Thursday, December 25, 2008

maligayang pasko sa mundo

Saan ka man sa mundo, kung Filipino ka, pasko ang malamang na pinakang ispesyal na okasyon ng taon. Subalit gaya ng alam na natng lahat, walang saysay ang pasko kung hindi mo kapiling ang mahal mo sa buhay, pamilya, asawa, anak, magulang, kaibigan.

Kaya para sa paskong ito, nawa'y di ka nag-iisa.

Maligayang pasko sa lahat.

Tuesday, November 4, 2008

"buong kalawakan ay nais liparin..."

Umulan sa Jalajala nitong nakaraang undas. Maputik sa lumang sementeryo, puno naman ng tent sa Garden of Peace Memorial Park sa katapat. Maraming tao. Mga taga bayan at mga tagabaryo. Marami ding taga ibang bayan at taga Maynila ang aking nakita. Kumpara sa Pasko, Mahal Na Araw at Fiesta, sa aking palagay, tuwing undas mas maraming tao sa Jalajala. Dahil sa dami ng tao at mga sasakyan, nagkakaroon ng heavy traffic (oo, nagta-traffic sa Jalajala) at kailangan ng traffic re-routing at mga one-way na daanan. Tiba-tiba ang mga tricycle driver.

Bihira na ang nakikita kong mga batang nag-iipon ng tulo ng kandila sa hugis bola para dalin sa school at gamiting floorwax. Siguro ay nadyadyahe na agad sila. Mga feeling binata’t dalaga kaagad, ginagaya ang mga napapanood sa TV. Marami din akong nakitang grupo ng mga bakla na parang nagfa-fashion show habang naglalakad sa loob ng lumang sementeryo. Paiksian at pasexy-han ng suot na kadalasan namang napapagtawanan lang at kinukutya. Siguro para sa kanila, wala silang pakialam sa ganun.

Nagmisa sa Garden, pagkatapos naman ay sa lumang sementeryo. Inabutan ko ang dalawang misang iyon, aksidente lang, at hindi sinasadya. Nag-iikot din ang kapulisan ng Jalajala, nagpapaalala ng mga bagay na pinagbabawal nila, gaya ng pag-iinom, pagsusugal at pagpapatugtog ng malalakas na musika sa loob ng sementeryo.

Marahil alam nyo na ang patawang ang Garden of Peace daw ay ang libingan ng mayayaman habang pang-mahirap lang ang lumang sementeryo. Sa tingin ko ay hindi naman. May mga kamag-anak akong nakalibing sa dalawang himlayan na iyon. Hindi lahat ng nasa Garden ay mayayaman. Karamihan ay middle-class families. Iilan lang naman ang masasabing mayayaman sa Jalajala. Sa isang banda, marami pa ding may kaya ang nakalibing ang kanilang mga mahal sa buhay sa lumang sementeryo. May kanya-kanya silang rason kung bakit iyon ang kanilang nais.

Buong kalawakan ang nais liparin
At ang kalangitan ang ibig marating;
Ngunit tingnan ninyo ang kinahahantungan
Sandakot na abong di mapakinabangan!

Bago mamatay si Teodoro A. Agocillo (kilala nyo sya, sya ang nagsulat ng mga history books natin nung nag-aaral pa tayo), ninais nya na ang maiksing tulang iyon ang isulat sa simpleng kahong gawa sa Narra na paglalagyan ng kanyang abo kapag siya’y namatay na. Ninais naman ni Jose Rizal na ilibing siya sa Paang Bundok (kung saan nandun ang Manila North Cemetery ngayon) at maglagay lang ng isang krus at lapida kung saan nakalagay ang kanyang pangalan, araw ng kapanganakan at kamatayan. Yun lang at wala ng iba. Ayaw din niyang gunitain pa ang kanyang death anniversary. Eh kaso, nandun siya ngayon sa Rizal Monument sa Luneta at bawat taon, ginugunita natin ang annibersaryo ng kanyang kamatayan.

Naisip ko ang mga bagay na ito nitong nakaraang All-Siants Day, habang pinagmamasdan ang mga taga Jalajala na nasa sementeryo at kapiling ang mga mahal sa buhay na namatay na. Ilan kaya sa mga namatay na iyon ang may mga kahilingan bago sila namatay at kung natupad ba ang mga iyon. Malamang karamihan sa kanila ay hindi na nakapagsambit man lang ng last wishes. Pero may mga kilala akong tao na ngayon pa lang ay sinasabi ng nais nilang sa Garden Of Peace ilibing. Ayaw na daw nilang makisiksik sa lumang pantyong.

Ikaw, saan ka?

Achecheche….

Tuesday, October 21, 2008

smps cheerdance competition 2008



Salamat sa USTE TIGERS for providing us this Youtube videos ng SMPS Cheerdance Competition 2008, held last month. Wala ako nung ginanap ito pero buti na lang may mga taga JJ na nag-post sa internet but from what i heard, masaya yung competition. The students really prepared and practiced hard. Ayos din ang mga outfit nila.

Check out the other videos of UsteTigers, ang kukulit hehe laughtrip

*sorry for the late posting, medyo busy lang hehe

Wednesday, October 1, 2008

mutya ng parokya 2008

Ginanap nitong nakarang Sabado ang coronation night ng Mutya ng Parokya 2008 ng Jalajala, isang fund-raising beauty pageant presented by the St. Michael Parish Church led by our parish priest Fr. Elnar. Isang malaking success in terms of fund raised and the excitement it generated among our towk folks ang naganap na patimpalak. At nito ngang nagdaang Sabado ng gabi, kahit na malakas ang ulan ay dinagsa pa din ng tao ang coronation night upang makiisa sa kasiyahang ito.



Para sa karagdagang mga larawan, pindot lang dito JJ FLICKR

Friday, September 26, 2008

smps foundation day 2008

Katatapos lamang kanina ng Saint Michael Parochial School Foundation Day celebration, a week-long festivities, featuring dance competitions, sports-fest, quiz bee competition at syempre, ang walang kamatayang mga booth-booth gaya ng jail booth, weddding booth at dedication booth among other things. Sobrang enjoy ng mga mag-aaral, lalo na ang mga freshmen students na ngayon lamang naranasan ang isang linggong kasiyahang ito.

