang po nyo ako sa pangalang Sabel, isa pong taga Jala-jala. Di ko po maitatanggi na nabibilang ako sa tinatawag na 3rd sex o mga taong di naman ginusto na maging ganito. Sana di nyo po kame masisi at sana maintindihan nyo na lang ang sitwasyon namen.

Namulat po ako sa hirap ng buhay. Marame po kaming magkakapatid at ang aking ama po ay namatay sa pangangaso sa bundok ng Jala-jala. Ang kinamatay po ay nabaril dahil napagkamalang baboy-damo (“my father is not a pig” ika nga ni Nora Aunor). Natatawa po ako, pero yan po ang totoo at ang masakit pa po ay dahil sa ang pustiso ng aking ama ay may ginto, nang matagpuan namen ang bangkay nya ay wala na po pustiso nya. Bata pa po ako non ng mamatay ang aking ama.

Dahil po sa hirap ng buhay ay grade 2 lang ang natapos ko. Di ko na po idedetalye ang life story ko dahil nanariwa lang ang masasakit na pangyayare sa buhay ko at baka di ko pa matapos tong story ko di ko pa ma send kay mister Paolo (sino ba yon? pero i love you pao) hehehe. Ika nga ni Kate Winslet sa Titanic nung matanda na sya “I can still smell the fresh pain”. Di ko lang alam kung correct yan ha hehehe (pao’s note- “I can still smell the fresh paint” ata yun pero sige, pwede na yan. Angkop naman sa story ni Sabel hehe)

Nabigyan ako ng pagkakataon makapag abroad sa Saudi. Matagal na panahon ang ginugol ko don. Masarap na mahirap ang buhay at halos ibenta ko na sarili ko para lang kumita. Sige na nga, oo, binenta ko na ren ang sarili ko. Minsan napapaupo na lang ako sa isang sulok at napapaluha na lang ako dahil di ko na ren masikmura kung ano ang pinaggagawa ko kumita lang ng pera. Syempre minsan naliligayahan na ren ako habang ang mga kapatid ko ay nagpapasarap at nilulustay kung ano mang pinaghihirapan ko. Galing man sa masama, sana di na nyo ako sisihin. Maipagmamalaki ko pa to kesa mamatay sa gutom ang aking pamilya o magnakaw ako ng pera para lang maitustos sa aking pamilya. Tulad ng mga babuyan boys, makunsensya kayo at tigilan ang pagnanakaw ng kable sa babuyan.

Sa kasamaang-palad, wala akong malaking naipon sa ibang bansa at isang araw ay natanggal ako sa trabaho. Wala akong choice kundi umuwe ng Jala-jala. Ayon syempre, amoy dolyares pa ako at halos mukhang may hepatitis dahil nagmumura ang mga alahas ko na animoy isa akong aso na nakakadena ang leeg at mga braso (pero gold naman di ba). Namudmod ako ng salapi sa aking mga kapatid, pamangkin at syempre mga lalaking maganda ang tingin sa akin dahil sa salape kahit halos makalbo na ulo ko sa init ng tubig sa Saudi..

Tumagal ako ng halos anim na taon sa Pinas. Tulad ng date, pakalat kalat, pagupit-gupit at naisanla ko na ren at di na natubos ang mga mabibigat kong alahas na naipundar. Balik sa hirap ng buhay, minsan "pangako sa yo" o "run away bride" akoh sa mga umbao dahil wala na akong pambayad heheheh.. Di ko na alam nun kung makakapag-abroad pa ako.

May isa tayong kababayan na lagi kung inaabangan at nagsasabe akong tulungan naman nya ako na muling makapag abroad. Itago na lang natin sya sa pangalang “Cristina” na isa ring 3rd sex. Isa, dalawa, tatlong beses akong nagsasabe sa kanya tuwing nakikita ko syang umuuwe galing sa ibang bansa. Halos kainin ko na pride ko para lang magkaroon ako ng trabaho.

