Wednesday, August 8, 2007

tae ng kalabaw, galon at si mr. ramirez


Mayroon ng mga montessory at private elementary schools ngayon sa bayan at sa mga karatig na lugar natin. Pero kapag may naanakan na ako, sa Jalajala Elementary School (JES) ko pa rin pag-aaralin ang hinayupak, hindi dahil sa hindi ko siya mahal, hindi dahil sa wala akong pampaaral sa mamahaling montessory schools, kundi dahil masayang mag-aral sa public school. My child will go thru his childhood only once and for me, the best place for him to enjoy that and learn his ABCs as well, is by studying in the school I went to when I, too, was a child. You see, we always want to give our children what we didn’t had when we were kids but most of the time, we tend to forget to give them what we had and what we enjoyed when we were kids. In my case, a happy childhood.

(Tagalog na ulit, dumudugo ilong ko sa pag-iingles) Kaya nga para sa akin, gusto kong maranasan ng magiging anak ko ang naranasan ko sa JES nuon. Maraming masasayang pangyayari nung elementary, isa na rito ang karanasan sa tae ng kalabaw, galon at si Mr. Ramirez. Natatandaan ko kasi nung naging under kami kay Mr. Ramirez kung saan tinuraan kami ng agriculture. Isa sa mga projects namin nun kay Mr. Ramirez ay ang pagdadala ng isang sakong tuyong tae ng kalabaw. Isang mag-aaral, isang sako. Ang isang section ay binubuo ng more or less 50 students. Ang grade 5 nuon ay may tatlong sections, so 50 times 3 ay… ay… teka… ay, agriculture nga pala ang tinuturo sa amin nun at hindi math kaya di ko na ico-compute. Basta marami siyang sako kaya natural, mauubos ang supply ng tuyong tae ng kalabaw sa bukid sa laki ng demand. Ang solusyon? Kahit semi-tuyo ay kinukuha na namin. Oo, mabaho siya. As in.

Para saan ang tuyong poopoo ng kalabaw? Para gawing pataba o fertilizer para sa tinanim naming gulay sa school grounds. May kanya-kanya kaming plot o pagtatamnan ng gulay, na ang naatas sa aming itanim ay sibuyas. Pagkatapos ang di kanaisnais sa ilong na project, masaya na ang gumawa ng plot, para ka lang naglalaro sa lupa. Madali ding itanim ang sibuyas. Ang mahirap ay ang pag-aalaga nito, partikular ang pagdidilig. Iisa kasi ang pinag-iigiban nun ng tubig, isang poso malapit sa flag pole. At dahil dinidilig ang mga tanim sa hapon bago mag-Bayang Magiliw at mag-uwian, kailangang madiligan mo na agad ang mga tanim mo para makauwi ng maaga at makapaglaro pa.

Total Chaos. Yan ang matatawag mo sa eksena ng pag-iigib. Dahil mga bata pa, hindi pa alam ang tamang pagpila kapag ganun ang sitwasyon. Survival of the fittest, the biggest rule the world. “The biggest” in terms of laki at lakas ng katawan dahil tulakan talaga sa paligid ng poso. “The biggest” din ng butas ng dalang galon, yun bang galon ng langis na nabibili sa mga gas stations na karaniwan ay kulay pula o dilaw. Kailangan mong alisin ang bilog na butas ng galon at palakihin ito upang maisalpak sa nilalabasan ng tubig sa poso dahil kahit ikaw na ang maswerteng nakasahod sa poso, kung mapwe-pwersang matanggal ang galon mo sa pagkakasahod ay gagawin ng mga sanggano. Kaming mga small mammals in the land of the dinosaurs ay kuntento nang sumahod ng tubig na umaapaw galing sa mga galon na nakasalpak na sa poso. Bagama’t mabagal, nakakadilig na rin naman kami. Nang nagsisilakihan na ang mga sibuyas namin, eksato namang magbabakasyon na yun. Pagdating ng pasukan ng grade 6, wala na ang mga sibuyas namin, meron ng umani. Okay lang sa amin yun dahil nabigyan naman kami ng grade dun at pagkatapos ng sibuyas, pechay naman ang itatanim daw namin.

Ayos, another round of poopoo hunting at balyahan sa poso. Maaaring may magsabi na anong masaya sa parang traumatic na experience na yun? Well, ang masasabi ko lang ay mararanasan ba yun ng mga mag-aaral sa montessory? In the face of tough challenges, characters are developed. Great men are known by the great feat they’ve hurdled and we can’t continue to shield our children from the tough world they have to face as soon as they step out of our home’s doors…

Madami pa sana akong sasabihin sa ingles pero nauubusan na ata ako nyaaaaahhhhh!!! Hindi kasi ako sa montessory nag-aral…

18 comments:

Anonymous said...

ay kakatuwa naman naalala ko tuloy nun grade 3 ako, nakikipagbalhayan ako dyan sa poso nayan pra me pandilig na kami.. oo ganun ako para kasi akong lalaki kumilos nun.. pero syempre sa edad na 9 na taon maaga ako lumandi, oo as in me puppy love ako that time kaya naman kapag ng-iigib ako at nandun sya ayun isinisiksik nya ang aking galon... hehhehehehehhe

Anonymous said...