Subalit nagtapos man ngayong araw na ito ang selebrasyon, syempre, may pahabol pa. Sayawan sa Martes! Yes! Naalala ko tuloy nung kapanahunan namin.... hay...

Eto nga pala ang ilang mga litrato.

Si Mam Tess, yeah! astig.

Makulay na mundo ng SMPS

Cute nya, no?

SMPS pre-school, starting 'em young


Para sa karagdagang mga larawan, pindot lang dito JJ FLICKR at baka sakaling makita mo ang iyong sarili :)

Sunday, September 21, 2008

mutya ng parokya 2008

Ngayong umaga ang huling bilangan para sa patumpalak ng Mutya ng Parokya 2008 ng Parokya ng San Miguel Arkanghel ng Jalajala, Rizal.

Subalit, subalit, subalit, ipagpatawad nyo at hindi ko mailista dito ang mga pangalan ng mga kalahok ng bawat baranggay dahil malabo ang pagkakakuha ng aking photographer errrr---

Pipilitin nating makuha ang mga pangalan at kung sinong nagwagi.


*UPDATE 1 : At ang nagwagi... (drum roll) Finella Angela Monakil....





Friday, September 5, 2008

smps buwan ng wika


Paggunita ng St. Michael Parochial School sa "Buwan ng Wika" na ginanap nitong nagdaang Agosto.


Para sa karagdagang mga larawan, pindot lang dito JJ FLICKR at baka sakaling makita mo ang iyong sarili :)

Tuesday, September 2, 2008

taga smps ka ba?

Kakaiba na ang Saint Michael Parochial School kumpara sa school na alam ko nuon. Mas makulay na sya ngayon, mukhang mas mataas na ang standards ng edukasyon. Mukhang mas matatalino ang mga mag-aaral.



Iba na rin ang imahe ni San Miguel na nakadikit sa pader.



Subalit gaya nga nung makita ko si Odok, may mga bagay pa ding hindi magbabago. At ito ang kakulitan ng mga mag-aaral ng SMPS. Katunayan? Tingnan ang larawan.


Ginawang basurahan ang paa ni San Miguel errrrrr---

Sunday, August 31, 2008

walang kupas

Madami na ring bago sa Jalajala, aking nakita nung ako'y nakapaggalang muli sa bayan. Maraming bagong mga bahay na ginagawa at nagawa. Pero nakatutuwa ding malaman na sa tagal kong nawala, mga dalawang buwan errrrr--- ay may mga hindi pa rin nagbabago.

Isa na rito si Boyvits a.k.a Odok na sinalubong ako ng walang kupas na "pare, pare pare..."

Nice.



Thursday, August 28, 2008

"babalik, babalik ka din..."

Masayang bumalik sa bayang kinalakihan at sa aking pagbalik, ito ang aking natunghayan....



Bagong munisipyo.... nice.



Tuesday, August 12, 2008

nuon yun

*a little something I wrote back in 2000

Ang akala ko nuon
Walang ibang panahon
At muling darating
Ang hukbo ng Hapon.

Pag-angat ng bandera
Nasa taas ang pula.
Magagalit ang titser,
Magtatawanan ang iba.

Di ko malilimutan
Ang panatang makabayan.
Meron pang nutribun,
At ano ang palaman?

Di marunong mahiya.
Ayos lang ang mandaya.
At kapag nakulto,
Balik ka sa uno.

Natatandaan mo pa ba
Nuong ika’y bata pa?
Di ba’t madaling magsaya?
Wag lang laging taya.

Back in 2000, in the dark ages of my existence, songwriting was my hobby (or at least trying to write a song). I wrote this supposed-to-be-a-song-lyric “Nuon Yun’ while reminiscing about my elementary days in Jalajala. I remembered back in grade 1, I thought the Philippine history begins and ends with the Japanese invasion back in the second world war. I suspiciously look over the mountain tops, thinking that the Japanese forces were there, looking down at the hapless Filipinos, just waiting for the right time to shout “Banzai!” and attack again.

That is why when I was assigned in flag raising ceremonies, I was always aware not to put the red side of the flag on top, instead of the blue, because a classmate told me that during the war, Philippine flags are raised that way, with the red side on top. But of course, my fear happened one day. The Japanese didn’t attacked, probably they’re too busy making Toyotas, but my classmate and I raised the flag the wrong way. We only noticed our error when the other children started laughing at us. Since then, whenever asked, I always decline to do the flag raising again, instead, I’d rather do the Panatang Makabayan recitation with mic in hand. Yeah, I memorized that nationalistic pledge back then but now, all I can remember is “panatang makabayan, iniibig ko ang Pilipinas…” and that’s all.

The Marcoses, in their desire to nourish their hungry constituents, introduces the “healthy” and cheap Nutri-buns. Those bread were indeed cheap but healthy? That is why I asked “anong palaman?” because it was said that some pupils found cockroaches inside the buns. Crunchy. Yummy.

Cheating, in school work and in games outside the classrooms, were a fact of pupil-life back then. “Everybody is doing it so why shouldn’t I?” That was the thinking then and besides, we’re still kids, we still don’t know what is right and what is wrong, right? Wrong.

“Kapag nakulto, balik ka sa uno”. This is a rule from our childhood version of golf. It was a “Jolen” game, not the actress, but marbles. From a starting line, we try to “shoot” the jolen in little holes dug in the dirt. From hole number 1 to, say, hole number 5 then back again. If your jolen ended up in the wrong hole, you’re said to be “nakulto” and you have to start all over again.

They say when one starts reminiscing about their time, it was a sign of getting old. You are old when you say “nuong panahon namin, blah-blah-blah…” but who cares, it’s fun reminiscing about the good ol’ time. As one starts getting older, it was harder and harder to have clean, cheap fun.

Di gaya nuong panahon namin, laro lang ng laro, masaya na, wag lang laging taya.

Monday, July 21, 2008

rp-us bayanihan school baseball

Mahilig ang mga taga Jalajala sa larong basketball. Obvious naman iyon. Marami din ang mahilig maglaro ng volleyball. At kapag wala namang magawa, apoy ang nilalaro nila (but that’s another story).