Di naman nya akoh binigo. Nung may makilala syang ibang lahe na nangangailangan ng isang trabahador sa flowershop ay ako agad ang kinausap nya. Nagsinungaling man ako na marunong akong mag-ayos ng bulaklak at magsalita ng salitang banyaga ay pinangatawanan ko na. Sa madaling salita ay nakabalik na ako sa ibang bansa. Subalit nung kaharap ko na ang aking magiging amo ay nagbuhol-buhol na dila ko na halos wala akong nasabi at nung sinubukan na akong mag-arrange ng bulaklak ay di ren ako pumasa waaaah Bagsak ako. Di ako natanggap at kailangan mag stay lang ako ng 3 months dahil naka visit visa ako. Halos pagsakloban na ako ng langit at lupa dahil sa nangyare at binigyan ko pa ng kahihiyan ang taong tumulong sa akin. Wala akong nagawa kundi makitira kila Cristina. Tumutulong na lang ako sa kanya at sa kaibigan nyang si “Lyka” na gaya namin ay kabilang din sa 3rd sex. Natutulog ako sa lapag katabe ni Lyka na nagtatrabaho sa Abu-Dhabi. Maganda ang trabaho ni Cristina. Halos itapon na lang nya ang mga pagkain dahil sa dame na nanggagaling sa kanyang amo, na di na ren naman namen makain. Napakaraming mamahaling pabango ang binibigay ng kanyang mga manliligaw at pag gumagala kame ay sya ang aming ginagawang front para naman may makuha kaming kalaro ng basketball (basketball po para di masama term).

Dahil nakikitira lang ako at nakikikain, halos magsugat ang aking mga kamay kalalaba ng mga damit nilang magkaibigan. Ayaw nila akong maglaba pero nahihiya ako na di ko gawin yon dahil nakikitira lang ako. Kung minsan habang akoy naglalaba, naiiyak na lang ako dahil sa hapdi ng sabon at init ng tubig. Sa gabe naman ay oras na ng gala namen. Kung saan-saan kame nakakarating paghahanap ng makakalaro sa basketball. dahil sa idad singkwenta mahigit na akoh at si Lyka ay di naman kagandahan, masakit man tanggapin na laging si Cristina ang nagugustuhan at halos sambahin, iyakan ng mga lalake. Lagi na lang akong reject (buti pa sa Jalajala pag may pera akoh diosa ako). Masakit man sa akin, kailangan ko nang tanggapin ang katotohanan na may idad na ako. Hirap ng kalooban, pasakit at kung ano-ano pang naranasan ko.

Isang araw, nawalan ng pera si Cristina na nagkakahalaga ng dirhams 500 ($135). Ang kanyang pera na nasa pitaka ay dirhams 1700 ($461). Ang pinagtataka nya ay bakit dirhams 500 lang ang nawala. Kung ang nakialam non ay magnanakaw, paniguradong kahit isang kusing ay walang ititira sa kanya. So inisip nya na isa sa aming dalawa ni Lyka ang kumuha. Dito na nagbago si Cristina, halos di na ako kausapin. Siguro iniisip nya na bakit naman sya gagawan ng masama sa sobrang bait nya. Habang nakaupo ako sa upuan ng mall ay halos humagulgul ako at magpinalahaw sa kakaiyak. Wala akong pakialam kahit lahat ng tao sa mall ay nakakikita sa pananangis ko, pero talagang hindi ko naman pinakialaman yung pera. Papano na ako? Anong gagawin ko? Yon agad ang pumasok sa isip ko. Nakakahiya pa sa mga taga Jala-jala kung umabot pa ang balitang yon. Halos magunaw na ang mundo ko. Dahil siguro naawa si Cristina sa akin ay di naman nya ako pinabayaan at kung saan-saan pa nya ako inihanap ng mapapasukan dahil matatapos na ang visa ko. Tinawagan ni Cristina ang kaibigan nya sa Dubai para humingi ng tulong na maipasok ako sa isang 5-star na hotel. Dahil ang kaibigan ni Cristina ang gumawa ng arrangement, natanggap naman ako ngunit kinakailangan ko nang umuwe ng pinas dahil tapos na visa ko. Inihatid ako ni Lyka at Cristina sa pag-asang makakabalik pa ako at magkakaroon ng trabaho. Hangang sa nakabalik na naman ako sa Jalajala ng luhaan at walang kahit isang sentimong pera matapos ang 3 buwan. Umaasa pa ren akong makakabalik muli sa Dubai at magtrabaho.

Makalipas halos ang isang buwan ay tumawag si Cristina na kailangan akong pumunta ng Dubai dahil tinawagan ako ng hotel. Kailangan ko nga lang ng pera para makapunta dun. Wala akong choice kundi isanla ang aking bahay na di ko pa natapos. Ilang linggo ang nakalipas ngunit di pa ako nakakaalis pero nagpadala na ako kay Cristina ng halos 50 thousand para lang bumili ng visit visa papuntang Dubai. Halos isipin ko na ren na baka nilustay na niya ang pinadala kong pera dahil sa lumpas pa ang 2 linggo bago pa nya naibigay ang ticket at visa ko. Nag-abono pa sya ng mahigit kumulang sa dirhams 500 na hanggang ngayon di ko na nabayaran.

