Merry Christmas!
Wag nyong sabihing maaga pa para bumati ng isang maligayang pasko dahil bukas ay September na, simula na ng “ber” months. Ilang tulog na lang ay December na. Naalala ko din ang pasko dahil malamig ang panahon nitong mga nagdaang araw, lalo na sa madaling araw. “Malamig” + “madaling araw” = Simbang Gabi!
Alam nyo ba na ang Simbang Gabi o “Misa de Gallo” ay unique sa bansa natin? Nagsimula ito nung about 1660, kung kailan bago pa lang nagkakaugat ang kristyanismo sa Pilipinas. Para sa paghahanda sa nalalapit na kapanganakan ni Jesus, nagmimisa ang mga misyonaryong prayle nuon ng siyam na sunod-sunod na araw para ipunla sa isip ng mga naunang Filipino ang kahalagahan ng Pasko. Nagsisimula ito ng Dec. 16 hanggang 24, bisperas ng pasko. Bakit naman sa madaling araw pa? Ang mga Filipino kasi ay mga magsasaka at karaniwang bago sumikat ang araw ay nasa bukirin na sila. Kaya alas kuwatro pa lang ng madaling araw, pagtilaok ng manok, nagmimisa na sila at matatapos ng alas singko, oras ng pagpunta sa bukid. Ang “gallo” nga pala ay spanish word ng tandang (lalaking manok).
Mahirap gumising ng madaling araw lalo na kapag malamig ang panahon at masarap matulog. Siguro kaya nagbigay ng palugit ang lokal na simbahan natin at sinisimulan ang misa ng 4:30 am. Maglilibot sandali ang banda natin bago magsimula ang misa para manggising ng mga magsisimba, tugtog ang mga Christmas tunes. Sinasabing kapag nabuo mo ang siyam na simbang gabi, matutupad daw ang iyong hinihiling kaya kahit nga mahirap gawin ito, maraming taga Jalajala ang pinipilit pa ring makabuo ng Simbang Gabi, lalo na ang mga kabataan.
Maliban sa “wish ko lang” incentive na ito, may isa pang dahilan kaya wiling-wili ang mga kabataang magsimba. Simbang-ligaw kasi ang kanilang ginagawa. Okay sa olrayt lang naman siguro yun dahil ini-enjoy lang din naman nila ang kanilang kabataan. Sino ba sa atin ang hindi dumaan dun.
Pagkatapos ng simba, ang mga pamilya ay uuwi na pero bibili muna syempre ng puto at sopas na may libreng mainit na tsaa. Natatandaan ko nuon, sa Tiyang Ely Gonzales bumibili ng puto at sopas. Ang iba naman, lalo na ang mga tagabayan ay sa Tiyang Bening Alcantara. Siksikan talaga kapag bibili ka na pagkatapos ng misa. Nakakahiya namang bumili na agad bago pa magsimba. Kapag nakabili na, uwi na ang mga pamilya para mag-agahan ng biniling puto at sopas. Eh nasaan ang mga kabataan?
Aba’y hayung ah, mga nagjo-jogging. Oo, magjo-jogging suot ang mga pansimba nilang damit. Diretso na, wala ng uwian. Sayang kasi ang oras kapag nagbihis pa o kaya ay baka hindi na palabasin ng bahay. Hindi rin masasabing mga health conscious sila dahil hindi rin naman jogging talaga ang habol nila. Jogging-ligaw din hahaha Sayang nga naman ang mga sandaling makasama pa ang mga crushes habang tumatakbo mula simbahan papuntang tulay sa highway malapit sa hospital. Yung ibang “Dalagang-Filipina” effect ay tumatalikod pa kapag may makakasalubong silang jeep habang tumatakbo sa highway. Nahihiya kasing masinagan sila ng headlight ng sasakyan at makilala habang kinikilig na kasabay ang crush.
Hindi ko nga lang matandaan kung may nabuo akong Simbang Gabi. Maaaring meron o maaari ding mas nanaig sa akin ang matulog na lang. Pero ito ang sigurado ko; masarap ang puto lalo na pagkasimba.