Pero, subalit datapwat, ako’y nagtataka kung bakit ang nilalaro sa Jalajala Elementary School ay baseball. Nung kapanahunan namin, si Mr. Ramirez ang coach/manager ng baseball team ng JES na lumalaban sa ibang teams ng ibang school sa Province of Rizal school district. May mga manlalaro pa nga ng JES na nakasali sa STRAA sports meet na karaniwang ginaganap sa Marikina Sports Complex.

Hindi ako nakasali nuon dahil lampayatot ako, mabigat ang steel bat at takot ako sa mabilis na bola subalit naglalaro kami nuon ng baseball sa Elementary gamit ang mga home-made baseball equipments. Ang mga baseball gloves ay gawa sa tiniklop-tiklop at tinahing karton, maghahanap ng isang tamang haba at tabang kahoy at tennis ball ang aming hahatawin. Highlight ng baseball career ko ay nuong naka-“homerun” ako, tinamaan ko ang tennis ball at tumalsik lampas sa flagpole mula sa homebase malapit sa dating room namin nuong grade 3. “Lowlight” naman ay nuong isang beses na nagpa-practice kami sa aming bakuran, tinamaan ko din ang bola subalit tumalsik iyon sa mukha ng lola ko. Homerun tuloy ang pwet ko sa palo ng aking lola.

Sidenote: Kapag may naa-out na player nuon, “mindawn” ang tawag namin, gaya ng “one mindawn, two mindawn” at kapag nakatatlo ng “mindawn”, iyong kabilang koponan naman ang hahataw ng tennis ball. Later ko na lang nalaman na “man down” pala yun (one man down) meaning out na sya.

Anyway, may teorya ako kung bakit baseball ang laro sa JES. National sport kasi ng Estados Unidos ang larong baseball. Malamang ay itinuro sa mga taga-Jalajala ang larong baseball ng mga Amerikanong nagpatayo ng RP-US Bayanihan School Building na matatagpuan sa JES. Ang gusaling ginawang library ng JES na di naman pwedeng hiramin ang mga libro. Ang gusaling nagagamit lamang kapag may mga bisitang darating at kailangan ng isang maaliwalas at maluwag na kwarto. Ang gusaling ginagamit lamang kapag panahon ng botohan bilang voting precinct.

Kung di mo alam kung saan yung gusaling iyon, di ka kasi sa JES nag-aral, ay istupid.

Tuesday, June 24, 2008

mapipilitang magbukas ng delata sa bayugo

Mapipilitang magbukas ng delata ang mga taga-Bayugo…” sabi sa akin ng isang tagabayang kakilala isang araw na piyesta ng Bayugo, ilang taon na ang nakalilipas.

Hindi ko agad na-gets ang kanyang ibig sabihin subalit nang aking makita ang maraming tagabayang papunta ng Bayugo para mamiyesta, natawa na lang ako at sumang-ayon sa kanyang sinabi, “oo nga, mapipilitan ngang magbukas ng delata” habang ini-imagine ang isang eksena sa isang bahay sa Bayugo na sa sobrang dami ng namiyesta, naubos na ang kanilang handa at nagbubukas na lang ng mga delata para lang may mapakain sa mga tao (incidentally, ayon sa May 2008 survey dito sa blog, 55% ng mga bumoto ang nagsasabing masarap mamiyesta sa Bayugo. Bakit kaya?).

Pwede namang diretsang sabihing maraming mamimiyesta sa Bayugo, tipikal sa isang taga-Jalajala na lagyan ng kulay at pabulaklakin ang nais sabihin. Hindi ito unique sa Jalajala, alam ko, subalit gaya nga ng naisulat ko dati, may mga sinasabi tayong parang sa Jalajala ko lang naririnig.

Case in point, si Pips. Nagkukwento siya nun tungkol sa isang sabong na kanyang napanood. Patay kasi agad ang isang manok sa unang pagtalon pa lang. “Walang-wala sa manok ng Orig, oh…” sabi nya habang pinipitik-pitik ng kanyang hinlalaki (thumb) ang kanyang hinliliit (pinkie finger) na para bang pinapahiwatig na walang kalaban-laban ang manok, sisiw lang, isa lamang dumi sa kanyang hinliliit na pinipitik-pitik lang para maalis. “Orig” din ang tawag niya sa mga taong magaling sa isang bagay. Sa kanya ko din narinig ang expression na “sigaw, aba”.

Then one time, habang nakatambay kami sa isang tindahan sa gitnangbayan, dumating si Bob, uhaw na uhaw at bumili ng isang litrong coke. Tinungga nya iyon.

“Walandya si Bob, aba, nagpapang-abot ang bula…” sabi ng tindero.

Natawa na lamang kami. Imagine-in nyo na tumutungga kayo ng Coke, di ba bubula siya sa loob? Now, isipin nyo na sa sobrang uhaw, sunud-sunod ang ginawang pag-inom ni Bob na nagpapang-abot ang bola sa loob ng bote ng Coke. Imposible, oo, pero nais lamang sabihin ng tindero na uhaw na uhaw nga si Bob.

Kung bagong salta kayo sa Jalajala at may isang lalaking tumawag sa inyo ng “pamangkeng” subalit di nyo naman siya kakilala at sigurado kang di ka nya pamangkin, wag kang mag-alala., hindi siya isang long-lost relative. Siya ay si Ogie A. at mahilig lang siyang tumawag ng ganun sa kahit na sinong na-tripan nyang tawagin.

Isa ako dun.

Pero teka, pamangkin nga ata ako ni Ogie… hmmmmmnnnn…

Tuesday, June 17, 2008

107th araw ng lalawigan ng rizal


youtube videos courtesy of kenmarkin. Cick the link to watch more videos of the celebration.


Kasabay ng Philippine Independence Day celebation, pinagdiwang din natin ang Araw ng Lalawigan ng Rizal nuong June 11. Ngayong taon, ang bayan natin ang host at ginanap ang isang parada sa Jalajala, kung saan nakilahok ang iba't ibang bayan ng Lalawigan ng Rizal.

Batay sa kwento sa akin ni Boyvits, nuon daw 1853, itinatag ang isang distrito kung saan ang mga bayan ng Antipolo, Bosoboso, Cainta at Taytay na bahagi dati ng probinsya ng Tondo ay isinama sa mga bayan ng Morong, Baras, Tanay, Pililla, Angono, Binangonan at Jalajala na mula sa probinsya ng La Laguna. Makaraan ng apat na taon, tinawag itong Distrito Politico-Militar de Morong.