Nakabalik na ako sa Dubai at awa ng Diyos ay nagtatrabaho na. Kahit matanda na ako ay patuloy pa ren akong kumakayod para sa aking pamilya at hanggang ngayon ay wala pa ren akong naiipon. Lumipas man ang mahabang panahon ay di pa ren nagbabago ang aking mga kapatid. Kapag nagpapadala ako ng pera sa kanila ay kanya-kanyang silang partihan. Hindi ko alam kung hangang kailan matatapos ang aking paghihirap dahil isa lang akong mahina at di ko matanggihan ang aking mga kapatid. Sana ay magising na sila sa katotohanan na may buhay ren akong sarili at ngayon ay matanda na ako pero hanggang kailan sila aasa sa akin. Marami pa pong hirap ang naranasan ko pero ayoko nang banggitin ba, baka maboring pa kayo. Di kaya mabigyan nyo ako ng award hehehe…

Sana po may natutunan kayo sa aking istoria. Napakahirap pong magtrabaho sa lugar na di mo sinilangan. Mahirap man ang naranasan ko ay natural na sa akin ang pagiging masiyahin at sana po ay mahalin at pagyamanin naten ang mga pera na nanggagaling sa ating mga kamag-anak na nangingbang bansa.

73 comments:

Anonymous said...

nakakarelate po ako kay sabel,sa totoo lang po mahirap ang wala sa sariling bayan marame kang bagay na di magawa,maraming bawal,kadalasan po yung mga pilipino ay sila pa magpapahamak sayo at manloloko kaya po dito sa ibang bansa ang tanging pagtitiwalaan mo lang ay ang yung sarili. kung minsan po may sakit ka kailangan mo ng magulang na aalalay sayo,maraming pagtitiis ang dapat mong gawin para maka survive.Lalong lalo na po sa mga katulong halos itrato silang hayup na kumakaiin lang ng pinagtirahan pagkain ng amo at kung magreklamo sila babaliktarin ang pangyayare at sila pa ang makukulong.....


simang

Anonymous said...

nung umuwe po ako ng pinas para makapagbakasyon may nakasabay po akong pilipina sa airport na halos mapiga puso dahil sa sitwasyon niya binuhusan po ng asido ang harap nya o private area ipinangalap po namen yon ng tulong na nabalita pa sa tv at na diaryo pa.Sabe po nya halos di po sya pakainin at laging sinasaktan di maiwasan nagkamali sya binuhusan ng asido na panlinis ng kubeta ang harap nya at halos nang makita ko ay talagang sunog sa tapang ng asido. yung iba naman po kaya di makapag reklamo minsan mismong imbahada pa ang di pumapanig sa kanila at kung sa pulis naman di rin sila papanigan dahil babaliktaren ng amo nila at sila pa mapapahamak..




simang

paolo said...

bakit nga kaya ganun? may mga pagkakataon na kababayan pa natin ang pinangangambahan nating manloloko sa atin pagdating sa ibang bansa? ganun pa man, kababayan pa rin natin ang ating maaasahan kadalasan kung kinakailangan natin.

siguro lahat naman ng lahi, may mga masasamang ugali. may mga bad apples ba.

Anonymous said...

don po sa nangangarap mag abroad pag aralan po muna nyo sitwasyo wag po basta sabak ng sabak baka po sa huli pagsisihan lang po nyo, lalong lalo na po sa dubai madaming taga jalajala ang nag vivisit visa papuntang iraq at dumadaan ng dubai wag po kayong mainganyong gumamit ng mga P!TA na ibat ibang lahe kahit po mapa pilipina man sya, sa panahon po ngayon almost minimum 50 na arabo ang natutuklasan na may aids monthly ayon po yan sa kaibigan kong nagtatrabaho sa american embassy at madame pong pilipino at pilipina ang napauwe ng pinas dahil natuklasan infected ng hiv "aids still up" kaya don sa mga taga jalajala na nag stay sa dubai ingat po,yung iba po kase sa kanila ay maniac heeh nakakita lang ng chinese na makinis kahit amoy noodles eh papatusin, mga russian na mapuputi eh di naman naliligo eh papatidin na ren, mga pilipinang takas o wlang visa na ang kinabubuhay lang ay pagigipaglaro ng apoy titirahin na ren, kung minsan tong mga pilipina pang ito ang nanggagapang sa halagang dirhams 30 maisalba lang ang buhay pero di nila iniicip na ang init ng katawan ay aabot lang ng segundo o sang oras pero kung magkasakit ka ay panghabang buhay mona tong pagsisihan. kaya ingat lang po. ang concern ko ay di lang para sa taga jalajala ito ay para sa lahat ng pilipino para kung sarado man ang isip nila eh mabuksan..
mga ate at kumpare better kung di ka na makatiis nandyan naman si mariang palad,arms strugle,hand shaking para mas pormal ay pinaka safe pla cyber ayain nyo c PAOLO mga ate ahhaahahhahha diba kind naman si paolo tutulungan nya kayo o kaya si jomark nalang yan mga candidate for GOODWILL AMBASADOR hahahhahahh.




