Matagal ko ng pinagtataka kung bakit ang Brgy. Sipsipin ay may malaking kaugnayan sa bayan ng Morong, Rizal. Bakit nga kaya? Atin ngang suriin.
Mas lamang noon kesa ngayon, ang mga taga-Sipsipin (lalo na ang mga lalaki) ay mahilig sa white Hanes T-shirt na naka tuck-in sa original Levi’s 501 jeans (na nung panahon namin ay binibili ng mga taga Sipsipin sa Morong). Maiksi ang buhok nila sa gilid subalit mahaba sa batok at mahilig sa Slow Rock. Mga katangiang napansin ko din nuon na kagaya ng mga lalaking taga Morong. Maraming taga Sipsipin ang may kamag-anak sa Morong, patunay ng mga apelyido na kakaiba sa mga tagabayan gaya ng Garovillas at Tambongco. Ang isa pang pinaka pagkakapareho nila ay sa pananalita, partikular ang punto nilang pagpapalit ng “R” sa letrang “D” sa mga salita, gaya ng “dugo” to “rugo”, “bundok” to “bunrok” pero hindi ang “kidlat” to “kirlat” o ang “daldal” to “ralral”. Nakakalito, di ba? Hindi kasi tayo taga Sipsipin. Sampol : "magpahir ka ng rahon ng raprap sa iyong ribrib" instead of "magpahid ka ng dahon ng dapdap sa iyong dibdib".
Iniisip ko, para masuri natin ang pagkakaugnay ng Sipsipin sa Morong, kailangan nating alamin ang ilang pahina ng history ng Morong. Eto ang nalaman ko mula sa isang Morongueno Forum site na naiwala ko ang URL.
Kapareho ng mga taga Cardona, Rizal sa ganitong klase ng pagsasalita ang Morong dahil ang mga taga Cardona, nuong unang panahon bata pa din si Sabel, ay mga taong galing din ng Morong. Ang mga taga Morong ay lamang ang pagiging mga magsasaka kesa sa pagiging mangingisda. Halos katulad din nila sa pananalita ang mga taga Terasa, Rizal dahil nilipatan din nila nuon ang lugar ng Teresa dahil sa pagkakaroon doon ng mataba at malawak na lupain.
Isang taga Morong na nagngangalang Juaning Angeles ang “encargado” or person-in-charge ng Hacienda de Jala-Jala nuong panahon ng mga Amerikano. Hinikayat niya ang ilan sa kanyang mga kababayang Morongueno na lumipat sa Sipsipin para pagyamanin ang lupa dito. Ito ang sinasabing pinagmulan ng pagkakaugnay ng Morong at Sipsipin. Iyon yun.
Dahil din sa pagbabasa ko sa forum site nila, nalaman kong may mga mali pala akong assumptions sa POST KONG ITO. Ang salitang “hane” pala at ang paggamit ng prefix na “bang---“ (Bangpogi) ay hindi unique na atin dahil ginagamit din nila ito. Sa kadahilanang mas matanda ang bayan nila, it is safe to assume na sa kanila nangggaling iyon, suri suri. Sinasabi dun na ang paggamit ng “bangganda” ay katulad ng paggamit ng ilang tagalog sa “ang ganda” instead of “maganda” na hango naman sa “iba ang ganda” na sa di kalaunan ay naging short form na “bangganda”.
Tatapusin ko sana ang sinusulat kong ito sa pag-jo-joke na nagsimula lamang ang salitang “bangkapopogi” nung pinanganak ako pero mas nakakatawa ang nabasa ko sa forum ng Morong.
Sinasabi dun na mayroon raw street sign sa Teresa sa may pagliko na “BANAYAR PO LAMANG.” Nakita raw ito ni Dr. Pineda (Director ng Institute of National Language) at pinansin sa Mayor na mali ang tagalog. Kaya raw naman dali-daling pinalitan ng bagong sign na - “RAHAN-RAHAN PO LAMANG.”
25 comments:
roon naman pala nagsimula ang kwento... eh ang mga taga pungta kaya san kaya nagsimula ang kwento.. sabi nga ng isang dalaga na pumara na jeep pro lampas na ng tumuigil ang jeep.... AH! ANG MAMA AH LANGPAS!....
"ay naroon ang sangrok sa ringring" yan daw salita sa atin pag sinabi ko taga Rizal ako
sa plgay ko mas ok pa salita at puntong JJ compare s morong. lutang n lutang kc punto nila lalo pag nasa manila. (sample "San b rine ang tinrahan ng Runkin Ronuts?")am i ryt? wiwiwi
kahit na saan pa man ako di ko ikinakahiya na taga jalajala.. no matter what they say! kung tanungin nila ako kung taga saan ako isa lang sasabihin ko.. doong ah sa jalajala!!!
anonymous, nyahahaha ah ah langpas nga pero sakto ang kwento mo...
a lady bug, mas "sikat" o pinag-uusapan kasi ng mga taga maynila ang "tagalog morong" dahil tunay naman itong kakaiba kaya iniisip nila eh ganun mga taga rizal. pero nabasa ko, sa south batangas ay may ganung punto din gaya sa morong.
anonymous, kaso di nila alam kung saan yun kaya sasabihin mo malapit sa Tanay hehe
isa lang ang sinsabi ko sa kanila pagnagtanogn sila kung saan ung Jala Jala,sinasabi ko nalang sa kanila roong sa pulong gwapo at magaganra...........
si michelle garrovillas ang crush na crush kong taga sipsipin. kaso binasted ako pero okay lang yun, hindi siguro kami para sa isat isa.
more power to you.
natatandaan ko pa nuon, taga 3rd district pa ang mga Yayong Calma tapos lumipat sla sa sipsipin. bakit ba sila lumipat? barkada ko si nasirang bongbong calma. sayang ang saya pa naman ng samahan namin nun.