Nuong June 11, 1901, pinagtibay ng kauna-unahang Philippine Commission ang Act No. 137 na nagtatag ng bagong probinsya na ipinangalan sa ating pambansang kamao na si Pacquiao--- este-- pambansang bayani pala, na tinawag na Lalawigan ng Rizal. The new province was composed of 27 municipalities, 15 from the old province of Manila (Caloocan, Las Piñas, Malabon, Makati, Parañaque, Mandaluyong, San Juan, Navotas, Muntinlupa, Taguig, Pateros, Pasig, Marikina, San Mateo, and Montalban (now Rodriguez)); and 12 from the Politico-Militar District of Morong, (Angono, Baras, Binangonan, Cainta, Antipolo, Cardona, Jalajala, Morong, Pilillia, Tanay, Taytay and Teresa). The seat of the provincial government is Pasig.

Eh bakit nawala sa atin ang ilang bayan gaya ng Makati, Pasig at Mandaluyong?

Dahil nuong November 7, 1975, by virtue of Presidential Decree No. 824, the 12 towns of Las Piñas, Parañaque, Muntinlupa, Taguig, Pateros, Makati, Mandaluyong, San Juan, Malabon, Navotas, Pasig and Marikina were incorporated into the newly formed Metro Manila Region thereby leaving the remaining 14 towns to the Province of Rizal.

Isa sana sa pinakamayamang lalawigan ang Rizal kung hindi nahiwalay ang mga bayang iyon.

Well, ok lang yun, bampapanget naman ng mga tao dun.. beeehhhhh!!! (bitter)

Friday, June 13, 2008

kalayaan mula kay katya at sexbomb

Ipinagdiwang ng bayan ng Jalajala ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas nitong nakaraang Hunyo 12. Kasama sa pagdiriwang ang iba't ibang mayors ng bawat bayan ng Rizal, sa pamumuno na rin ng punongbayan natin na presidente ng Rizal Mayor's League. Nagkaroon ng parada sa umaga, at pagdating naman ng gabi ay nagkaroon ng isang entertainment show sa plaza. Nanduon bilang mga panauhin ang Sexbomb, ang bandang Parokya Ni Edgar, si hotbabes Katya Santos, at ang dating bise-gobernador natin na si Jestoni Alarcon na ibinoto ko (yes!).

Subalit malaking panghihinayang ng ating mga kababayan dahil wala ako duon (ehem ehem). Oo, di ako nakapanood at gusto ko din magpaumanhin dito kay Katya Santos dahil pinilit pa niya ako na panoorin ko daw sya subalit ako ay sobrang busy ngayon kaya babawi na lang ako sayo Katya. Sorry.

Nagtanong na lang ako sa isang kakilala kung anong mga nangyari nung gabi at eto ang kanyang report:

Charice: heyz, nanuod kmi last nyt
Ako: maganda b? dmi tao?
Charice: yupsz, hindi ka makakahinga dun sa sobrang rami ng tao, 5 p lng ndun n kmi hehe
Ako: ang aga nyo naman, 5pm andun n kayo, wat time ng start yun program
Charice: eh buti nga maaga kmi eh
Ako: cno cno guests?
Charice: sexbombs,katya santos,parokya ni edgar and jestoni alrcon
Charice: nung dumaan c katya sanatos hidni nmin alm ang gagawin nmin ni isha haha
Charice: takbo kmi sa court na walang pera yun pla kailagna kaya bumalik ulit kmi sa house hahah
Ako: hahaha, akala nyo libre ha
Charice: hehe
Ako: me bayad entrance? how much naman
Charice: 10 pesos sa lgay n yun ala kmi dala pera tlga
Ako: anobayan haha
Charice: hehe and mura ang sim card bale un ang pinaka entrace fee
Ako: mgkano, 10 nga? anong sim? globe?
Charice: TM
Ako: buti naman nakapwesto p kayo ng maganda
Charice: ava nakipagsiksikan kimi haha
Charice: ang sexy pla ni katya then ang puti puti and magnda pa sobra
Charice: may kinuha cyang boy then pinakiss kung saan saan sa likod nya sa arms sa cheeks (left to right) sa hands sa bewang haha
Ako: ang taba nya di ba
Charice: hindi sexy ah
Charice: tpos meron ulit kinuha c katya na boy pinahawak sa ilalim ng boobs nya dapat daw hindi mhawakan yun haha eh pataas ng pataas ung hands haha nung boy malpit dun sa boobs nya dapat bawat galw ni katya kasunod cya hindi pde matanggal eh kung anu anu galaw pa ang ginagwa ni katya hahahaha
Ako: hehehe
Charice: ang sya tlga sobra
Ako: yun parokya ni Edgar, galing nila mg perform ano
Ako: na watch ko n rin sila ng live eh
Charice: oo sobra. may san miguel beer pa and sigarilyo sa kamay
Ako: eh ano pa happen, yun mga mayors, madami b dumating
Charice: hindi q nmn alam kung cnu mga mayors sabay2x kc maglakad haha
Charice: ang nakilala ko lng c mayor elionor i pillas, see, alam ko p real name
Ako: ah, so me parade before nun program
Charice: yupsz ang aga nung nagpaparade nakapantulog p kmi ni isha haha
Ako: eh yun parokya ang cute b nila
Charice: hind noh hehe
Ako: pero okey naman, magaling naman
Charice: magaling tlga kada kanta may humihiyaw kxama n ako dun
Ako: hahaha, natandaan mo mga kinanta
Charice: uo nman. buloy, halaga, inuman nah, dis guys in luv with you pare
Ako: e c jestoni, ano ginawa?
Charice: nagsalita anu fhe
Ako: hahaha yun lang? sana kumanta din
Ako: nakisigaw ka ba kay jestoni
Charice: hindi heheh
Charice: kay katya and and sexbombs and prokya ni edgar lang
Charice: andun din sexbombs lgi ako nginingitian nung isa with matching kindat kindat cguro nakyukyutan sakin hehe
Ako: sumayaw sexbomb? sino sino sexbomb?
Charice: ewan ko bxtha sexbomb haha
Ako: hahaha wala ka b kilala sa sexbmb? channel 2 k kc e yucckkkk
Ako: ano oras ntapos?
Charice: mga 9pm ata
Ako: o e asan ang mga pictures at video na kuha mo?
Charice: e asan muna yun dvd ng HSM?
Ako: bwiset!
Charice: hahaha asan nga dvd kpalit?
Ako: lumipad at dumapo sa kalachuchi...