simang

Anonymous said...

jalajala, diba kahit nga kamag anak naten niloloko tayo how much more kung ibang tao pa, lahat tayo o kahit hayup man pumapatay para maka surive, tangapin nalang natin ang katotohana na ganan talaga buhay, wag na tayong lumayo ako nga at kahit ikaw man diba nanlilinlang ng tao o babae hahaha kaw yon di ako so i think ang pinaka maganda po dyan ay lesson o awareness na para di ka maloko o talagang aanganga ka eh pagaralan mo munang maayos sitwasyon at kung minsan ren kase sabak tayo ng sabak. eh to think kahit tayong dalawa nasa boat at kailangan isa lang ang matira sa atin eh tutulak kita PAOLO para maka survive akoh kaya lang kiss muna kita para di ako makunsyensya hahahah.






simang

paolo said...

simang, kakapit lang ako sa glid ng boat kahit sobrang lamig ng tubig. sasabihin ko sa yong "dont let go..." kasi my heart wll go on... near.. far... wherever you are.. ehek! napakanta tuloy ako.

tumitira ng mga russian at intsik? kasi naman, nung nasa JJ sila eh mga babae sa KUBLI lang ang natitikman nla nyahahaha

pero tama si Simang, ingat sa sakit. panghabang buhay an at damay pati pamilya nyo.

Anonymous said...

nobela na nga ang post, nobela pa rin ang comments sigh

Anonymous said...

jalajala e di kandidato kana pagiging GOODWILL AMBASADOR hahaha sabagay diba kaw yung mamatay sa movie hahahahaha kay ba yan LEO? kaya sa part 2 ayoko nang itaas ang kamay ko habang nasa dulo tayo ng barko eh mahaba na kase ang balahibo ko sa kilikili eh pero type ko yon habang kinikiskis mo hehhee hahahahahah



simang

Anonymous said...

well! siguro di ka maka relate kase di ka cute.





simang

Anonymous said...

o di kaya na boboring ka dahil wala kang concern ka kapwa mo.pro sorry nag eenjoy ako.



simang

paolo said...

goodwill ambassador? wag na hehe baka masabihan na naman ako ng may pansariling ambisyon na wala ding wenta nyahahaha

Anonymous said...

hahaha goodwill ambassador tutulong ka sa pakikipag cyber para ma bawasan ang aida hahahahaha joke lang po.
tulog muna po ako..




simang

Anonymous said...

tama ka dyan Sabel, khit ako b4 akala ko pag abroad khit anytime ka humingi mabibigyan ka, pero cmula ng mapunta ko d2 dun ko naranasan hirap kumita ng pera. hay.. nku buti na lang nandito c kuya ko..(til now humihingi pa rin :) KAPAL ko) he he he.. tama ka mabait talaga si Christina.

:)

Anonymous said...

ganayn talaga buhay ofw puro sacrifices.. bagong bayani!!! sa oras ng kagipitan kahit gobyerno natin di tayo matulungan...

paolo said...

simang, di ako marunong makipag cyber :P

anonymous, pinakamahirap din ang home sickness. iniisip na lang natin eh pera-pera lang yan para di masyado malungkot.

buknoy, sana kasi may mga trabaho din d2 sa pinas na kayang bayaran ang hirap ng trabaho na ginagawa.

Anonymous said...

jalajala-tuturuan nalang kita step by step hehehe sanay na akoh dyan date ko yang pinagkkakitaan hehehe





simang

Anonymous said...

sabel, kung hindi ako ngkakamali ikaw ang aking "kuya?" miss you na? chat naman tyo minsan...

Anonymous said...

KUNG MAY GUSTO PONG MAG ABROAD SA INYO AT DH ANG PAPASUKAN LALO NA SA MIDDLE EAST O SINGGAPORE, EH WAG NA PO KAYONG TUMULOY PAYONG KAIBIGAN. PERO KUNG MAPILIT KAYO MAGDALA KA NG 2 TUWALYA, ISA PAMPALIGO ISA PARA SA BALDE BALDENG LUHA.

vICKS

Anonymous said...

vics, sure yan hahahaha at kung magaabroad po kayo maging ambisyosa na kayo kahit man lang sales lady or mas mataas don sayang lang pinagaralan nyo kung mag dh lang kayo, trust me tama si vicks, wag basta maiinganyo para di kayo magsisi sa bandanng huli wag po kayong magarimuhan sa konting halaga ng pera baka po mas malaki pa dyan gagastusin nyo kung mapahamak kayo o di kaya baka bangkay nalang nyo umuwe ng jalajala..




prinsesa

paolo said...

simang, bata pa ako para sa mga bagay na yan hehe

sha, sya nga ba ang "kuya" mo? :P

vicks, alam ko mahirap sa M.E. pati pala sa singapore? bakit naman?

prinsesa, mukha alam mo din ang sinasabi mo. siguro sa ibang bansa kayo nagtatrabaho? tama ba?