I saw a graffiti in baras which say “agkap” I do have some kind of idea of what this means, but can anyone elaborate on this more??..
speaking of yayong, alam nating lagi siyang kumakandidato. may nakakaalam ba dito kung nanalo na ang yayong dati? nagtatanong lang naman, walang pulitika.
@candy, as far as i know wala pa rin yata success sa politics ang yayong.. correct me if im wrong po..
anonymous, tama ka, sabihin mo lang yung pulong gwapo at alam na yun ng mga tao nyuk nyuk nyuk
jonjon, tama ka jan hehe sya yung kapatid ni michael di ba?
anonymous, di ko rin alam kung balit lupit sila nun. bakit nga kaya?
someone, di ko rin alam yung "agkap".. magtatanong tanong din ako.
candy, di ba tatay mo si ka yayong? hehe
anonymous, correction. nanalong konsihal si ka yayong nung 80's. dun nagsimula ang political career nya.
ITO BUONG KWENTO NUN DALAGANG TIGA PUNTA, NAG-AARAL KASI SIYA SA MAY NILA NOON EH PAUWI NA NG BORDING HOUSE,NG MALAPIT NA SA BORDING HOUSE NILA PUMARA SYA,(MA, SA TABI LANG)"PUNTONG MAYNILA" DI TUMIGIL YUN DRIVER, PUMARI ULIT AT NILAKAS (MA, TABI LANG)PUNTONG MAYNILA PARIN, DI PARIN NARINIG NG DRIVER LUMAMPAS NA NG BOARDING YUN, DUN BUMIGAY ANG ATE ( AH AH! ANG MAMA AH, NILANGPAS!) PUNTONG PUNTA,
PANO BA NAMAN MANANALO ANG YAYONG SI JERRY FARIQUILAN BA NAMAN ,(KAPATID NI ODOK) HANGGANG SA LAGUNA NANGANGAMPANYA PARA SA YAYONG NAMIMIGAY PA NG LEAFLET.
Vicks Vaporub
nyahahahaha
vicks, dapat nga manalo na ang sinumang kinakandidato ni jerry, kasi masipag siya mangampanya at mamigay ng leaflet kahit lampas bagumbong na hahaha
pero lagi ko binoboto ang yayong :)
AKO RIN BINOBOTO KO RIN.
VICKS VAPORUB
iboto pa rin natin ha, kahit di kumandidato :P hehe joke lang, friend ko po family nila.
db marameng adiktus sa sipsipin?!? heheh.. :P
-ada-
baka mas magaling lang magtago ang mga tagabayan hehehe
ada, anonymous: no comment hehe mahirap ng mag comment :P
woOOOoowww!!! safe mode..hehehe :P
`ada
hehhehe eh ganun talaga... taga dun ang nililigawan ko ngayon kya better be safe :D
tlga?!? heheh.. :P gudluck nman sa gurl..hehe..,:P gawa ka ng blog `bout ur lovelife pg npsagot m na ha..hehe.. :P
`ada
ada, "gudluck sa gurl"? nyahahaha bwiseeeettt... :P may mapapala naman yun girl kapag sinagot nya ako. cge, ggawa ako ng blog kaya tulungan mo akong mag pray na sagutin ako :)
wahahahaah!!! now q lng nabasa reply mo...cge,,.pra mas effective na mapasagot mo xa..pagtirik mo xa ng white candle(hindi pra sa kaluluwa nya..) kundi pra sa lovelife nyo..heheh..(as advised from Ms. Gloria Romero from the movie "let the love begin") hehehhehe... :P
teka..cno nman un maswerteng babaeng un?!? kng swerte nga...hehehe.. ;p
`ada
Tuwa ako don ah "BANAYAR PO LAMANG" pinalitan dahil mali "RAHAN RAHAN PO LAMANG" hihihihihihihi..
Para katulad din ng friend ko na taga paalaman, mga lahing batanggas "BatngueƱo" ika nga, nakarating na ng amerika di pa rin maikakaila na taga Paalaman, kamustahin ba ng ganito " How are you ga?" sumagot naman " I'm fine eh"
speaking of Ka Yayong friend ko silang lahat ng anak nyan, mabuting pamilya yan...
Candy musta na ilan na anak mo.. ay mali pala taga jalajala nga pala ako..
Candy musta na ILANG na anak mo..
ada, di ko rin alam kung swerte nga hahaha
bakal boyz, hahahaha ayos yun ah. nasa dugo talaga ang pagiging batangueno.
Post a Comment