*power image video courtesy of sc0rpio9man

Sunday, May 18, 2008

flores de mayo 2008

Kahapon ay ginanap ang flores de mayo 2008 sa Jalajala at dahil wala ako sa Jalajala kahapon, hindi ko iyon napanood hehehe. Pero ayon sa aking nabalitaan, matagumpay naman itong naidaos, hindi inulan (like the past Flores De Mayo).

I'll write more about it when and if i can get more info.

But for now...

Congrats kay Marc John Estrellado (Hermano) at Ma. Carlyn Carpio (Hermana).

Thursday, May 15, 2008

SMPS, revisited too

Natatandaan nyo pa yung March survey natin? Tinanong ko dun kung saan magandang mag-enroll ng highschool sa Jala-jala since kakagraduate lang sa Elementary ng pamangkin ko. 42% ang bumoto na sa SMPS sya mag-enroll.

Ayun, sa St. Michael nga sya mag-aaral at may mga bagong patakaran sa SMPS na aking napag-alaman. Para sa mga incoming persyir, pinaghihiwa-hiwalay nila ang mga honor students galing sa iba't-ibang paaralang elementarya na nais mag-aral sa SMPS. As much as possible, magkakahiwalay sila ng sections para sa unang taon at sa susunod na taon na lang pagsasama-samahin (at least yun ang pagkakaintindi ko). Hindi ko alam kung ano ang rason para dun pero may mga bagay-bagay lang akong naiisip.

Simula kasi nung mag-aral ako sa SMPS, halos pare-pareho kasi ang mga naging kaklase ko hanggang makagraduate. Mas maganda ang naging samahan namin, mas matibay ang pagkakakaibigan dahil magkakasama kaming humarap sa pagsubok ng persyir hanggang portyir. At alam naman natin na ang mga naging kaibigan natin nung highschool ay malamang na maging kaibigan natin por layp dahil sa kakaibang bonding na nagaganap during our highschool life. At sa bagong policy na ito n SMPS, parang mababawasan ng isang taon ang maaari sanang magiging samahan ng mga istudyante nila.

Ewan ko lang, siguro ay nagpapaka sentimental achuchu lang ako, maaaring wala din namang epekto sa mga bata ang ginawang ito ng SMPS pero para sa akin lang, mas mainam sana kung dating gawi pa din ang gagawin ng parochial school.

Bow.


***

Para sa mga interesado, 12,000 pesosesos sana ang babayarang tuition (and other expenses) ng pamangkin ko subalit nabigyan siya ng full scholarship at halos kalahati lang ang kanyang binayarang miscellaneous fees, including the books.

Magkano nga lang ba ang tuition namin nun?

Saturday, May 3, 2008

website ng jalajala ayon sa wikipedia

click the image to enlarge

Y
ahoweeeeeeeeeeee!!!


Ako nama'y medyo natutuwa... okay, okay, sobrang natutuwa dahil sa aking natuklasan sa wikipedia kahapon. Ang nakalagay kasi sa link ng website for Jalajala ay ang website na ito. It feels nice that this site is being recognized that way. Check out the picture above and this LINK.


Mababaw lang naman akong tao kaya sa akin lang, e this calls for a celebration. Isang GranMa nga dyan...


Thursday, May 1, 2008

psycho-killer-rapist ng Rizal (revisited)


Natatandaan nyo pa yung binalita ko sa inyong psycho/killer/rapist daw na gumagala sa Jalajala nuon? Apparently, may billboard na rin pala siya (allegedly) along EDSA kasama ng mga sikat na product endorsers hehe

Mukhang ang mga nabasa nyo nuon dito sa blog ay halos kapareho din ng mga sinulat ni Kris Canimo ng Standpoint. At hindi nga lang sa Jalajala nabalita ito kundi hanggang Pasig City at sa iba pang lugar.

Naniniwala ka na ngayon sa balita?

O hindi pa rin?

Buti na lang, mukhang hindi ito nabalitaan o pinaniwalaan ng mga JRU nursing students na kasalukuyang nasa Jalajala ngayon bilang parte ng kanilang community immersion program.

Sunday, April 27, 2008

memories of a lake

Sa dagat ako natutong lumangoy, sa Laguna de Bay in particular. Natatandaan ko pa, nasa isang fish pond kami nun sa laot. Hindi pa ako marunong lumangoy nun at kumakapit lang ako sa mga kawayan. One time, paglipat ko from one kawayan to another, di ko natantya ang layo. Kapos ang pagtulak ko sa sarili. Hindi ko aabutin ang tinatarget kong kawayan destination.

Biglang flashback sa akin ang itsura ng mga taong nalulunod. Yung bloated sila, kulay green at parang kinain na ng mga isda. Yucky, ayaw kong maging ganun kung malulunod ako. Biggest fear ko pa naman ang malunod. Sa tingin ko nga, in my past life, sa Titanic ako namatay at nalunod. Jack... Rose... (errrr-- let's save that for another story).

Ayun nga, hindi ko aabutin ang kawayan. Malulunod ata ako. Survival instinct, ginalaw ko ang mga kamay ko, pinadyak ang mga paa. Lumalangoy ako! I'm swimming! I'm swimming! Ganun lang pala. From that day on, pwede na akong sumagip ng isang magandang chikas na nalulunod dahil marunong na akong lumangoy. Mouth-to-mouth resucitation na lang pag-aaralan ko pero madali na yun, marunong naman akong kumiss (uhmmm-- tanga, iba yun.) (e basta, wag ka makialam, ako nagsusulat) (teka, sino ba kausap ko?)...