Anonymous said...

pao na miss kita di ka ata nag online kahapon pro k lang cguro busy ka lang. kuya? de po, de ko po sya kilala pro parang familiar kwentong yan.






simang

Anonymous said...

pao,oo naman eh dami ngang mga kwento nakakaawa mga dh kahit nga ako harap harapan kong nakikita kaya lang wala naman akong magawa, kaw kung may plano ka dito sabihin mo lang sakin sasagutin kuna visa mo makakatipid ka ng halos 20 thou, sag utin mo lang pamasahe mo at bahay, allowance na ren sana sa padd ko kaya lang dipo ako sanay ng may kasama di kase ako nagdadamit hahahahaah pag nasa padd lang...



prinsesa

Anonymous said...

na miss kita pao di ka ba nag online kahapon???






prinsesa

Anonymous said...

pao, kaya mahirap sa midle east kase ang tingin ng mga arabo o ibang lahe sa pilipino,indian,indonesian,pakistan,afganistan, serian, jordanian, chinese ay mababa o busabos ang mataas ng tingin nila sa mga amerikano,briton at mga taga german pero the rest alipin tingin nila pro maraming tao o ibang lahe na gustong gusto mga pilipino kase masipag daw at malinis at kahit 5 anak sa pinas virgin paren pag sila gumamit hahhah. sorry yan ang totoo.

sensya na vics nangialam na ako eh ako lang ata naka online ngayon eh

prinsesa

paolo said...

yep, pasinsha na, di nga ako naka online this past days. medyo busy.

mahirap din siguro nga sa ibang bansa pero sa iba kasi, mas mahirap sa pinas kaya sapalaran na lang sila.

Anonymous said...

sabagay totoo nga iyon,di ren naten masisi kesa nga naman magutom eh mangatulong nalang,lam mo naman ang pilipino pag nahihirapan hehe di kayang magtiis, pro hindi naman lahat ng dh ay panget napuntahan.cguro ganon talaga kung talagang may pangarap ka titiisin mo kahit ano.



prinsesa

Anonymous said...

pao, komporme sa amo o napuntahan mo pro ang pinaka mahirap sa lahat yung may amo ka, buti tapos na akoh dyan kaya yung mga nagiging tauhan ko di ko man lang sinisigawan tinuturing kong kapatid kaya lang diosko nananamantala at halos di kana irerespeto lalo na mga bading nakakadalang maging trabahador.. wag masasaktan ang tamaan base lang sa naranasan ko ipapahamak kapa, mabuhay ka nalang ng walang kaibigan, para sakin better yon.


prinsesa

Anonymous said...

guys, advise nman "how to survive LDR[long distance relationship]" my bf will be leaving for jeddah nxt wik..and di ako sanay na di ko xa ksma,..ayan,,.cry na 'ko.. ;'(
appreciate any tips you can give..
thanks in advance!


`ada

Anonymous said...

ada, madali lang yan,palitan mo na sya hahahaha kaw den for sure papalitan ka na nya naku lalake pa,lalo pag nag abraod diosko for sure pag nangate na yan wala na,lalaki lang yan pag nadarang sa apoy nalilimutan na ang tunay na mahal??? eh tunay nga ba??? sorry ada 90%kase ng nag aabroad normal nalang yan na makakita ng iba...



prinsesa

Anonymous said...

ada, wan ko lang ah kung part ng saudi na mahigpit talaga wag kang magalala kase bawal don basta basta makipagusap sa mga girls so ang katakutan mo eh baka pumatol sa bading o maging bading na ren sya later, dame kasing pilipino na kahit lalake sa pinas nagbebenta ng laman sa mga arabo, parang callboy pro di naman lahat kaya lang kase mahilig ang mga arabic sa mga bading lalo na kung pilipino kase malinis pinoy at walang balahibo hehhe malalaman mo tunay na kulay ng bf mo hahaha..
pro kung mahal ka nya talaga babalik pa ren sya sayo tiis tiis lang ate, makakaraos den kayo, pro kase mahirap long distance as in mas maraming temptations. just hold on who knows, sana maka survive ka po..