15 comments:
simbang gabe? naku kahit panis pa laway ng iba maka silay lang sa mga crush nagsisimba na kahit walang pambili ng puto.heehe
milk shake
whaaa! gusto ko ng mami, puto at puto bungbong!!!
muntik na yata akong makabuo ng simbang gabi kaya lang tinamad na ako nung last 2 nights...buset! kaya lang yata ako nagsisimba noon kasi gawa ng mami ehek...wag na ang maka-jerk...hindi naman marunong magsimba jerk ko noon eh. demonyong yun. hehehe.
milk shake, hahaha nakakapagmumog naman siguro hehe
reyna, baka ayaw niyang makita ang imahe si san miguel na inaapakan yung demonyo :P
mabubuo ko na, isang simba n laang! dec 24 ng madaling araw di pa ko nagisiiing, kya hindi tuloy natupad ang wish ko n mgka gusto sa akin yun lalakeng gusto ko ng pikutiin :(
dami daw nanganganak pag Sept so Dec ginawa ang bata :P. nkkmiss n nga ang puto ng Ely & Aida, pati sopas at batchoy. haaiiii tapos ambon ambon pa yun, the best tlga ang xmas sa pinas! simula ng umalis ako ng bansa natatakot n akong umuwi ng pinas kpag kapaskuhan, guesss why hehehe
ahhhh ako po maraming ishe-share tungkol sa simbang tabi,, ah simbang gabi po pala,,
sakristan po ako dati simula po kay Fr. Mc Carthy ganyan ba spelling? ah basta yung puti na pari, ang sakristan mayor nmin dati si Roberto obet porang gonzaga, pati jemarps ang karamihan sila oying, michael bassig, rodante kampana ba yun, noel cayetano basta marami, syempre dun matutulog sa kumbento, asaran kwentuhan takutan, marami kasing kwentong nakakatakot tungkol sa kumbetnto natin, sa madalit salit napuyat.
3:45 am kailangang patunugin ang kampana, wala pa nong bellfry nakatali lang noon ang kampana sa isang haligi ng bakod yung pinaka kanto ng bakod ng kumbento, kailangang umakyat ng bakod saka hatawin ng bakal ung kampana kasi nga sira ang kampana pati ung nsa loob nya na humahataw para tumunog tanggal, eh kailangang hatawin ng 15x n paisaisa at 9x na padalawa-dalawa o 9x at 15x ahhh basta ganon kaya mahirap mabigat pa...
tumunog na ng madaling araw ang kampana eh di gising kaming lahat nung nagbibilangan na kumpleto kami wala sa amin ang nagkampana, yung panghataw ng kampana bago matulog inilagay namin sa lamesa sa loob ng kumbento, ung pagkampana mejo mahina ang hataw at mali mali mabagal na paisa-isa e sa patay lang kaya yung ganong hataw, alam ng mga sakristan yun walang kokontra. Tahimik kaming lahat sa loob, nung tumigil na sa pagkampana saka kmi lumabas........
nakakatakot nga eh....
galit na galit sa amin yung pari, kasi tinanghali kmi ng gising kaya sya ang nag kampana 4:15am na pla nun.
di kayang buuin ang simbang gabi, sayang wish ko pa naman sana mabuo ko ang simbang gabi, kaya siguro di matupad ang wish ko
waaaaaaa!!@#$Z^%
naalala ko tuloy noong mga bata pa kami may compose kaming kanta nun.. here it goes...
puto ng bining, masa ng rody, puto masa! puto masa!
anonymous, "pikutin"? masama daw kasi ang balakin mo hehe
anonymous, natatakot ka gawa ng mga "holdaper" (aka inaanaks) tuwing pasko? hehehe
anonymous, napatawa mo ako hahaha akala ko another ghost story hahaha
bakal boyz, kayang buuin ang simbang gabi. kailangan lang ng matinding pangangailangan hehe
burnok, anong tono nyan? :P
paolo,, hihihihi, kala mo ghost story ha pero tunay yan.. nakakatakot talaga yung pari non si Fr. McCarthy nananabunot yun pag nagkamali ka minsan nambabatok, pero di ko pa naranasan nakita ko lang sa kanila, kay roberto g. jay de guzman kay tito a.
DIBA MAY MISA NG 7PM AT 8PM, D BA DAPAT YUN ANG SIMBANG GABI, YUN 430AM DAPAT SIMBANG DALING ARAW?
VICKS
may nagjajaging pa ba ngayon pagkatapos ng simbanggabi?
vicks, hindi nabanggit yan sa history na nabasa ko hahahaha
anonymous, meron pa ding nagjo-jogging after simbang gabi.
lets all get together next "simbang gabi" wha'cha think guys??..
you all go on ahead.. i'll be right there in a few of ZZzzzzz....
ngoorrkkkk.. wiwiwiwiwi... ngorrrkkkk...wiwiwiwiwi...
(hilik sound effect)
Post a Comment