Natatandaan ko din nun, lagi kami sa pantalan at sa baybaying dagat nung bata pa ako. Syempre, jume-jerk sa crush kong taga-Dunggot. Masarap tumambay sa may dagat, fresh ang hangin (maliban na lang sa amoy tae ng kalabaw minsan), maganda ang sunset, maganda ang crush ko. Nagpapalipad din kami nun ng saranggola at naglalaro ng habulan. Oo, isip bata pa ako nun kaya siguro di ako pinansin ng crush ko. Bitch.

Subalit mas maganda ang baybaying dagat sa may baryo, simula sa Punta hanggang Bagumbong. Mas malinis para sa akin, buhangin pa ang ilalim. Natatandaan ko pa nun na nangunguha kami ng tulya habang naliligo sa Pagkalinawan. Pag-uwi, namumula ang mga mata, kulubot at sugat-sugat ang mga daliri pero may ulam namang tulya.

O e ano naman ngayon? Anong konek ng istorya ko?

Well, ayon sa report ng LLDA, malapit ng mamatay ang dagat natin.

LAGUNA de bay dying. Fishkills, growing number of dengue cases, illegal reclamation of shoreland areas, forest denudation, siltation, heap of dumps, heavy metal traces of fish are the contributors to the current state of the Laguna de Bay.

Facing the big task to somewhat revive a once pristine lake, Laguna Lake Development Authority General Manager Edgardo C. Manda formed a coalition to “rescue” the large body of water and create a pivot point to end disregard to the environment.

Darating ang panahon na ang kinuwento ko sa inyo ay hindi na mararanasan ng mga susunod na henerasyon (that is, kung interesado pa rin silang gawin ang mga kinuwento ko. Wala kasing Friendster sa dagat hehe).


Dumaan kanina sa bayan natin ang tinatayang 1,000 cyclists from different cycling associations from key cities of Metro Manila, Bulacan, Bataan, Rizal and Laguna. Parte sila ng "Save The Laguna Lake Bike Caravan". Nagsimula ang caravan kahapon sa Taguig, umikot sa mga bayan sa Laguna at kanina nga, dumaan sa Jalajala ang mga cyclists papuntang Taytay, ang huling hinto ng caravan.

Sana nga lang, ang programang ito na sagipin ang lawa natin ay hindi maging isang ningas-cogon.

Ay eto pa, naalala ko. Mahilig nga pala kaming maghulog ng barya sa jukebox sa may pantalan. Ang kantang lagi naming pinapakinggan, "tears on my pillow, pain in my heart, caused ba youuuuu huhuhu..."

Syempre, dedicated sa chikabaes from Talim Island na nakilala namin. Sa pantalan namin sila huling nakita, isang hapong papalubog na ang araw.

Wednesday, April 16, 2008

"itlog" ni rosemarie sa jalajala

Unang nakilala si Rosemarie Joy Garcia sa isang pelikulang may pamagat na “Itlog” na kinuhanan sa Jalajala Rizal nuong 2002. Mag-aapply sana siyang entertainer sa Japan subalit namataan siya ng Seiko Films at kinuhang artista.

Ang pelikulang “Itlog” ay tungkol sa isang babaeng napilitang magpakasal sa isang mas mayamang matandang lalaki (na ginampanan ni Celso Ad Castillo) na nagmamay-ari ng isang duck farm sa Jalajala para mabayaran ang utang ng pamilya ng babae. Nakasama nila sa duck farm ang isang ex-con na binata na inampon ng matanda at dito napukaw ang damdamin ng dalaga para sa binata. Dumating din sa duck farm ang anak na lalaki ng matanda na gustong kuhanin ang kayamanan ng ama. Dito umikot ang istorya ng pelikula.

Ayon sa film review ng Catholic Initiative for Enlightened Movie Appreciation, ang pelikulang “Itlog” ay umikot sa temang KKK, kalaswaan, kasakiman at karahasan. Ganun pa man, nakilala sa pelikulang ito si Rosemarie Joy bilang hubad na bidang babae. Di nagtagal, nasundan pa ng ibang pelikulang may katulad na tema na kanyang pinagbidahan gaya ng “Bakat”, “Kasiping” at iba pa. Mas naging sikat pa si Rosemarie Joy ng makuha siyang talent ng GMA-7 Network kung saan lumabas siya sa Bubble Gang, Engkantadia, at nasundan pa ng iba pang sikat na shows.

Naging regular din siyang nakikita sa mga magazines at tinanghal pang isa sa mga pinakaseksing babae sa Asya.

Malamang ay kilala nyo na si Rosemarie Joy Garcia na mas kilala sa pangalang Diana Zubiri.

Anong kaugnayan ni Diana sa Jalajala?

Dati ko kasi siyang ex-gf na aking hiniwalayan dahil ayoko na sa kanya. True story. Peksman.



*download/view sample video clip of Itlog HERE (for adults only)

Monday, April 14, 2008

no kubeta (sa jalajala), an i-witness documentary

Kadalasan, masarap ang pakiramdam kapag nati-TV, kahit saglit lang makita ng mga kakilala mo ang iyong karakas sa TV, masaya ka na. Kahit pa nga ang bayan mo, kapag na-TV, masarap ang pakiramdam. Proud ba.

Maliban na lamang kung ang paksa ay gaya nito.




pasintabi po sa mga kumakain...

Ayon sa I-Witness documentary ni Sandra Aguinaldo, wala raw kubeta sa lugar na ito sa Jalajala. Hindi ko alam kung saan talaga sa bayan natin ang kuha sa dokyumentaryo, pero kung babasahin ang report na ito mula sa Inquirer.net at sa pinoypress.net tungkol sa dokyu ng I-Witness, tipo bang sinasabi nila na sa buong Jalajala, karamihan ay walang palikuran.

Ekskyus meeeeeeeeeeeeeee… like DUH! Wala raw comfort room sa town natin? Hindi kaya, meron po, no? Nakakahiya the report to my friends…

Hindi natin maikakaila na ilan nga sa mga kababayan natin ay wala talagang kubeta. Pero para isipin na karamihan ay walang C.R., hindi naman ata tama yun. Madali kasing paniwalaan iyon ng mga taong hindi pa nakakapunta sa bayan natin, mas lalo na yung di pa naririnig ang lugar natin. Iisipin talaga nila na malayo tayo sa sibilisasyon.