prinsesa

Anonymous said...

touch nman ako...naiiyak n nman ako...hahhaa!!salamat prinsesa!!! muuuaaahhh!! :)

paolo said...

ada, mas madali na ngayon ang LDR kasi may text/internet na. di tulad ng mga nagsa-saudi nun, umaasa lang sa slow mail at mga voice tapes na pinapadala hahaha

always keep a constant communication with each other. pero nakakaingayak nga yan huhuhu biruin mo, nasanay ka ng kasama sya lagi tapos kinabukasan pagkaalis nya di mo na alam kung kelan ulit kayo magkikita. tas di mo alam kung okay lang ba sya dun. pagkatapos ng office mo, wala ka ng mapagkukwentuhan ng mga nangyari sayo sa araw na yun. wala ng magtyatyagang makinig huhuhuhuhu sige, iyak ka pa :P

Anonymous said...

ada the only secrets for a relationship to be strong and tough is trust...kung mahal mo sya at alam mo na nahal ka nya trust him...

Anonymous said...

kilala mo na ba ng husto ang bf mo? if u know him well then trust him, but i doubt kse kung asawa nga niloloko pa eh un pa kaya g.f ka palang nya... para ma sure mo faithfullness nya putulin mo muna yng alam mo na... heheheheheh! joke! joke! joke!

paolo said...

hahahaha ayos mag moral support ang mga taga Jalajala, titibay talaga ang loob mo hahaha

Anonymous said...

hahahha eh ano pa nga ba, pro wala tayong magagawa, ganan talaga ang mga lalake at may babae ren naman ganan na di nakukuntento sa iba, siguro kase di ka naman pedeng kumaiin ng tuyo araw araw kaya syempre ibang putahe naman..



dianne

Anonymous said...

pwede namang same isda pa rin ibang luto nga lang di kailangang tumikim ng ibang putahe. meaning same girl pa din pero gumawa ng ibang mga bagay para di magkatamaran sa relasyon.

Anonymous said...

salamat prinsesa,
ada, karamihan talaga natutukso, sa abroad , pero di ko naman kilala yun bf, pero sabihan mo nalang sya na mag-ingat , pero mahirap taalaga umiwas, bahala na nga kayo, labas na ko dyan...

paolo, yun isan kaibigan ko sa singapore sya, nabaliw sya dahil malupit yun amo nya, di sya pinapakain, tapos lagi pang sinasaktan, tapos sa ibabaw ng aparador pinapatulog, tapos hindi sya pinapatawag sa pinas nun, buti nalang matapang yun uncle nya pinuntahan yun amo, kaya pinauwi pero nagbayad pa sila dahil hindi tinapos yun kontrata.

prinsesa d pala ako umiinom.

vicks

Anonymous said...

love you vicks okay lang po di naman ren ako masyadong umiinom eh juice nalang kuya.
grabeh naman yon sa ibabaw ng aparador pinatutulog hahahha nakakatawa naman anong akala nya don pusa di kaya matsing o ipis kaya dame kung gustong kwento kaya lang hahaba nanaman.. nasan na love kong si pao.


prinsesa

Anonymous said...

ada, ganon hahaha sabagay ang pinaka better pag pray mo nalang sya na sana maging okay buhay nya sa saudi hirap kase don madaming bawal. pro kung gusto mo sabihin mo sakin kung anong papasukan nya, trabaho nationality ng magiging amo nya, or nung company at least kahit papano may maitulong tayo sa kanya, at para pag dating don ready sya di na aanga anga heheh kung gusto mo lang sabihin...



prinsesa

Anonymous said...

sabe nila ang pagaabroad daw swertihan lang sana naman kung mag aabroad kayo ay makatapat kayo ng okay na trabaho. pro katulong man o anung trabaho nakakatulong mga OFWs sa pinas lam naman nyo yan lakas mag pasok ng dolyares kaya good luck nalang sa nagpaplanong mangibang bansa




prinsesa

Anonymous said...

thank you all for unending support!!!! super thanks tlga..heheh.. :P
mamiss ko mgcomment d2..coz nxt week na balik q ofc..i'm on leave!!!!hehe..:P
love u all!!Godbless..muah!;p

Anonymous said...

`ada toh...Ü

btw, prinsesa..panu ba?!...add m q sa ym/frenster mo..Ü

paolo said...

naka-leave? para makasama si Papa before umalis? kayo ha, saan kayo pupunta at anong gagawin nyo? hhehehe enjoy na lang :P

Anonymous said...