I guess the best pa rin tlaga JES.. Kase sa JES may nagtitinda ng Ice candy sa loob ng klase.. everyday ibat iba ang flavors.. allowed kang kumain while having class.. eh kase syempre.. yun titser yun nag titinda ng ice candy.. cge nga meron ba nyan sa John Paul at Jiane Therese?..

I agree that in school characters should be develop, learning how to survive when the situation calls for it.. kaya pag wlang pang merienda.. akyat ka lang sa mga puno ng bayabas at.. bingo.. yun uniform mo kyang punuin ng bunga ng bayabas.. o kya naman for a change.. meron din sip-sip ibon.. or if medyo effort and challenge ang gusto.. kumuha ng di-kalakihang bato.. at ipokpok sa bunga ng talisay.. meron ka na "almond nuts" for merienda.

hihihi..

Less_byana

Anonymous said...

i remember wala cr nun, grade1 pa kami dun lang sa likod ng classrum ang ihi-an o tae-an na rin hehe. pag bata ur not aware n nakasabit palda mo sa panty errrr kakahiya :)

JBHAD said...

napalo ako ni mr. ramirez noon kasi wala akong dalang kawayan para sa project heheeh aruy

Anonymous said...

si mr ramirez di binalik yun project ko na mga shell na gagawin mong puno at ididikit sa frame. nagandahan daw yata. hehe coach din siya jes baseball team.

angkla

paolo said...

sharlyn, sino naman yang puppy love mong iyan ha? hehe

less_byana, nadale mo hahaha pero mahirap manguha ng bayabas, magagalit si mrs. pagaspas. peborit ko yung "almond" nuts hahaha...

anonymous, minsan yung suot ng shorts at panty ang tae-an nung grade 1 errrrr----

jbhad, tama lang yun kasi sa dami ba aman g makukuhanan g kawayan eh wala kang nadala hehe

angkla, di ba isinabit sa shop yung project mo? hehe oo, may isusulat din ako tungkol jan sa baseball team na yan hehe salamat at ni-remind mo.

Anonymous said...

secret MR. Writer... hehehhehehe

Anonymous said...

basta ang natatandaan ko nun sa shop ni mr. ramirez, kapag nagkaklase dun, sinisilipan lagi kami ng mga boys kapag sa table kami nakaupo at sila ay sa desk hahahaha

paolo said...

sharlyn, hahahaha wag na secret, ichismis mo na sa amin. tayo tayo lang naman errr---

glenda, alam ko yan hehehe yung kunwari ay may pupulutin sa sahig pero nakatingin pala sa likurang table. kayo naman kasi eh, burara kayo. o ayan ha, kasalanan nyo pa hehe

Anonymous said...

di ba ang shop ay nasa likod ng school? nandun ang mga gamit sa baseball tsaka mga drums na ginagamit kapag may parada. alam ko pa ang beat ng drums nun kasi isa ako sa mga tumutugtog kapag may parada hehehe

JBHAD said...

ironic nga eh, wala akong dalang kawayan pero stick ng kawayan ang pinampalo sakin heheeh aruy!!!!

paolo said...

naging drummer boy din ako hehe

jbhad, buti na lang di kayo pinagdala ng latigo kung hindi, baka latigo din ang pinampalo sa yo, wapak! hehe

Anonymous said...

fighting over a "poso", bringing cows dirt to school.. how barbaric can you get.. geezz..

paolo said...

hahahaha again, you might call it barbaric but some may say its character building. i call it survival of the fittest, one of nature's basic laws.

Anonymous said...

you call it survival of the fittest and natures basic law.. i call it the teaching of the siths lord, its their basic principal the strong shall lead the weak shall parish.. is that the kind of teaching you want your kid to grow up??.. bully the other small kid..

JBHAD said...

mga taga dunggot lang namn ang mahiileg mang bully hahahaaha ^^

paolo said...

someone, if that "teaching" will teach my kids to stand up for himself, if it will build his character, if it will prepair him for the tougher world of adulthood, yes i want my kids to learn that teaching. in fact, tuturuan ko pa siya kung papano mambalya hahaha

jbhad, si sharlyn ba ang nangbu-bully sau? hehehe

JBHAD said...

hahahaa inde si sha' inde p namn kami magkakilala noon basta mga taga dunggot the rayo brothers siguro ^^