Pero, subalit, datapwat, may mga katanungan tayong dapat itanong, at sana ay masagot. Unang-una na ang sino ba ang mayor nyo? Sino ba ang mga dating mayor nyo at hanggang ngayon ay may mga lugar pa ding walang kubeta.

Madaling sisihin ang pamahalaan natin, lokal man o nasyonal. Hindi nga ba’t tungkulin nilang pagandahin ang buhay ng kanyang mga nasasakupan? Lalo na iyong mga basic necessities gaya ng malinis na inuming tubig, katahimikan, maayos na kapaligiran, at iyon na nga, palikuran para sa mga nangangailangan.

Pero para sa isang pangangailangan na kayang-kaya naman nating gawan ng paraan, bakit pa natin iaasa sa iba, bakit pa natin idudulog sa mayor? Hindi ba natin kayang gumawa ng sariling kubeta, kahit iyong hinukay lamang? Kahit naman walang toilet seat, basta may isang lugar lamang na tinutuwaran kapag nadudumi ay ayos na. Para lamang hindi nakakalat ang iyong sama ng loob na maaaring maapakan mo, kainin ng alaga mong aso, o kaya ay maamoy ng iyong kapitbahay. Sabi ng katabi ko, mainam na rin daw iyon dahil pataba sa lupa ang ebs ng tao. Ewwwww… kahit pa. Kakainin mo ba ang pechay na pinataba ng tae ko?

Sa akin lang naman, hindi dahilan ang kahirapan para sabihing sa bukid na lang tatae, sa damuhan, sa gubat, o gaya nung napanood natin sa dokyu, sa tabi ng isang poste.


Tuesday, April 1, 2008

gagawing subdivision ang jj?

Mainit na balita at mahalaga para sa iyo.

Simula ngayong April 1, magdadatingan na ang mga naglalakihang trak at buldozer sa may Brgy. Bayugo at sisimulan na ang pagtatayo ng isang malaking subdivision na sasakop sa kalahati ng Bayugo hanggang parte ng Gitnang Bayan.

Napag-alaman ko sa isang very reliable source na naibenta na ng mga de Borja, na sinasabing nagmamay-ari ng Jalajala, ang parteng ito ng lupa sa isang grupo ng Fil-Chinese businessmen at Taiwanese investors. Mapapaalis sa kanilang tinitirahang lupa ang mga taga Jalajala na maaapektuhan.

Sinubukang pigilan ang proyektong ito ng lokal na pamahalaan ng Jalajala subalit wala silang nagawa ng ipagpatibay ang proyekto ng Korte Suprema.

Sa iba pang mahahalagang balita.

April 1 today na mas kilala sa buong mundo bilang April Fool’s Day kung kailan sinasabing wag kayong maniniwala sa mga bali-balita lalo na kung hindi kapani-paniwala. Ang mga naniwala sa mga gawa-gawang balitang ganun ay sinasabing April Fools.

Pero alam nyo ba na sa kalendaryo ni Chuck Norris, pakatapos ng March 31 ay April 2 kaagad? That’s right. Because nobody can fool Chuck Norris.

Corny.

Friday, March 28, 2008

patawad sa holy weeks


Pre, nakauwi ka ba ng Jalajala nung Mahal na Araw?

Oo nga e, bitin nga yung holiday. Dapat two weeks ang Holy Week, dagdagan natin ng “s”. Sarap din kasi sa Jalajala, laid back, recharged ka talaga. Lalo na nung mga bata pa tayo, di ba? Kapag Mahal na Araw na, ibig sabihin, simula na ng summer vacation. Mag-uuwian na rin sa bayan yung mga magagandang taga Maynila, rawrrrr… Dumadami ang tao sa Jalajala, tas hanggang Fiesta na sila sa atin. Aakyat pa nga tayo ng Santong Lugar nuon para makasilay, tas pag-uwi, pahinga lang ng saglit ta basketball naman maghapon. Pagdating ng gabi, prusisyon naman para makasilay ulit. Nitong huling Holy Week, dami pa ding chikababes, di ko na nga lang mga kilala. New generations hehehe…

Pero natatandaan ko nun, may mga bagay akong ayaw tuwing Holy Week. Di ba bakasyon yun, madami kang nakakasama kaso KJ ang mga oldies. Bawal daw magsaya, bawal maingay. Patay daw ang Diyos. Dapat daw magluksa. My golly, inang, panahon pa ni kopong kopong yung kaugalian nyong yun. Pero sympre, sila ang nasusunod. Yung bawal maligo sa Holy Friday, ayos lang yun. N/A. Not applicable sa akin hehehe

Isipin mo din pre, kahit ngayong malalaki na tayo, masasabi mo bang sinisiryoso mo ang tunay na essence ng Holy Week? Na namatay si Jesus para masagip tayo, para mapatawad tayo sa mga kasalanan natin, para magpatawad tayo sa mga nagkasala sa atin, tulad ng pagpapatawad sa ating mga pagkakasala sa iba. Siguro kapag nagsisimba lang, maiisip natin yun pero the whole holiday vacation? Aba eh. bakasyon lang talaga. Sarap eh.

Ang masarap din, yung ipapako din natin sa krus yung mga taong nagkasala sa atin hehehe Nine-inch-nail sa mga kamay at paa nila. May mga tao kasing nagkasala sa atin na mahirap patawarin, mahirap sabihin na pinapatawad na kita at kalimutan na natin.

“Hindi pwede, eto ang pako sa yo. Tanga ka kasi eh, alam mo ng mali ang ginawa mo, ginawa mo pa rin. Magdusa ka sa krus mo. Sasamahan ko pa ng koronang tinik, yaaaahhh!!!”

Okay sana yun no? Pero isipin mo din pre, wala ka din bang kasalanan sa iba? May mga taong mas matindi ang kasalanan sa iyo, oo, pero may mga nasaktan ka ding tao. At sa kanila, gaano man kaliit ang kasalanan mong iyon, nasaktan pa din sila at may hawak din silang pako na handang ibaon sa mga kamay at paa mo. Kahit pakong bakya.

Maipapako mo ba sa krus ang mga taong may kasalanan sa iyo kung ikaw mismo ay nakapako din sa krus at nagdurugo ang mga kamay?

Oo nga, mas mainam na nga yung “I’m sorry” at “I forgive you”.

“He who has no stone cast the first sin.”