OFW's eh' hhmmmm?!?.. they say that they are the new heroes of our country, that saying a lot.. its like saying the rest of us bums in here are nobody, maybe because our system worship the mighty dollar that we don't have.. or because our government to inept to protect our OFW, thats why they made this slogan "bagong bayahi" its like candy to our ears and a tap to the back for the OFW..
think of it like this.. remember our kindergarden teacher who give "stars" to well behave children..

government - very good OFW, keep up the good work..
OFW - thank you poh..

Anonymous said...

sa pilipinas lang naman nila sinasabing heroes mga OFWs pero d2 sa ibang bansan lalo na kung nagkaroon ng problema mga OFWs ay naku imbis na tulungan nila at halos ipagtabuyan pa, lalo na pag katulong, hero sa kanila kung okay ang trabaho ng isang OFW eh papano naman yung iba na di nagtagumpay.



simang

paolo said...

besides, hindi kailangan ng mga OFWs yang bayani-bayani na yan. kailangan nila ay proteksyon ng batas. sino ba namang OFW ang gusto matawag na bayani? di ba ang mga bayani, usually ay namamatay para sa kanilang bayan? hehehe

Anonymous said...

oo naman pao at yon ang pinaka mahalaga, tulong na mangagaling sa gobyerno o embahada, tutal nagbabayad tayo ng tax eh dapat ren pangalagaan nila mga OFWs eh ang nangyayare pag nagreklamo ang ofw imbis na tulungan sinisisi pa.


simang

Anonymous said...

i said it before and i'll say it again, long distance relationship doesn't really work.. its 100% accurate, statistically and scientifically proven that something and somewhere down the line there's bound to be trouble..

Anonymous said...

oo naman "SOMEONE YOU DONT LIKE" kahit nga mag-asawa, may pamilya di nagtatagal, lam mo naman ang tao di sanay ng walang minamahal lalo kung magisa at malayo, lalo sa dubai nakakaawa yung mga nag aabroad ng babae na naiwan mga asawa sa pinas, yon kaliwat kanan heheh patoong patong tae sa ulo ng lalake sa pinas...
(di naman lahat)

simang

paolo said...

wag nyo namang pakabahin ang mga taong may mahal sa buhay na nasa ibang bansa huhuhuhuhuhuhu :P

Anonymous said...

yan ang totoo...

paolo said...

hmmmn... napapaisip tuloy ako kung tama bang ipagsapalaran ang pamilya para lang kumita ng pera? kung kikita ka nga ng pera at giginhawa pero may malaking tsansa namang masira ang pamilya.

ano sa tingin nyo?

Anonymous said...

pao, wag kana lumayo, nung pumutok ang iraq, wala ka bang nabalita, tungkol don? lam mo ba kase tao lang tayo yung iba, nagpapadarang agad-agad sa apoy na maiinit///

paolo said...

may mga bali-balita nga tungkol jan. hindi naman siguro lahat pero meron mangilan-ngilan na hindi nakapagpigil. depende na lang din siguro sa tao yun, no?

Anonymous said...

HAHAHA EH YUNG MANGILAN-NGILAN SIGURO PINAGLIHI SA GABE NG SAN FERNANDO KAYA UBOD NG KATI HEHEHE PRO YON NAMAN TALAGA PROBLEMA USUALLY DI MAPIIT PANGGIGIGIL, KUNG NAPANUOOD MO SA TV SINO NUMBER 1 NA NAGDADALA NG AIDS SA PINAS, NABANGGIT DON NG MGA SEAMAN, ANG KALIGAYAHAN 1HR 10 MIN 30 MIN PERO THE REST PURO PASAKIT NA KUNG MAGKAROON NG AIDA KURATCHA, SABAGAY WALA KASE NON SA KUBLI. NAGGAGANDAHANG RUSSIAN, NAGSISIKIPAN MATA NG CHINESE,NA AMOY NOODLES,MAGAGANDA AT MORENANG INDIAN,KAHIT AMOY PUTOK OKAY NA REN DIBA CGURO KAHIT IKAW PAO KUNG MAKAKITA KA NG MALA RUFFA NA GANDA BAT DI MO PAPATUSIN HEHEH (PARANG GANDA KO)HEHEH KAILANGAN KO NG KAPEEEE

paolo said...

ayaw ko ng kamukha ni roopa na may sakit naman. anabelle rama na lang na malinis nyaaahhhhhh...

sa mga lalaki, di na ako nagtataka na tumitikim sila lalo na kung mga poreyner nga pero yung mga babaeng ofw, konti lang naman siguro yung mga nagkakamaling napahiga. true?

Anonymous said...

sorry di totoo yan. both po. at makikita mo ang babae minsan nasa idad 50 na may bf ba na idad 18 na ibang lahi at nakakatuwa pa ah nagpupunta pa sa disco, animoy si madonna hahah, yung mga katulong naman di naman halos nakakalabas ng bahay sa midle east yon ah pero sinong diowa, mga driver ng indian national o pakistan o ginagamit ng amo nila mapa anak man o tatay.

Anonymous said...

di ko naman nilalahat, tulad ng kaibigan ko nabuntis di naman kasal, nanganak sya nakaposas, dahil bawal,nagpagawa nalang ng pekeng marriage contract sa pinas at pinadala d2. kaya yung iba pag nabuntis umuuwi ng pinas at don nagpapahinog,daming nag li live-in pero pag dating sa pinas may kanya- kanyang pamilya. kung minsan rin kase mahirap malayo sa pamilya, at depress pa sa nababalitaan sa pinas, kaya tao lang na naghahanap rin ng sariling kaligayahan hanggang dumating sa puntong ma- inlove na saiba.

paolo said...

sana walang nagbabasa ditong may asawang OFW hahahaha

o kung meron man, malamang ay nag-iiniyak na ngayon :P

Anonymous said...

what to do? iisa lang lahat ang gusto natin, kundi kaligayahan sa buhay...

paolo said...

siguro depende na lang sa definition natin ng "kaligayan sa buhay" hehe

Anonymous said...

Quote for the day:

"When two people are meant for each other, no time is too long, no distance is too far, and no one can ever tear them apart."


`ada :)

Anonymous said...

riigghhttt!!.. If you keep saying this you bound to believe it for your self.. aahhmmmmm (meditating) aahhmm my bf is faithfull, my bf is faithfull aahhmmm..
i bet who ever said this qoute was a lonely 18th century poet, never heard of a chatroom where you can flirt all you want without anybody knowing.. hahaha

Anonymous said...

i think sa part ng lalake okay lang kesa naman mag hand shaking, or arms strugle heheh kaya lang, be careful lang, baka mamaya aids! tulo! sipilis,hepa, buni,hadhad, alipunga at bulitas hehehhe

paolo said...

ada, yep, lalo na ngayong may internet hehe

someone, 18th century? malamang di pa nga nya naririnig ang chatrooms... hula ko lang naman

anonymous, hahaha ingat talaga dun pero may isa pang dapat pag-ingatan, ang ma inlove dun sa ibang girl. kaya better na ring umiwas na lang altogether.

Anonymous said...

siguro better ma-inlove nlang, para dima homesich,syempre dapat di kalimutan pamilya, parang temporary love, or adjustable love hehe (meron ba non) para pag uwi ng pinas balik sa original love. kung baga may level, nakakaawa ren naman sa lalake kung boring life at napakahirap sa ibang bansa, lalo kung maraming problema dumadating.kailangan den na maglibang.

paolo said...

hahahaha pwede rin :P

kaso lugi naman yun asawang babae sa pinas. e di pwede din silang kumuha ng temporary love? :P

Anonymous said...

yung iba sumisimple pede ba naman lalaki lang, kaya lang mahirap gumawa ng milagro sa jalajala,madaling mabuking marami kasing nakakakilala at kamag anak na nakakakita pro sa talagang super katiii deadma nalang makaraaos lang. nag part time love.

Anonymous said...

ang buhay nga naman punong puno ng temptations kaya lang nasa tao na yon kung papano e handle,di kase makuntentong kumaiin ng isang putahe lang. sabagay baka may mas magaling mag mahal.

paolo said...

magaling magmahal? o magaling sa kama? hehe minsan kasi may mga taong akala love, yun pala lust. mga babae ang usually nagkakamali sa ganyan, akala nila love sila ng guy, yun pala iba ang habol.

Anonymous said...

kahit naman ako kung papapiliin mo, syempre aanhin ko naman ang haba ng dila?????? kung maliit naman magmahal hahaha diba kung magluluto ka ng bicol express may maganda na yung mas madami para marami kang makaiin, kung susungkit ka ng buko yung mas malaki na para maraming laman at masabaw, kung kakaiin ka ng pacwan diba mas maganda yung malaki heheh kaya iba na daw yung malaking magmahal. paano ba maging magaling sa kama bagong words ata yon ah, ah baka ibig sabihin magaling syang karpintero na gumagawa ng kama hehehehe

pao baka papasukin nanaman tayo ni "someone you dont like" sa room hehehe mushy mushi chinnnnna nanaman tayo hehehehh

Anonymous said...

Hanga ako kay Sabel na AUTHORr ng kwentong ito...isipin nyo GRADE 2 lang daw ang natapos pero nakakapagsulat ng ganito with matching English words...