Errrrr… parang baligtad ata.

Monday, March 17, 2008

taga jalajala sa youtube



"zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz...."

Kuya Jeran, nakatulog.

shhhhhh...

Thursday, March 13, 2008

francisco gellido, world boxing champion

June 18, 1923, Polo Grounds in New York. Sa harap ng 20,000 boxing fans, kalaban ni Filipino boxer Francisco Gellido ang isang dating kampyon na nagngangalang Jimmy Wilde para sa bakanteng World Flyweight Championship. Isang baguhang boksingero laban sa isang dating kampyon. Mainit ang laban ng dalawang boksingero. Fourth round, napabagsak ni Gellido si Wilde pero matibay ang dating kampyon at muli itong nakatayo. Pagdating ng round 5, muling bumagsak si Wilde pero hindi pa dun nagtapos ang laban. Round 7, habang isinisigaw ng mga tagahanga ang kanyang pangalan, isang kanang suntok ang binitawan ni Gellido sa katunggali na dumapo sa panga nito. Mula round 1, iba’t ibang suntok ang natikman ni Wilde mula kay Gellido subalit sa tagpong iyon sa round 7, busog na sa suntok ang dating kampyon. Goodnight Wilde, sweet dreams. Itinanghal na world flyweight champion si Francisco Gellido at hindi na nito binitawan ang korona hanggang sa kanyang kamatayan. Hindi na rin muling nakapag-boksing si Wilde.

Taong 1994, nakasama sa International Boxing Hall of Fame si Francisco, kasama ang isa pang sikat na Filipino boxer, si Flash Elorde. October of 1961, napunta ang pangalan ni Francisco sa Boxing Hall of Fame ng Ring Magazine.

Ipinanganak si Francisco sa Pilipinas nuong August 1, 1901 sa mag-asawang Rafael at Augustine Gellido. Apat silang magkakapatid. Subalit hindi naging maganda ang kanilang buhay pamilya at naghiwalay ang mag-asawa. Napunta ng Amerika si Rafael at naiwan si Francisco sa pangangalaga ng kanyang ina. Tumulong sa pamilya ang batang Francisco at nung 11 years old na ito, may naging kaibigan siyang isang boksingero at dito nagsimula ang kanyang buhay gamit ang kamao. Nagpunta ng Maynila ang magkaibigan at taong 1919, unang lumaban sa kanyang first professional fight si Francisco. Pagkalipas ng dalawang taon, isa na siyang Philippine Flyweight Champion. Nakilala siya ng isang Amerikanong boxing promoter na nagngangalang Frank Churchill at naging manager ang isang nagngangalang Paquito Villa.

May 1922, nakatanggap ng imbitasyon si Francisco para lumaban sa Amerika. Pagkalipas ng isang buwan, lumaban sa kanyang unang American fight si Gellido at tinalo nya si Abe Attel Goldstein. Nanalo pa siya sa mga sumunod niyang laban at madali siyang nakilala ng mga taong mahilig sa boxing. September 15 1922, kalaban ni Gellido ang American flyweight champion na si Johnny Buff. Pagdating ng round 11, naghihilik na si Buff sa canvas ring habang itinatanghal na kampyon ang batang boksingerong galing Pilipinas.

Samantala, nagtatrabaho naman sa New Jersey si Rafael Gellido. Isang araw, may ipinakitang larawan ang isa nitong katrabaho. Larawan iyon ng boxing champion na si Francisco. Pagkakita ni Rafael, laking gulat nya ng makita niyang kamukhang-kamukha nya ang kampyon. Pinuntahan ni Rafael ang boksingero.

“Your madre- was she name Augustine?” tanong ni Rafael sa sikat na boksingero.

“Si.” sagot naman nito.

“Then look good at me. I am Rafael- your Poppa!”

Biglang sinuntok ng boksingero ang tatay nya dahil iniwan sila nito. Patay ang matanda….

(Joke! Hehehe) Ang totoong nangyari, binigyan ni Francisco ng $500 ang kanyang ama at sinabihang mag-resign na sa trabaho. Marami pang laban ang ipinanalo ni Gellido at pinagbunyi siya ng kanyang mga kababayan nang magbalik sya sa Pilipinas.

July 14, 1925, namatay sa Amerika si Francisco dahil sa tooth infection. Ibinalik ang kanyang labi sa Pilipinas makaraan ng isang buwan at inilibing sa Manila North Cemetery. He was 23 years old. Ang kanyang professional record ay 109 fights kung saan nanalo sya ng 98 na beses, 25 by way of knock-out.

Sino si Francisco Gellido? Mas kilala siya sa pangalang Pancho Villa, sinasabi ng ilan na pinakamagaling na Asian boxer of all time.

May kaugnayan ba siya sa mga Gellido sa Jalajala? Aba ewan, malay ko.


*source : Time Magazine

Tuesday, March 11, 2008

tagong paraiso



Ito lang ang masasabi ko : "bidyo to, bidyo, bidyo"

Kung hindi mo alam kung saan sa Jalajala ang lugar na ito, malamang ay hindi ka talaga taga-Jalajala o kaya ay hindi mo pa nalilibot ang buong bayan. Baka nga isipin mo na hindi talaga sa Jalajala ang kuha sa video. Do yourselves a favor and go find this place before progress destroy this enchanting hidden paradise.

Bata pa ako nung huli akong makarating sa parteng ito ng Jalajala. May lupa sa bundok ang tiyo ko malapit dito at tuwing Linggo ng umaga, sumasama ako sa kanya pag-akyat sa bundok. Natatandaan ko pa, may isang puno ng balete sa bundok ng tiyo ko na gusto niyang maalis. Pinapaputol nya ito sa kanyang katiwala duon subalit tumanggi iyon dahil may ispirito daw na nakatira sa puno. Dahil hindi naniniwala ang tiyo ko dun, pinaputol padin niya ang puno.


Ilang taon ang lumipas, namatay sa cancer ang tiyo ko. Kalahati ng kanyang mukha ay nasira dahil sa sakit. Sinasabi ng mga matatanda na ang ispirito daw sa puno ang may kagagawan niyon.

Totoo man iyon o hindi, ang mahalaga ay binabasa mo ang sinusulat ko (nyuk-nyuk-nyuk)...